MESSAGE!!???

122 2 0
                                    

Ana's Pov.

Pinagpatuloy na namin yun pag ikot sa bote. Parang anytime gusto ko na lang umalis dito. Hindi ko alam kung paano, pro ewan ko ba kung dahil ayoko lang nung dares nila o dahil nasasaktan lang ako sa mga simple nilang ngintian.

Inikot nila uli yung bote si Jake yung natapatan. Ayoko na sanang makinig kaso hayaan mo na di ko naman mapipigilan ang sarili ko diba?. May feeling pa din ako sa kanya kahit sobra na kong nasasaktan para sa kanya.

"I'm Jake Llanto. Hobby ko hmmmmm.... Kumaen siguro kahit hindi ako tumataba. Embarrasing moment? Ahhhh alam ko na. Kasama ko si Gabe nun. Think 7 pa lang kami nun nagpunta ako sa playground nagkahiwalay kami nyan kasi bumili sya ng ice cream. Pumunta ako sa slide. May babae dun nakaupo sya. Then sabi ko tumabi sya kasi mag s-slide ako. Tinitigan lang nya ko tas sinabe nya na she don't care. First time ko masabihan nun. Tapos nakaramdam ako na parang i like her nga eh. Hahaha. Nakakatawa lang. Sumunod na araw nakita ko sya umiiyak uli, lumapit ako at walang kung ano-ano niyakap ko sya, Tsk. Kahit ang bading pero tinulak niya ko at binato ng ice cream sa mukha! Hahaha.Tapos bigla syang tumawa nautas sya kasi siguro dahil sa itsura cause diba there's an ice cream. Siguro namula din ako. Sobra yung hiya ko eh. That's it." sabi nya tas napasimangot. Oh my god... Hindi kaya sya yung tinapunan ko nun ng ice cream??. Pero the eff imposible hindi nya ko kilala eh!?. Isa pa ang sungit nya.

Kasi that time ganyang ganyan din ang nangyari sa akin nung bata ako. Actually he gave me a necklace na hanggang ngayon suot ko pa din. Ewan hindi ko yata sya kayang hubarin. Parang gusto ko din yung lalaki sa playground. Nung naging friends na kami ang sabi nya sya raw si Aki. Sabagay malayo ang Jake sa Aki. Tsk. Akala ko sya pa yun.

Tapos kaya kami naghiwalay dahil pinapapunta ako sa states ni mommy. Kahit ayaw ko pinilit nila ko. So yun parang nag nd of the world nagkahiwalay kami. Ang sakit din nun sa dibdib ko eh. Ang sakit mawalan ng bestfriend. Bestfriend lang ba??

"Ana, Are you crying?" napatingin ako sa nagsalita. Si Gabe. Ang pambwisit ng buhay ko. Agad ko namang pinunasan ang luha ko. Shete lang baka sabihin nila naka drugs ako eh.

"Are you okay?" sabi ni Shinelle.

"Yes. Masama lang siguro pakiramdam ko. Please excuse me, sa susunod na lang uli. Sa ngayon kayo na muna ang mag review. I dont think na kaya ko mag review today. Sobrang masakit lang yung ulo ko. Thought i've having an headache. Kayo na lang bahala mag sabi kay Sir. I'm sorry." sabi ko at lumabas nang library. Hindi ko alam kung bakit pero. Parang ang hirap sa pakiramdam maalala ang nakaraan.

Pupunta ako sa playground. Pupunta ako kung saan una kaming nagkita ni Aki. Masyado ko syang na-miss. Bwisit na dare yan! Naalala ko pa tuloy sya. Tumutulo na naman yung luha ko. Naglakad ako papunta dun sa lumang playground. Malapit lang yun sa school namin.

Nakarating na ko dun. Kokonti na lang ang batang naglalaro siguro 8 na lang. Nalulungkot ako. Naiinis ako. Simula kasi nung nagkahiwalay kami ni Aki, wala na kong balita sa playground na to. Wala na kasi sinabi ko na ayaw ko nang bumalik dito. Alam ko kasi na masasaktan lang ako.

Dumeretso ako sa slide. Naupo ako dun. Pinagmasdan ko yung kokonting batang naglalaro. Pero may nahagip ako ng tingin na nakakuha talaga ng atensyon ko. Yung dalawang bata. Babae at lalake. Nag-aaway sila?. Pano tawa ng tawa yung lalake ang dungis kasi kumain nung babae eh. Hahaha. Nag pa flashback sakin lahat ng nangyari.MULI! Bumuhos na naman ang peste kong luha. Nakakainis naman bat ba hindi ko na lang sya kalimutan!.

Kasi may part sakin na ayaw ko syang kalimutan......

"Ate why are you crying?" napatingin ako sa nagsalita.

BESTFRIENDzonedWhere stories live. Discover now