Tumango naman si glaiza ky rhian  ngumiti sabay sabi " walang iwanan!" Sumandal sya ulit sa balikat ni rhian at napatahimik ito at parang may pag alala sa mangyayari pag nalaman ng pamilya nya tungkol sa kanila.

"Promise? - rhian to glaiza.

"Promise! - sagot ni glaiza na parang may pag alinlangan.

Napatingin lang sa kanila ang mga kaibigan nila.  Lalo na si chynna na halatang may pag-alala kay glaiza sa sitwasyun nito lalo na't alam nya na may pagka conservative yung pamilya ni glaiza.

*RHIAN'S HOUSE..

Sabay-sabay dumating ang magkakaibigan sa bahay nila rhian at agad naman sumalubong ang mommy ni rhian.

"Hello ladys.. - bati ni mommy clara sa kanila pag kapasok sa pintuan.

"Hello Good Evening po.. - sabay-sabay na bati ng magkakaibigan.

"Pasok pasok, hali kayo dun tayo sa may garden dun siguradong gutom na gutom na kayo. - mommy clara said.

Medjo kinakabahan si glaiza lalo na't panay ang tingin aa kanya ng mommy ni rhian.. mag kadating nila sa garden kung saan nandun yung handaan. agad naman bumati sila sheena,alessandra, chynna at ang boyfriend nitong si kean sa kapatid ni rhian na si nadine.
"Happy birthday nadine!

"Thank you guys.. - sagot ni nadine aa mga bumati sa kanya. 

"Maligayang Kaarawan nadine. -pangiting bati ni glaiza.

"Thank you.. ohh you must be glaiza right? - nadine to glaiza.

Napangiti lang si glaiza sasagot na sana ng lumapit si rhian at hinawakan ang braso nya..

"Guys! Mom? Nad? And of course bianca bff ko pala.. ahmm this is glaiza.. - rhian said.

"Hello,hello po, magandang gabi sainyo.. nice meeting you po tita, nadine, bianca. - sabi ni glaiza na iniisa isa nyang kinamayan ang mga ito.

"I've heard so much about you! Nag tatampo na nga din ako minsan dito sa bff ko wala na kasi syang time sakin. - bianca said sabay tingin kay rhian.

Nagngitian lang si rhian at glaiza sa sinabi ni bianca.

"Finally we meet you.. gusto din kasi namin makilala yung taong nagpabait dito sa kapatid ko.. alam mo bang sobrang pasaway nyan at ang kulit dati? Tapos nung mapansin namin na parang nagbago sya sobrang bait na, sobrang lambing yung inspired2x talaga.. - pabirong sabi ni nadine.

Natawa lang si glaiza sa sinabi ni nadine at sinundot naman sa tagiliran ni rhian ang kapatid. "nang lalaglag kapa porket birthday mo? - rhian to nadine.

"Tama na yan! Kumain na tayo wag kayung mahiya ha? Glaiza! Wag kang mahiya just feel at home. Welcome ka dito kahit kelan at kahit anung oras. Kay ganda-ganda mo palang bata ka. Di na ko nagulat sa anak ko. - sabi nimommy clara.

"Ay salamat po! - glaiza to mommy clara.

"Oyy bet na bet ng nanay! - panunukso ni chynna sa kaibigan.

"Sira! Tumigil kanga baka marinig kapa eh. - sagot naman ni glaiza.

Nagtipon tipon silang lahat sa mesa at nag simula ng kinantahan ng happy birthday si nadine. .  At syempre si rhian di mapakali baka hindi comportable si glaiza kaya inasikaso nya ang girlfriend nya kulang nalang subuan nya.

"Love ok lang ako, ano kaba kumain kana! - glaiza to rhian.

"Sabihin mo lang kung may gusto kapa ha? Hayaan mo na ako love minsan lang to mangyari na nandito ka sa bahay. - rhian said.

Two Hearts That Beat As One(lesbian story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon