Chapter One: Crawford University

488 19 24
                                    

Each Other's Bio :D

He's handsome... pretty handsome, everyone wanted to have his attention. Pero nuknukan din siya ng pagka babaero. Sabi pa niya'y siya ang nilalapitan ng mga babae, at hindi siya ang lumalapit. Kaya go lang siya ng go. May kapatid siyang ubod din ng ganda na close na close sa kaniya, and when their dad died, mas naging close pa sila sa isa't isa. -Jose Marie Borja Viceral A.K.A "Vice"

She's beautiful, but she's making herself handsome. She's the only daughter of Mr. and Mrs. Tatlonghari. Hindi mawari na kaniyang ama at ina kung papano itutuwid ang nag- iisang deperensiya sa kaniya, ang pagiging Lesbian. Datapuwat hindi ipinapakita ng magulang niya na ayaw nila sa pagiging tibo niya'y alam niya sa puso't isipan na ito'y di nila gusto. Ana Karylle P. Tatlonghari A.K.A "Karylle"

__________

Enrollment Day: Crawford University

Kumakain si Karylle sa canteen ng mga oras na yun kasama ang mga kaklase niyang kikay na parating ngapupush sa kaniya na magpaganda, ng biglang dumating ang magkakapatid na Viceral. Seryoso siyang kumakain ng biglang naghiyawan ang mga tao. Naghiyawan na din ang kaniyang tatlong ka klaseng kasama niya.

"Karylle, ang gwapo niya talaga... Mayakap ko lang siya, mawawala na gutom ko. Eeeee" sabi ng kaklase niya.

"Ahh ganun ba? Ok" walang kabuhaybuhay na sabi niya, at nagpatuloy pa din sa pagkain.

"Ako, mahalikan lang ako niyan sa lips, di na ako maliligo poneber" saad pa ng isa niyang kaklase

"Ngek, ei... mas malala ka pa sa mabahong kanal, pag nangyari, imposibleng hahalik ulit yan sayo" sabay mahinang tawa, nakayuko

"Ako maanakan lang ako ni Vice, pwede na akong mamatay" dagdag pa ng isa na lutang sa pagpapantasiya

"Sayang naman, di mo maaalagaan magiging anak niyo kung magpapakamatay ka pagkatapos mung manganak. Useless pa din" Komento niya sa huling nagsalita, habang nakayuko pa din na parang walang planong makita man lang kahit ang mga kamay ng lalaki.

"Epic fail talaga kami sayo parati.. hmph" 

"Oo nga, ayaw mo lang kasi sa lalaki ei"

"Tama, sayang ganda mo Karylle. Mauna na nga kami sayo. Na badtrip ako. Halina kayong dalawa" Sabay alis ng tatlo sa harapan niya

She's slowly shaking her head, when the three were gone. Natatawa siya dahil exaggerated ang mga ito kung magpantisya sa lalaking walang ka amor amor sa kaniya. Ewan niya sa sarili niya, pero ni minsan di pumasok sa isip niyang maiinlove siya sa lalaki, lalong lalo na sa katulad ni Vice na mahangin para sa kaniya.

Pagkatapos niyang maubos ang pagkain, lumabas siya ng canteen at nagpalakad lakad muna, habang hinihintay ang oras ng pagbubukas ng cashier. Magbabayad pa kasi siya. Madami dami din ang nagpa enrol ng araw na yun, dahil sa malapit na ang pasukan, at dahil sa na late siya ng gising, kaya natagalan din siyang matapos ang pag papa enroll niya.

"Ay.. sorry" dahil sa parang wala sa sarili na naglalakad hindi niya napansin na may nabangga at natapakan na pala siya.

"Hindi ok lang" Habang nililinis ng tissue ang sapatos na natapakan ni Karylle

"Ok ka lang Georgy?"

Tanong ng di niya inaasahang lalaki na lalapit sa kanila

"*Bantay bata talaga tung lalaking to O.o*" Sa isip ni Karylle

Si Georgy ang kapatid ni Jose Marie or Vice inshort sa paaralang yun. Kakatapos lang nito ng highschool. Kaya newbie siya sa Crawford University. Kaya hindi siya kilala ni Karylle, pero si Karylle lang ang hindi nakakakilala sa kaniya, dahil sa mag iisang taon palang din siya dun at hindi masiyadong nakikipaghalubilo sa mga studyante, kung di kinakailangan. Madalas si Georgy sa paaralang yun. Maganda, Sexy, at higit sa lahat mabait si Georgy kaya maraming nagkakagusto dito. Over protective ang kuya nito sa kaniya, dahil dalawa lang silang magkakapatid. Ayaw nitong may manakit dito, at may hurado ang mga manliligaw nito. Kaya ng makita nitong may nakabanggaan si Georgy at nagpupunas ng sapatos ay parang bagyo siyang nakadating agad sa tabi ni Georgy, kasunod ang mga kaibigan nito na parang buntot ni Jose kung makasunod kay Vice, Si MC at Buern.

Love A Little Less OrdinaryWhere stories live. Discover now