Chapter 18 (Picture of Michael & Sarah - "On Michael's POV -2)

Magsimula sa umpisa
                                    

She glanced at me, still wearing that cute silly smile on her face.“Oh my gosh! Isang dekada na yata akong hindi nakakatawa ng ganito. Na-miss ko ang ganitong pakiramdam” she admitted.  Reaching out, I pushed the thin strands of hair off her face,  marahan ko itong iniipit sa likuran ng kanyang tainga. Hindi ko inaalis ang pagkakatitig ko sa kanya. Unting-unting nawala ang luwag ng pagkakangiti nito na dagliang napalitan ng pamumula ng kanyang mukha.

“I-enjoy mo lang” malambing kong sabi. Matipid na ngiti at marahang pagtango ang tanging iginanti niya sa akin.

Habang nanonood, nilapitan kami ng isang waiter upang maka-order na ng pagkain. Napagkasunduan naming dalawa ni Sarah na um-order ng sizzling sisig at tasty prawn tempura. I also ordered cold beers for me. Mula sa pagkakatunghay sa menu,tumingin ako sa kanya.

“hey beautiful, anong juice ang gusto mo?” I asked.

“Juice?! Sinong may sabi sa iyo na juice ang gusto ko?” mabilis na sagot nito. I stared at her a bit surprised. “Gusto kong uminom, kahit kaunti lang. Na-miss ko rin ito eh, matagal ko na itong hindi nagagawa so chance ko na ito” she explained.

 I frowned. “What? Iinom ka? Are you sure about this? Kasi sa assessment ko sa iyo, mukhang hindi ka naman sanay uminom eh“ sagot ko ng may pag-aalala.

Natatawa siyang tumitig sa akin at hinawakan ang aking mukha at pagdaka’y parang batang pinisil-pisil ang magkabila kong pisngi.

“Stud, huwag ka ngang kill joy. Para ano pa at dito mo ako dinala? Gusto kong mag-enjoy ng husto” determinadong sabi nito

So that’s it. Hindi ko na napigilang hindi uminom si Sarah. At tama nga ang hinuha ko, hindi talaga siya sanay uminom. Ako na lang ang nag-adjust at nag-hinay hinay sa pag-inom ng sa gayon ay maalalayan ko siya kung saka-sakali.

And I was right, dahil eksaktong ala-una imedya ng gabi, may tama na siya. Hindi na niya halos makontrol ang sarili niya. Ilang sandali pa’y,susuray-suray siyang tumayo sa kanyang kinauupuan, habang hawak pa rin niya ang isang baso ng alak sa may kanang kamay niya.

 “M-michael, I need to pee. Punta lang akong reshhrooom” pabulol na sabi nito. 

Agad akong tumayo para alalayan siya ngunit mabilis niyang tinabig ang kamay ko.

 “Nhhoo. Anong tingin mo sa akin, weakess link? kh-kaya kho pa nho” sabi nito pero kaagad din siyang na-out of balance dahilan para mabuhos lahat ng alak sa damit niya.

 “Oooppps! Careful!” mabilis ko siyang inalalayan upang hindi tuluyang matumba.

Medyo nakaagaw kami ng atensiyon. Napatingin sa amin saglit ang ibang customer ng bar.

“Tsk, tsk, tsk. Man, If I were you, iuuwi ko na yang girlfriend ko” nailing na suggestion ng isang lalake. I smiled at them apologetically.

I quickly turned my attention to Sarah. Mabilis ko siyang inalalayan at walang pagdadalawang isip na lumabas na kaagad sa bar. I almost carried her out of the bar, she could barely stand.

“This is my fault. Dapat kasi hindi ko siya pinayagan sa gusto niya” I thought to myself, totally irritated.

Maingat ko siyang isinakay sa kotse at mabilis na pinunasan para kahit papaano’y tuyuin ang nabasa niyang damit. Ang resulta? Of course, basa pa rin. What do you expect?

The Sweet DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon