CHAPTER 2

17 0 0
                                        

"Hanna please mag-usap naman tayo" hinawakan niya yung kamay ko habang nagmamakaawa na kausapin ko

"Ayaw na kitang makausap kahit makita ka ayoko" pilit kong inaalis yung kamay niya pero mas humigpit ang hawak niya

"I didn't mean to hurt you Hanna hindi ko alam kung paano nang-" 

"Hindi mo kailangang mag-explain dahil ko pakikinggan" marahas kong inalis yung kamay niya saka ako patakbong umalis

tumakbo ako ng tumakbo hanggang hindi ko na alam kung nasaan ako napadpad basta ang alam ko lang nakalayo na ako sa lalaking nanakit sa akin

"HANNA!!!!!!!!!!!!!!!!"sigaw ng mama ko

"Ay kabayong may garapat" sa pagkabigla ko nabato ko yung alarm clock sa pader 

may yabag na akong narinig kaya alam kong anytime susugod na dito yung nanay ko at hindi nga ako nagkamali 

"Hanna alam mo ba kung anong oras na?" tanong niya habang nakapameywang

"Ma oo na alam ko mala- late na ako" nagmamadali akong lumabas ng kwarto saka pumunta ng banyo para maghilamos 

nakakainis naman kasi kung hindi lang sobrang hirap nung project na pinapagawa nung professor ko sa math hindi ako ko pagpupuyatan ng bongga yun eh

"Sige ma alis na ako ha" paalam ko at  hinalikan ko sa pisngi si mama 

"O hinanda kita ng sandwich kainin mo yan pagdating ng school ha huwag kang papagutom" bilin niya

"Opo ma you're the best talaga"

"Oo matagal ko ng alam na bola lang yan sige umalis ka na may konting oras  aabot ka pa"

"Ok ma bye"

"Bye ingat anak"

Supervisor si mama sa isang sikat na bangko at si papa naman nagtatrabaho sa isang electronics company bilang accountant wala akong kapatid kasi daw mahirap talagang magbuntis si mama muntik pa nga siyang makunan nung pinagbubuntis niya ako eh buti na lang nailigtas ako ng doktor kaya ayun only child ako 

Buti na lang may napara akong jeep agad at buti na lang walang traffic sa oras na eto kaya mabilis akong nakarating sa school sa sobrang pagmamadali ko may nabangga pa ako tumilapon pa yung mga gamit ko

"Sorry po..sorry po talaga hindi ko po sinasadya" nakayukong sabi ko habang pinupulot ko yung mga gamit ko

"Ok lang tulungan na kita" nakipulot na rin siya 

"Salamat po" abala akong nagpupulot ng gamit ko 

"Eto yung ibang gamit mo" sabi niya habang binibigay niya yung gamit ko

Inabot ko yung mga gamit ko saka ko siya tinignan 

"Salamat po and sorry talaga sige po mauna na ako nagmamadali kasi ako eh" pagkasabi ko nun kumaripas na ako ng takbo papunta ng classroom ko

"whooo hah hah" hinihingal na ako pagdating ko sa classroom umakyat pa kasi ako ng hagdan

"Anong nangyari sayo?" tanong ni gianna

"Late akong nagising eh kaya tumakbo ako para makahabol" sagot ko 

"Hahahaha kawawa ka naman nagmadali ka pa eh wala pa naman yung teacher" gusto ko siyang hambalusin nakita na nga niyang halos mahimatay na ako sa sobrang pagod tapos pagtatawanan niya pa ako

"Che!" kinuha ko na lang yung sandwich at yung tubig ko

"Buti na lang late yung bagong professor" sabi niya 

"Bagong professor?" nagtatakang tanong ko eh hindi ko alam na may napalitan yung teacher namin

"Gosh hindi mo alam?" lumaki yung mata niya na parang shock na schock

"Duhhh magtatanong ba ako kung alam ko" pairap ko siyang sinagot kaya nga ako nagtatanong eh

"Yan kasi laging huli sa balita tuloy hindi mo alam nangyayari eh kasi ganito yun FYI nag-resign na daw si ma'am aquino kasi may family emergency kailangan niyang alagaan yung asawa niyang na-stroke"

"Ah kaya pala" sabi ko habang ngumunguya 

"OMG girl alam mo ba na yung bagong professor daw natin sobrang gwapo gosh dapat pala sinuot ko yung bagong bili kong damit na worth 20,000 lang naman at limited edition lang naman"  hay ayan na naman ang sobrang yaman at sobrang yabang pero wala namang ganda na  si Bianca classmate namin yan na halos lahat na ata ng gamit ipagyayabang wala namang nakikinig kundi yung mga friends niyang sosyalera din

"Oh gosh talaga where naman did you narinig that balita" tanong nung pa-conyo niyang friend na si Brenna sa sobrang arte ng pagsasalita parang gusto mo ng sungalngalin ng tsinelas ang bibig para matahimik

"You know naman Vanessa walang balita ang hindi nakakarating sa kanya agad agad" sagot naman ni Brie ang malandi ever na sa sobrang landi pati lalaking may boyfriend pinatos if  I know pati yung boyfriend ng mga kaibigan niya pinakialam din niya

"Dapat maging ka-close natin yung bagong professor" sabi ni Bianca

"Well as always" sagot naman nung dalawa

ano namang bago lahat na lang ata ng mga teachers dito gusto nilang ka-close para maganda ang grades nila they have the money but they don't have the brain kaya tawag namin sa kanila eh "THE BRAINLESS" o "THE B SISTERS" hindi lang dahil  parehas sila na B ang first letter nga mga pangalan nila dahil na rin mga brainless at bitch din sila kung hindi nila nagustuhan ginagawan nila eto ng mga prank kaya walang gustong kumalaban sa kanila

"Hay naku ang yayabang talaga ng mga B sisters" sabi ni gianna

"Hindi ka na nasanay" sabi ko naman habang inaayos yung pinagkainan ko

"OMG andyan na siya"

Tumingin ako sa pinto para tignan kung sino yung dumarating pagpasok ng tao

O________O

To już koniec opublikowanych części.

⏰ Ostatnio Aktualizowane: May 22, 2013 ⏰

Dodaj to dzieło do Biblioteki, aby dostawać powiadomienia o nowych częściach!

The Casanova ClubOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz