Papara na ko kaagad ng taxi pati pala wallet ko wala! Tang na moo! Bahala na papabayaran ko na lang kay Bal..

Ayun may taxi!

" Manong... sa may KLV publishing house nga po.."

Whew.... Sana hindi ako mapagalitan ng edirtor in chief tsk... ano kayang lusot ang sasabihin ko? Tang na moo naman oo! Shit talaga! Bahala na....

Nagulat ako pagdating ko sa department namin nagkakagulo lahat.. Ano kayang meron? 

" Hoy Jose Marie Leo Borja Viceral! "

-__-" Shit si Rod... Lingunin ko ba 'tong babaeng 'to? Baka mamaya makutusan na naman ako nito lagot na.. Ah bahala na nga!

*Lingon*

" Rod my labs!!! Andito ka na pala!! Kanina ka pa? " sabi ko..

" Huwag mokong tawaging my labs dyan tatamaan ka talaga sakin!  Uy Buti na lang wala pa yung bagong Editor in Chief kundi lagot ka na naman! Hahaha "

" Oh?! May bago pa lang editor in chief?! Kaya naman pala nagkakagulo yung iba dito.. "

" Oo tanga.. Kahit kelan talaga huli ka sa balita! -.- Atsaka nagkakagulo sila dahil sa anak ng may-ari nitong kompanya yung bagong editor in chief "

" Oh eh bakit mageeditor in chief pa kung siya pala anak ng may-ari? " 

" Aba ewan? Close ba kami? Hoy nga  pala JoMa san ka nagpunta kagabi? Bigla ka na lang nawala a! "

" O.o Ah.. wala nahihilo na kasi ako eh... kaya umuwi na ko.. pasensya na kungdi ako nagpaalam ha! "

" Sinu...nga..leng!! Yan pa din yung suot mo oh! Kaila ka pa ingungudndgod kita sa pader :P *lapit kay JoMa* Nanungkit ka kagabi no? "

"  Ha? Nanungkit? Ano yun? " 

" Oo nga pala birhen ka pa JoMa mukhang malabong manungkit ka. Alis na ko Wala kang kwenta talaga kahit kelan hahahahaha "

At umalis na siya.. nako talagang babae na yon oo.. Ewan ko ba kung bakit ganyan nya ko itrato.. tsk.. Ang lupit lupit niya sa 'kin.. Aha! Diba nga sabi nila the more you hate the more you love! Hindi kaya... hahaha ang hopia ko naman oo! 

" Hey guys!guys! Dumating na yung bago nating editor in chief!! "

Bakit bigla akong kinabahan nung sinabi yun nung ka-workmate ko? Tsk... baka wala lang 'to siguro.. Hay naku bahala na sila dyan wala kong interes na makilala ngayon yung bagong editor in chief tutal naman magkakadaupang palad din kami niyan dahil ako ang lead designer.. Mwahahahahahahahaha

" Okay everyone! Magsiayos kayo at ipakikilala ko kayo sa bagong editor in chief!! Ah teka! Asan si Jose Marie? " 

Shit hinanap pa ko ni Boss! Langya naman o!!

" Boss!!! Andito ako! " nagtaas pa ko ng kamay para makitaniya...

" Oh good you're here akala ko late ka na naman JoMa "

Kung alam ko lang na wala 'tong fiance si boss eh baka napagkamalan ko 'tong bakla.. Paborito ako eh! Hahahahahahaha

" Sir late yan si JoMa di niyo lang naabutan!!! " 

Ay fudge na malambot sinigaw pa talaga ni Rod liit! Lokong babae talaga 'to a! Tinignan ko siya at nagbelat pa sa'kin! Kung di lang 'to babae at hindi ko mahal sinaktan ko to e! Loko talaga!

" Oh siya siya tama na yang sumbong-sumbong na yan! Baka naiinip na si Mi-"

" Hi good morning evveryone... "

Napalingon ako sa doorway and there I saw a lady who cut off our boss... Para siyang model kung makaasta grabe... And with her attire ang hot.. nakaleather jacket na may bitin na sando or t-shirt or whatever na pang ilalim and leather pants at nakahigh heeled boots... oh and bitbit-bitbit niya pa ang isang helmet sa isa niyang kamay... Wow.. napaka... basta WOW talaga...

" As I was saying this is Ms. An- " 

" I'm Analia (read as : ana-lee-ya-) Karylle Padilla you can call me Ms. Ana or Ary bahala na kayo... From today onwards I will be the editor in chief wether you like it or not. "

Lahat ng tao napanganga.. grabe 'tong babaeng 'to ang angas! Fudge na malambot! Ang cool niya! Lahat ng tao tahimik lang even our boss! Nakatitig lang sa kanya lahat pwera ako ha.. kasi nga one woman man ako... si Rod lang para sa'kin kaya nagpalinga-linga na lang ako at tinignan ko yung mga ka-workmates ko... talgang nakanganga sila.. yung isan kong ka wrkmate na tabachoy muntik pang maglaway Hahahaha

" Hey you! Mister! " 

Hindi ko alam kung sinong tinatawag o sino yung tumatawag natatawa talaga ako dun sa kaworkmate ko hahahahaha...

Teka... Bakit nakatingin sa'kin tong si tabachoy? Hala baka napansin niya! Nag-iwas kaagad ako ng tingin at pagtingin ko sa harapan ko.......

Nakatayo si Miss uhm..... ah new editor in chief

" Are you laughing at me? "

" No ma'am " agad ko namang sagot natakot ako sa mata niya grabe parang nanakot na ng se-seduce! 

" Wait.... I know you! "

Ha? She knows me daw?! Pa- Oh my gaz!!!!! Siya yung... siya yung.... Babaeng kinuha lahat ng firsts ko!!!!!!!!!

Ano na kayang mangyayari ngayong nagtagpo ang landas ni JoMa at si Ana???

Abangan >>>

No String Attached (VICERYLLE)Where stories live. Discover now