Bituing Aking Naabot

15 1 2

PROLOGUE:

Ang pagmamahal ay hindi yan mawawala dahil ito ay parte sa isang tao upang siya ay ganahang mamuhay.Ang pagmamahal ay hindi mo mabibili kundi ito ay kusang dumadating...

Narasan mo na bang ma-inlove?well?Kung hindi pa try mo para magkaroon kayo ng inspirasyon sa buhay.........

Ang kwentong ito ay tungkol sa bituing aking naabot.....

************

Jeng's POV

Ako nga pala si Krishna Jane Mananquil,Jeng ang tawag sa akin ng aking mga kaibigan dahil kapag Jeng ang itatawag sa akin parang gumagaan ang loob ko at mararamdaman ko rin na importante ako sa buhay nila.Ako ay 15 taong gulang,kasalukuyang pumapasok sa UP Dilliman at nakatira sa Quezon City,Philippines.

-----

Noong ako'y tumuntong sa 4th year,may nakilala akong isang lalaking bumihag sa aking puso.Ang pangalan niya ay Kriswin Dela Fuente,siya ay magaling sa larong volleyball at badminton at isa rin siyang honor student.

Isa lamang siya sa mga pangarap na gusto kong makamtan,oo pangarap talaga dahil siya ay isang bituing na gusto kong maabot na kung saan hanggang tingin lang ako sa kanya

*Sa Paaralan*

Pagdating ko sa aming paaralan mukha agad niya ang aking hinanap pero hindi ko siya makita kaya nagtanong ako kay Michaela Lara isa sa mga kaibigan ko pero sabi niya hindi rin daw niya nakita.Kaya ayon nakipagharutan muna ako kay Michaela para maaliw ko man lang ang aking sarili.

Pero sa gitna ng aming paghaharutan naitulak niya ako,kaya ako ay napaatras pero sa hindi ko inaakala nadulas ako kaya pinikit ko nalang ang aking mga mata at hinintay ang aking pagbagsak,pero...parang may sumalo sa akin kaya isa-isa kong minulat ang aking mga mata para makita ko kung sino yung sumalo sa akin,pero laking gulat ko ng siya ang makita ko,OO siya!SIYA mismo si Kriswin,ang lalaking NAGPAPATIBOK NG AKING PUSO...Dahil nahihiya ako sa kanya dali-dali akong tumayo at....

''Sa-salamat'' nauutal kong pasasalamat sa kanya

''Okay lang,basta sa susunod mag-iingat ka na ha?Baka kasi hindi na kita masalo,masaktan ka pa kung nagkataon :))'' nakangiting sabi sa akin ni Kriswin

At tsaka sila umalis ng kanyang mga kaibigan

''Ayiiiiieeee,Jeng nakita ko yun ha?'' panunuksong sabi sa akin ni Michaela

''tsee!tumigil ka nga diyan Mikay,eh ikaw din naman ang may kasalanan nun eh'' kinikilig kong sagot sa kanya

''ehhh,pero atleast kinilig ka,dapat nga pasalamatan mo pa ako kasi kung hindi ko yun ginawa, eh di sana hindi kayo nakapag-moment nung crush mo'' nakangising sagot ni Mikay sa akin

''tumigil ka na nga dyan sa ka-ngingisi mo Mikay!''sabi ko kay Mikay

Kriswin's POV

Dumaan kami sa harap nina Krishna kaya lang hindi niya ako napansin,naghaharutan kasi sila ng kaibigan niya,kaya lang naitulak siya ng kanyang kaibigan at sa hindi inaasahang pagkakataon ,siya ay babagsak pero syempre hindi ko yun hahayaang mangyari sa mahal ko ,kaya ayon sinalo ko siya para hindi siya bumagsak ng tuluyan .Ang cute nyang tignang nakapikit :)) Nagulat siya ng pagdilat nya ako ang kanyang nakita at nahihiyang nagpapasalamat sa akin pero ako namang si tanga wala sa utak kong sagot sa kanya ng kung ano-ano.

''Naks naman pre!:)) ganda ng sagot mo ah?kinikilig ako sa inyo :D''panunuksong sabi ni Mike sa akin,isa sa mga barkada ko.At oo may gusto ako kay Krishna at alam na alam yun ng mga kaibigan ko kaya nga nagpapatulong ako sa kanila sa paggawa ng mga bagay na gagamitin ko sa panliligaw kay Krishna.Pero syempre nag hahanap pa ako ng tyempo para bongga ang panliligaw ko sa kanya at siguro pwede na ngayon :))

Jeng's POV

Nagkukwentuhan kami ngayon nina Michaela,Ailyn Mae,at Charisse sa loob na room ng biglang

"Jeng!Jeng!"Kinikilig na tawag sa akin nina Anne Carmellie at Maecel

"Oh?Bakit?Ano bang nangyayari?" Nagtatakang tanong ko sa kanilang dalawa

"Tigna mo sa labas ng room para malaman mo :))" nakangiting sabi ni Ann

Tumayo kaming apat at sabay-sabay kaming anim na lumabas pero ako yung pinahuli nina Ann at Maecel para daw surprise

Paglabas ko nakita ko si Kriswin kasama ang kanyang mga kaibigan na nasa labas ng room namin,si Kriswin ay may dala dalang mga bulaklak at may illustration board pa na may nakasulat na "MY" at isa-isang inilabas ng kanyang mga kaibigan ang kanya-kanyang hawak na illustration board na may nakasulat na "WILL""YOU""BE""MY""GIRLFRIEND?"

Bigla akong naiyak ng makita ko ang mga nakasulat don at mabasa ang mga salitang "WILL YOU BE MY GIRLFRIEND?"

"Oh?Bakit ka umiyak?Hindi mo ba nagustuhan?'' Kriswin

"Ah,hindi ah! nagustuhan ko nga eh,hindi lang ako makapaniwala na ginawa mo to sa akin" Naluluhang sabi ko sa kanya

"Bakit?Mahirap ba paniwalaan na mahal kita?" tanong niya sa akin

"Ehhhh,OO,hindi naman kasi ako maganda .hehe" Nahihiya kong sagot

"Eh hindi naman yun ang rason ko at tsaka maganda ka naman pero ang pagiging simple mo talaga ang bumihag sa aking puso :)) " Pagpapaliwanag sa akin ni Kriswin

"Ehh ikaw talaga!OO,sige na nga pumapayag na ako dyan sa tanong mo :)) " Ako

"Talaga?"Kriswin

"OO nga sabi! :))"nakangiti kong sabi sa kanya

"YEEEESSSSSSSSS!WOOOOOOOHHHHH!Girlfriend ko na sa wakas si Krishna!woooohhh! " Masayang sigaw ni Kriswin

"Naks!lomalovelife na si Jeng oh?haha " Kinikilig pa rin na sabi ni Ann sa akin

"Kayo talaga!salamat sa inyo ah? :)) " Sabi ko sa kanila

At ayon nag work naman yung relationship namin at ngayon ay nandito kami sa garden ng school at masayang nagkukwentuhan tungkol sa aming future :)) oh?hanepp diba?future agad.hahaha Syempre mahal kasi namin ang isa't-isa kaya mas okay ng advance para makapaghanda kami sa hinaharap namin:))At hindi ko inaakalang ang lalaking pangarap ko lang noon at bituin kong aking ituring kasi mahirap abutin ay ngayon nasa aking tabi na at naglalambing:))At ito ang kwento ng BITUING AKING NAABOT :))

Salamat sa pagbasa ng aking kwento:)) abangan nyo pala ang aking susunod na kwento ANG NUMBER 08 SA BUHAY KO :)) SALAMAT

--JENG


Bituing Aking NaabotBasahin ang storyang ito ng LIBRE!