SAB's POV
Di ko na sya kilala tatlong taon lang nagawa na nyang magbago. Di ako naniwala kila Tito at Tita nong kausapin nila ako bago ako umalis hinabilin pa nila na intindihin ko nalang daw sya. Tinawanan ko na nga lang sila eh kasi akala ko ginu-good time lang nila ako. Pero sheyyyt! Sobrang mali. May mali oo maintindihan ko kong nasaktan sya dati kaya nagkaganyan sya pero bakit damay ako. Wala naman akong kasalanan ah! Naging supportive bestfriend naman ako sa kanya. Nakapag pasya na ako di ako aalis dito nang di ko nalalaman ang buong storya kung bakit sya nagkakaganyan at dapat ko rin malaman bakit pati sa amin ay ganyan sya. Ano to damay-damay lang di pwede to. Andito pa rin ako sa sala pinapatahan ako ni Nanay Elsie. Pilit ko naman kino-compose yong sarili ko. Nasaktan talaga ako sa ginawa nyang pagtataboy sa akin pero di ako papatalo ako pa rin yong bestfriend nya na makulit.
"Oh! Iha tahan na. Pag pasensyahan muna yon si Nadz pero mabait pa rin naman yon iha. Nabigla lang siguro di kasi sanay yon na may ibang tao dito sa bahay nya."
Pang aalo nya sa akin kaya tumahan na din ako.
"Nay Els, buti na kaya mong pag tiyagaan yong ugali nya na ganyan? Mabait ? Oo dati pero ngayon napaka nya."
Sagot ko habang pinapahid ko ung konting luha sa mata ko.
"Oo,mabait pa rin yon. Basta malalaman mo rin. Diba magtatagal ka dito?"
Tanong nya sa akin.
"Opo! Dito ko na rin siguro tatapusin yong pag-aaral ko. At dito rin ako mag e-stay. Nakapag paalam na ako kila Tita pero kailangan ko pa rin magpaalam kay Masungit na Nadelle na yon."
Paliwanag ko sa kanya. Tuma tango-tango naman ito .
"Oh! Di mas mabuti kung ganoon para may kakasama na rin ang alaga ko. Basta tibayan mo ang loob mo ah! At habaan mo ang pasensya mo."
"Ano na yan Nay Els.? Banta ba yan o pang pa lubag loob"
Natawa naman ito.
"Kaw talagang bata ka. Oh sya halika ka na baka mainip yon sa pag-aantay sayo."
"Buti kung aantayin ako non. Sa lagay nyang yan feeling ko Nay hindi yon."
Napa iling nalang ito. Sabay naman kaming naglakad pa puntang kusina. Di naman gaanong malaki yong apartment niya sakto lang talaga. Two-storey type sya sakto lang yong maliit na sofa para sa bisita ,yong kusina para sa pang dalawahang tao,may kwarto din na maliit na para sa katulong pero alam ko na din na walang gumagamit don kasi nasabi na sa akin Nanay kanina na di sya stay in at gusto rin naman ito ni Nanay at yong sa taas naman alam ko na din syempre gumala ako nang konti kanina may two bedrooms sya na sakto lang din. Kaya inshort swak na swak akong mag e-stay dito. Sana man lang pumayag sya. Nahinto ang pag muni-muni ko nang nasa kusina na ako. At yon nga tama nga ang sinabi ko kumakain na sya. Kainis talaga di man lang ako hinintay. Peste!
"Bilisan mo nang kumain para maka uwi kana, madami pa akong gagawin. Diba tapos naman na ang kailangan mo dito?"
Biglang tanong nya saktong pag upo ko di ko sya sinagot! Hmmmp! Bahala sya. Nag umpisa na akong kumain hinayaan ko lang sya di ko sya pinapansin. Masarap yong pagkain,eh! Maya-maya lang..
"Nanay Elsie, paki hatid nalang ho sya sa labas pagkatapos nyang kumain"
Tumayo na ito at dere-deretsong nag lakad papunta sa gawi ko, pero bago nya ako lampasan nagawa ko na syang harangan at hawakan sa braso. Makapagtaray lang talaga sa akin,eh noh!
"Saglit! Dito na ako mag e-stay at dito ko na rin ipag papatuloy ang pag aaral ko! FYI"
Deretchong sabi ko. Parang natigilan naman ito at tinignan ang kamay ko na nakahawak sa braso nya. Bigla ko naman itong binawe! Hmmmmp! Taray lang ang lola.
"Ok! Wala naman akong magagawa. Malaki naman tong-"
Nabigla ako sa sagot nya. Sureness? Pumapayag sya na dito ako mag stay sa bahay nya ! Sa sobrang saya ko niyakap ko sya bigla at nagtatalon.
"Ano ba babae? Sheyyt! Di ako makahinga"
Reklamo nya.
"Ay ! Sorry- sorry"
Sabay bitiw ko sa kanya. Ahehehe! Umu ubo naman sya ! Nahigpitan ko ata ang pagkakayakap ko sa kanya.hehe !
"Sensya talaga sobrang saya ko lang na pinayagan mo akong dito mag stay sa apartment mo akala ko kasi mahihirapan akong kumbinsihin na pumayag ka"
Nag sparkle pa yong mata ko na pagkasabi sa kanya. Nangunot naman ang noo nya.
"Teka lang! Did I mention na pinayagan kitang tumira dito? Di pa ako baliw para patirahin kita dito"
Walang emosyon na sabi nya. Sheyt! Di ba sabi nya..
"Patapusin mo kasi muna ako. Di yong sabat ka nang sabat. As what I've said kanina ok lang na tumira ka dito kasi malaki naman tong buong Visayas. Wala akong paki-alam kong saang lupalop ka dito sa Visayas titira kasi wala naman na akong magagawa jan buti kong pag mamay ari ko itong Visayas kasi kung ako ang may ari nito sisiguraduhin ko talagang di kayo makakatapak dito"
Mahabang paliwanag nya. Sheyt talagang babaeng to. Walang puso alam nya bang nasasaktan ako sa pinagsasabi nya. Bestfriend ko sya pero yong turing nya sa akin ibang tao. Pero di ako papayag.
"Grabeh ka na talaga! Tsk! Pero cyempre kung ikaw nag bago na ako hindi pa. Ako pa rin ang makulit mong bestfriend. Kaya gaya nang dati kukulitin kita nang kukulitin para magsawa ka. Ahahhahahaha"
Tumawa pa ako nang malakas. Seryoso naman nya akong tinignan. Di ko na sya kayang basahin di katulad nang dati. Nagbago na rin ang taste nya nang pananamit. Para syang tomboy na ewan maluwag na t-shirt ang suot nya ngayon. Tapos yong buhok nya na kulot simpleng nakatali. Wait! Kulot sya di naman ganyan yong buhok nya dati eh, straight ito at mahaba. Ahaiz! Ewan ko kung maawa ako sa kanya o maiinis.
"Tapos mo na ba akong pag-aralan?"
"Sobrang laki nang pinagbago mo swear. Ahays! Basta dito ako titira ! At di mo na mababago yon. Bahala ka sa buhay mo"
Sabi ko sa kanya sabay upo ulit. Bahala sya ! Walang makakapigil sa akin. Makakain na nga lang. Nakaka gutom sya.
"Tignan lang natin. Wala ka rin magagawa kung ayaw ko rin pumayag! Manggugulo ka lang dito kaya hanggat maaga itataboy na kita."
Sagot niya sa akin sabay talikod. Ouch! Itataboy talaga! Tama nga si Nanay kailangan ko nang sanayin yong sarili ko sa mga maanghang nyang salita. Bahala sya! Wala din naman syang magagawa eh! Andito na kaya ang mga maleta ko. Aheheheh! Di nya siguro napansin kanina. Pustahan tayo babalik yon pagnakita nya yon sa sala. Aheheheh! Makakain na nga lang ulit.
YOU ARE READING
WRONG TIMING
RandomMinahal ko sya nang palihim ngunit pinaramdam ko pa rin sa kanya na mahal ko sya. Tiniis ko lahat, nagseselos ako kahit alam ko na wala akong karapatan. Nasasaktan ako nang di nila nalalaman na ikaw ang dahilan. Umiyak nang patago at pilit na nilala...
