Chapter 34.2: 6 Questions in one condition.

14.4K 269 139
                                    

*****34.2****

MISSBOOKMARK'S NOTE: 

BABALA BASAHIN ANG AUTHOR'S NOTE SA HULI HAHAHAHA.

eNJOY ^__^ v 

___________________________________

Vlad's Pov 


Nandito ako ngayon sa may pool at tinitignan ko ngayon ang repleksyon ko sa tubig. 

" Nakakaguilty noh?" rinig kong tanong ni Niko na papalapit sa akin

Di ako sumagot dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko, cguro kung guilty man tawag dito sa nararamdaman ko ngayon, cguro yun nga yun.

Napatingin ako sa kanya ng tumabi siya sa akin at humiga at nakatingin lang siya sa langit.

" Hanggang kelan Vlad, hanggang kelan mo balak pahirapan si Tammy?" tanong ni Niko sa akin at alam kong seryoso siya ngayon dahil tinawag niya akong Vlad at hindi bff.

Tinignan ko lang siya pero nakatingin parin siya sa langit.

" Naiinlove ka na ba kay Tammy, kaya iniiwasan mo siya? Hahahahaha ano nga palang alam mo sa pagiging inlove eh ilang taon mo na nga palang kinalimutan kung anong feeling nun. " sabi niya at tumingin siya sa akin. 

" Alam na alam ko yang tingin na yan Vlad, alam na alam ko, ganyan na ganyan ung tingin mo nun, nung pinag iisipan mong ligawan si..........." di ko na pinatapos si NIko sa pag sasalita dahil ayaw kong pag usapan. 

" Tama na Niko." sabi ko at tumawa siya habang nakatingala sa langit. 

" Ang lakas talaga ng alindog mo, kamusta ka na diyan? Cguro gusto mo na bumaba dito noh, para batukan lang ito si Vlad, masyado kasing matigas ulo eh." sigaw ni Niko na parang may kinakausap sa taas at tumayo na ito at tinapik tapik niya balikat ko. 

" Vlad, hindi masamang mag tiwala ulit, walang masama, tandaan mo lahat tayo may karapatan sumaya at kasama ka na dun, wag mong kakalimutan yun, wag mong ipagkait sa sarili mo na sumaya, cge tutulog na ako at mag plaplano pa kami para sa birthday ni Tammy. Pag hindi ka parin nag bago bukas ako nababatok sayo." sabi niya at nag simula na siyang mag lakad papasok sa bahay habang kumakanta ng hindi ko alam kung ano yun.

*Di mo alam dahil sayo 

Ako'y di makakain

Love Riot ( Romantic Comedy ) Edit Edit Where stories live. Discover now