Chapter 1: Elevator

155 2 0
                                    


06:45 a.m.


Nasa malayo ang isip ko habang nakatingin sa phone ko. Huminga ako ng malalim bago pumikit at sumandal sa upuan. Ang aga pa lang traffic na sa syudad. This is what I hate the most. Traffic.

Pagmulat ko nahagip ng mata ko ang isang lalaking nakasakay sa isang Ducati. Isa lang ang masasabi ko, maangas. Hindi naalis ang tingin ko sa kanya the whole time. I'm so into cool things. Na-amaze talaga ako sa big bike nya.

Napaiwas ako ng tingin ng mapansin kong napatingin sya sa gawi ko. Narealize ko lang na tinted pala ang sinasakyan namin ng makita ko si Mama na nagtatakang nakatingin sakin.

"Ba't naman ganyan ang itsura mo?" natatawang sabi nya.

Sometimes I can't help it. Yung katangahan ko pasumpong-sumpong. Nakakahiya kahit na hindi alam ni Mama.

Ngumiti muna ako bago ko ako sumagot. "I'm okay, Ma. Naiinip lang ako sa tagal ng traffic."

"Pasensya ka na kung sinabay na kita maaga kasi ang duty ko ngayon at syempre gusto kasi kitang maihatid kahit sa first day man lang. I know it's too early mamamaya pang 8 ang pasok mo."

Kahit na busy si Mama hindi parin nya ako napapabayaan. Nakakahanap parin sya ng oras para makapagbonding kami.

"Wala namang kaso sakin yun, Ma. Naiintindihan ko." ngiti lang naging sagot nya sakin.

Ilang sandali lang natatanaw ko na ang papasukan kong university. Una mong mapapansin ang kulay blue na building dahil ito yata ang pinakamataas sa mga building dito at dahil narin sa kulang nito. Hininto ni Mama ang sasakyan sa harap ng gate.

"Yung mga bilin ko. Okay?" Heto na naman tayo. "Yes po. Ilang ulit nyo ng sinabi yan don't worry hindi ako sasali sa sorority." Pinandilatan niya ako matapos kong sabihin yun.

Bumaba nako bago pa maisipan ng nanay ko na pagsabihan ulit ako. Hinintay ko munang makaalis ang sasakyan namin bago ako pumasok sa gate. Sana naman maging maganda ang unang taon ko sa college. Kinakabahan ako. Baka katulad ng nga napapanood ko sa tv isa ako sa mga mabully. Hindi ko yata kakayanin... if ever lang naman.

Tahimik pa ang building namin ng makarating ako dahil sa maaga pa naman kaya wala pang gaanong tao. Dumiretso nako sa elevator para mahanap ko na ang magiging room ko dahil upung-upo na ko.

Pasara na ang elevator ng bigla na naman itong bumukas kaya napaangat ang tingin ko kung bakit. Isang lalaking matangkad ang pumasok. Medyo natakot ako sa aura nya lalo na't kami lang dalawa ang tao sa loob parang any minute mananapak sya.

Hinihintay ko lang talagang makarating ako sa 4th floor dahil gustong-gusto ko ng bumaba. Feeling ko talaga ang tagal umakyat ng elevator sa susunod gagamit na lang siguro ako ng stairs.

I was relieved ng tumunog ang elevator. Dali-dali akong lumabas. Nakahinga takaga ako ng pagkaluwag-luwag ng makalabas ako. Hinanap ko na ang room namin after that breath in - breath out moment ko. Nakakatakot talaga sya, promise.


Nevermind the looks.

Maybe This Time (Maybe #1)Where stories live. Discover now