I admit na ilang beses na tayong nag-away dahil sa napakaraming rason. Sa tingin ko nga meron pa tayong isang truck na rason na naka stuck sa kaban nang ating relasyon kaya siguro walang panahon o oras na hindi tayo nag aaway.
Maraming pagkakataon na muntik na tayong maghiwalay everytime na mag aaway tayo kasi para sayo, mas madaling mawala ang sakit pag di na tayo, pag hiwalay na tayo. Para naman sa akin, hindi solusyon ang paghihiwalay for us to feel better kasi alam ko sa sarili ko na mas masakit ang mawala ka kaysa mag away tayo nang paulit-ulit. Di bali nang masaktan ako sa tuwing mag aaway tayo, kaysa naman masaktan ako araw-araw kasi wala na tayo. Total kaya ko pa naman, kaya kahit anong sabihin mong maghiwalay na tayo eh hinding-hindi ako papayag kasi alam ko na nasasabi mo lang rin yang mga salitang yan kasi galit ka, nasaktan ka, at pagod ka na sa pag aaway natin. Alam ko na kahit ganito tayo, mahal parin natin ang isat-isa. Hindi mo man sabihin pero nararamdaman ko.
Kaya lang minsan naiisip ko rin kung bakit ganito nalang tayo, palaging nag-aaway sa tuwing malayo tayo sa isat-isa. Palagi mo nalang akong inaaway pag matagal akong nakapag-rply sa chat or sa text mo, sa tuwing hindi ko masagot ang tawag mo, kahit alam mo naman na nasa trabaho lang ako. Pag ganito kasing sitwasyon alam ko na kung ano ang susunod na mangyayari. Mag-iisip ka na naman nang masama sa akin na kesyo marami akong ka chat o ka text o di naman kaya ka video call! hay naku naman ikaw Dear ko! wag kana kasing mag-iisip nang mga ganyang bagay kahit isipin ko lang na lokohin ka ay hinding-hindi ko magagawa. Mahal kaya kita! kaya tama na Dear, wag kanang mag isip nang kung anu-ano dyan kasi naloloka narin ako sa kaiisip kong anong dapat kong gawin para lang maniwala ka na hindi kita niloloko at hinding-hindi kita lolokohin. Sana naman makita mo rin lahat nang effort ko para sayo at sa relasyon natin.
Mahal kita Dear ko kaya tama na...tama nang pag-iisip nang masasamang bagay kasi kailanman ay hinding-hindi kita lolokohin. Tandaan mo yan!..
YOU ARE READING
Changing Relationship Status
RomanceBefore you came into my life, I can say na parang kontento na merong kulang sa buhay ko. Kontento kasi I have my friends around na nandyan para sa akin whenever I needed them. Yung klase nang buhay na kahit wala kang lovelife, eh masasabi mong masay...
