My broken Soul

5 0 0
                                        

Chap 4

Hanggang isang araw naging mutual na ang lahat. Naging sweet na ko sakanya na kung ituring ko na ay parang boyfriend ko na din.

Nanliligaw nadin siya sakin.. araw araw gabi gabi na kame magkausap mag damag.

Andyan na pumasok ang mga pangako niya..

" totoo na ba talaga to tristan? Sana kung hindi sabihin mo saakin agad ng hindi kita mahalin ng lubusan. Natatakot na ako masaktan eh. Takot ako umasa takot ako maiwan"

Nag reply siya sa text ko

" mahal kita chen at handa kong mag antay kahit gano katagal. Seryoso ako sayo sana magtiwala ka sakin"

Reply ko naman " baka naman mapagod ka kakaantay sakin?

" bakit naman ako mapapagod makuha at makamit yung pangarap ko? Hinding hindi ako mapapagod mahalin ka chen. At araw araw ko ipaparamdam yan sayo. Magtiwala ka lang sakin chen. Love you Chen"

Paulit ulit ko binabasa yung text na niya yan. Lalo talaga ko naiinlove sakanya..

Sana hindi lang ito guni guni o isang panaginip lang. Sana lang ng ito ay totohanan na.

Nakaka inlove lalo sa lalaki yung hinahalikan ka sa noo satwing magkikita kayo at pagka hatid niya sakin sa bahay namin. Satwing hawak niya ang kamay ko lage niya hinahalikan ang kamay ko na parang isa ako isang hamak na prinsesa. :"")

(KINABUKASAN)

pagkatapos ng klase ko ay sunundo na niya ako sa skwelahan namin.

pagkatapos nun ay pumunta kame ng UP kaso kamalas malasan ay lakas ng ulan. So sumilong nalang muna kame sa isang shed.

Isa lang ang dala naming payong 10 pm na kase nun kaya't sumugod na kame sa ulan na iisa lang ang dala payong. Habang tumatakabo kame at naghahanap ng masisilungan ng malapit sa sakayan

Naka akbay siya sakin para hindi ako ganun mabasa ng ulan. Napansin ko na hindi nga ko masyado nababasa ng ulan e halos tuyo nga ako paa ko lang ang basa

Pagkasilong namin sa isa pang shed basang basa na pala siya ng ulan. Yun pala ay saakin lang nakatapat ang payong at hinayaan niyang siya na lamang ang mabasa ng ulan.

Grabe naawa ako sakanya nung gabing yun dahil basang basa ang gamit niya sa bag. Mabuti nalang ay may dala siyang extra shirt kaya pinag palit ko muna siya ng tshirt para hindi siya mag kasakit

"Sige na mag palit kana baka magkasakit ka pa"

" Hindi okay lang ako chen . Ikaw baka nabasa ka ng ulan? Sorry ha dinala kita sa lugar na mababasa ka. Wala na ko pag asa niyan hays"

" baliw! Hahaha ayos lang. di mo kasalanan yun sira ulo ka. Haha ikaw nga nabasa ng ulan dyan."

" sana pala umuwi nalang tayo no hahaha mas masarap matulog at humiga nalang ngayon tapos habang magkausap tayo sa phone"

" bat ayaw mo ba ko kasama?"

" syempre gusto. Kaya nga kita hinahatid sundo diba para maksama kita. Wala naman yang ulan na yan eh importante hindi ka nababasa at napoprotektahan kita."

Halos walang araw na hindi ata ako kinilig kay tristan. Grabe minsan naiisip ko na nga na baka hindi lang siya sakin ganito. Na baka isa nanaman tong trap! Hahaha

Jusko lord tulong po kayo na po bahala sa puso ko. Haha

Eto nanaman ako nababaliw nanaman sa pag ibig. Hindi ba napaka assumming ko na masyado no masyado na ata ko nag eexpect ng mga bagay bagay tungkol kay tristan

Hindi din naman ako masisisi kase nag papakita naman siya ng motibo sakin para mag assume ako ng ganito...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 12, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My broken soulWhere stories live. Discover now