Nadine's POV~
"So sure na yun? Hindi ka na namin makakasama?"
Nandito ako sa isang fastfood chain sa loob ng mall kasa kasama sina Ingrid at Shy. Binalita ko kasi sakanila na hindi na ako magtatrabaho dito.
"Huwag nga kayo. Magkikita kita pa din tayo! Gusto nyo, punta nalang kayo sa bar ni Andi para maka bond ko pa din kayo".
Sa totoo lang, ayaw ko rin namang iwan ang trabaho ko dito. Kakayanin ko naman na pagsabayin ang workshop training, ang trabaho ko dito at trabaho sa bar ni Andi. Ang kaso, si ate Lauren na ang nagsabi. Wala na 'kong magagawa. Nagulat na nga lang ako, nakakapag desisyon sila ng hindi man lang ako nasasabihan.
Pinuntahan ko pala siya kahapon sa clinic niya. Nangamusta at dinalhan ko na din siya ng pagkain. Baka di pa kasi kumakain dahil busy sa pasyente. Naipaliwanag naman niya ng maigi kung bakit tinanggal niya ang trabaho ko sa mall. Sabi niya, mas maigi na yun para makapag focus ako sa Music, lalo na't ima manage na ako ni James. Oo, yun pala ang sinasabi niyang bago kong trabaho, magiging talent pala niya 'ko. Hays, Goodluck nalang sa'kin. Magkasundo sana kami.
Nagkwentuhan nalang kami at kumain habang nagtatawanan.
Ilang minuto lang ay dumating na rin si Andi, kumpleto na ang barkada!
Nagkulitan, naglaro at in-enjoy talaga namin ang araw na 'to dahil baka matagal tagal din naming hindi magagawa 'to dahil sinabi rin ni James na magiging busy nga kami sa mga magdadaang araw.
Nang malapit ng mag hapon, nagpaalaman na rin kami at tuluyan ng naghiwalay.
"Nga pala..", pagsasalita ni Andi habang naglalakad kami papunta sa bar niya.
"Sabi ni ate Lauren, kung pwede daw, payagan kitang mag leave sa bar ng ilang araw."
Ha? Pati ba naman sa bar?
"Ehh, teka. Ano namang sinabi mo?"
Patuloy pa rin siyang naglakad habang ako eh napahinto sa pagka gulat sa ibinalita niya.
"Eh ano pa nga ba? Eh di pumayag ako"
Argh, bakit naman siya pumayag? Ano nalang ang gagawin ko? Hindi ako sanay ng walang masyadong ginagawa. Ayoko namang maburyo sa condo kasama ang lalaking kina iinisan ko.
Hinabol ko siya dahil halos maiwan na niya ako dahil tuloy tuloy lang siyang naglakad.
"Bakit ka pumayag? Ano ba naman yan Andi. Wala na akong gagawin. Saka bakit ba lahat nalang parang sila na nagdedesisyon para sa 'kin? Minsan hindi ko na mapigilan pero parang nakakainis na eh! Argh!"
Ayokong magalit o magtampo kay ate Lauren. Lalo na't marami na siyang nagawang tulong sa 'min. Mabait din siya at para hindi na 'ko iba sakaniya. Pero the fact na pati yung pinagkaka abalahan ko sa buhay eh, magagawa na rin niyang ibahin, ugh, ewan ko pero nakakainis lang talaga.
"Hay naku, Nadine. Hayaan mo na lang. Tutal para sa'yo naman ang ginagawa ni ate Lauren. Alam naman natin na kahit kakakilala lang natin sakaniya eh, mabuti siyang tao. Wala siyang gagawin na ikakapahamak mo o kung sino man", sabi niya habang di nagpapatinag habang naglalakad sa daan.
Napansin ko na ang bilis bilis niya maglakad mula nung kaming dalawa ang naiwang magkasama. Hindi rin niya ako tinitignan sa mata. Halos maiwan na nga niya ako, ang hirap maghabol ah!
Hinahabol ko pa din ang malalaki niyang hakbang at nang tuluyan ko siyang mahabol, eh, hinawakan ko siya sa braso at pinigil sa paglalakad.
"Ano ba Andi. Hinay hinay lang sa paglalakad! Ang sakit na ng paa ko ah!"
YOU ARE READING
The Heart Project: JaDine Fan fiction (ON-HOLD)
FanfictionIsang babaeng naghahanap at naghihintay sa taong para sa kaniya.. At isang lalaking tila ligaw at hindi alam kung saan ba pupunta.. Sa huli kaya ay pagtagpuin sila at mahanap sa isa't isa ang hinahanap nila? THE HEART PROJECT (c) A JaDine Fan ficti...
