Inip
Alam kong hindi ito ang tamang oras
Upang saloobin ay ilabas
Subalit puso ay mapangahas
Itong pagkakatao'y 'di pinalampas
Marahil sapat na nga ang nagdaan
Upang si kupido ay maliwanagan
Sa damdaming kay hirap paniwalaan
Para sa guro, na aking hinahangaan
Siguro ako'y pinagbigyan na rin
Sa tuwi-tuwina kong panalangin
Na kasama sa pagdalangin
Tuwing araw ng pangilin
Ngayon sayo ay nais ipabatid
Ang karanasan, na saki'y naghatid
Sa isang mapusok na damdamin
Na kailan man, 'di ko magawang lisanin
Sa'yong kilos, tindig at sa pagtitig
Puso ko'y mistulang halamang dinidilig
Naakit ang paningin kaya sayo nahilig
Simpleng pagtingin, nauwi sa pag-ibig
Tuwing ika'y nasa piling ng iba
Puso'y mistulang puno ng pangamba
Ngunit kalakip damdaming kakaiba
'Yan ang saya sa kabila ng kaba
May hiwaga ngang taglay ang pag-ibig
Na nasisilayan kapag sayo nakatitig
Ang pagdalaw mo sa'king panaginip
Ang dahilan nito kung bakit nainip
Ang mensaheng ito'y mistulang alon
Sapilitang inagos ng panahon
Upang hindi masayang ang pagkakataon
Tulad ng sa lumipas na kahapon.
YOU ARE READING
INIP
PoetryMinsan hindi mo na namamalayan na nahuhulog ka na .... kung naranasan mo na ang sitwasyong nabanggit ko....marahil ay mauunawaan mo ang mensahe ng tulang ito.
