Agad naman siyang tumawa at hinalikan ang sulat. 

Nang malapit nang bumaba ay itinago niya ang note katabi ng rosas sa loob ng bag hanggang makarating siya sa kanyang pinagtatrabahuhang kumpanya.

"Ah... Sis! Na-receive mo ba yung note ni...", tanong ni Rubie mula sa cubicle ng nagta-type na si Janice

"Julius??? Oo Sis! Ang cute nga eh!", mabilis na banggit ni Janice na inikot ang upuan upang ibigay ang natanggap na note, "Tingnan mo... So cheezy!"

Titingnan ni Rubie ang note at ilalapag ng padabog ang hinawakang sulat sa desk ni Janice, "Hindiiiii ito!"

Malakas ang sigaw ni Rubie na sisira sa konsentrasyon ng ibang mga empleyado, "Sis...", nakatulalang banggit ni Janice

"A... I mean Sis...", mas malambing na tono ni Rubie na magpapanumbalik sa mga nagulat na staff. Mananatiling nakatayo si Rubie sa likod, "Yung note ni Rhyna Alcantara... dinikit niya raw malapit diyan sa monitor mo kanina bago siya pumuntang field!"

"Ay! Ganun ba?", banggit ni Janice na maghahanap ng stick notes, "Wala naman eh!"

"Sis... meron yan! Gamitin mo naman ang mata mo sa paghahanap... sana magkaroon ka ng maraming mata pagkagising mo sa umaga!", mataray na sambit ni Rubie sa kaibigan na mabusising naghahanap ng note sa buong cubicle.

"Ano daw?!?", banggit ni Janice na sinuyod pati ang loob ng kanyang trash can at gilid-gilid na dingding. Nang lumuhod at lumakad ng pagapang ay matutumbok niya ang sapatos ni Rubie paakyat sa mga hita nito at inusisa ang suot na damit at likurang fitted pants. Pagdating ni Janice sa bandang puwitan ni Rubie ay makakakita ito ng yellow green na papel.

"Aha!", banggit ni Janice na kukunin ang stick note at tatalikod naman si Rubie

"Oh... ano yan?", tanong ni Rubie na titingin sa nakita ng kaibigan

HUWAAAAAAH!
"Walang hiya ka, Sis... pinagod mo pa ako sa kakahanap tapos nasa sa'yo lang din pala...", banggit ni Janice na babalik sa sariling silya

"Ay... sorry Sis! Kaninang umaga kasi kasabay ko si Rhyna na pumunta dito sa place mo para maglagay sa desk ng note kaso naupuan ko ata kanina bago umalis kaya... I..."

"Okay lang Sis!", mabilis na banggit ni Janice na agad pagbeso at paglayas naman ng kaibigan para sa sariling trabaho. Tuluyan niyang babasahin ang note:

INTERVIEW WITH DEAN NICASIO MONTANILLA SR., 8AM tom.
Bring your Own Baon... luvlots! from Rhyna A.









"Ano na gawa niyo??? Tagal pa ba tapos yan?", tanong ng lider sa kanyang mga alalay habang may pinupukpok at pinagkakabitbit sa loob ng kanilang bodega sa squatter's area

"Eh Leader... kaunting tiis na lang, eto kasing partner ko, naglagay pa ng design sa kabilang side eh!", sagot ng panot na alalay na may hawak ng martilyo at nakatingin sa madilim na mukha ng amo

"Bilis bilis na! Nag malas na nga tayo sa trak tapos pati ba naman diyan? Pasalamat tayo at hindi pa simula demolition... inis naman oh!", nakapamewang na sambit ng lider na nakakarinig ng mga pagpukpok

"Eh Leader... kulang pa nga po ng mga de-unong pako kasi medyo marupok po yung ilalim ng sahig", wika ng payat na alalay na itinabi muna ang lata ng lagayan ng mga pako

"Hala! Tignan mo dun sa gilid ng imbakan ng mga bote at diyaryo... baka may iwan ilang pako para gamit mo!", utos ng lider sa alalay

"Eh Leader... paano po ito kung matapos na at may makakita sa ating parak, edi tsugi tayo ng bonggang bongga", dagdag ng abalang panot na alalay

"Basta... wak lang kayo pahalata, tsaka alam niyo naman gawin kapag may parak na magpumilit di ba?"

"Yes, Leader! Ganito!", dagdag ng panot na sesenyas sa lider ng pagputol sa leeg
TSEEEEK!

"Eh Leader... paano po yung mga epektus sa trak natin???", tanong ng payat na alalay na may bitbit nang kaunting pako at babalik sa ginagawa

"Eto na nga... basta kapag hanap tayo tiyempo, alis natin yung ibang nasa ilalim para kuha at dala sa bagong hideout. Tapos bahala na sa sunod ating aksiyon!", sambit ng lider na dudukot ng isang stick ng sigarilyo sa kanyang tenga at sisindihan ng lighter

"Eh Leader... kailan po punta yung isa pang kasama ni Milky Man para may iba naman kaming kakuwentuhan at ka-table kapag nag-iinuman?", tanong ng payat na kikindat sa kasama at mag-aapir

YOOOOOON!
"Ah... oo nga! pag tapos na misyon niya! Nami-miss ko na nga rin amoy nun eh! Hmmm...."

"Eh Leader...", wika ng panot na ikakabigla ng lider at ipagtataka, "Paano po pag ulan sa pagdaan ilog? Edi basa gatas dun... agad siya tuloy timpla!"

"Ah... edi magpayong kayo at kumutan plastic kober maigi ang gatas ah! I-ready niyo na lang sa upuan nyo!", dagdag ng lider na patungo na sa kanyang silya upang magpahinga

"Eh Leader...", sabi ng payat at puputulin agad ng lider

"He! Tama na mga tanong... bukas aman! Gusto ko na beauty rest! Good Night!", sambit ng lider at tatalikod sa mga alalay. Maya-maya ay titingin sa labas ang alalay na payat at titingala...














"Teka, may araw pa ah!!!", huling mga kataga ng payat na alalay at magtataka

If we fall in-luvWhere stories live. Discover now