Chapter 34.2: 6 Questions in one condition.

Start from the beginning
                                    

Di rin makatulog 

Buhat ng iyong lokohin 

Kung ako'y muling iibig 

Sana'y di maging katulad mo 

Tulad mo na may pusong bato 

- - - - - -- -  - - - - - - - - - 

Tammy's Pov


Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko sa pintuan, pero teka bakit ako nandito sa kama diba hindi ko na nga nagawang pumunta sa kama dahil nag pass out na ako sa sobrang pagod kakaiyak. 

Nanlaki mata ko ng maalala ko yung panaginip ko kagabi na may bumubuhat sa akin at ingat na ingat ito na magising ako, ibig sabihin totoo yun?

Flashback 

<Play niyo ung video sa gilid, bago niyo basahin ito

Naramdaman kong may bumubuhat sa akin at ingat na ingat ito na hindi ako magising , kahit gustuhin ko man na imulat ung mata ko , hindi ko na kaya dahil cguro sa sobrang pagod na ng mata ko kakaiyak. 

Tumulo nanaman luha ko ng maamoy ko ang pamilyar na pabango na yun, alam ko, alam na alam ko, kahit hindi ko imulat itong mata ko, alam ko kung sino siya, pero bakit? Cguro nanaginip lang ako kaya cge nanamnamin ko nalang itong moment na ito kasi alam ko na pag gising ko bukas, puro sakit nanaman mararamdaman ko. 

Dahan dahan niya akong binaba sa kama at kinumutan. Nang marinig ko yung yabag ng paa niya na paalis na yata, nasaktan naman ako. Pero mabilis na nawala iyon ng may humawak sa kamay ko, nandito parin pala siya at may pinapahid na kung ano sa kamay ko at nilagyan ng band aid  sa na paso kong daliri na hindi pa gumagaling dahil hindi ko naman ito ginagamot.

" Di mo pa rin kayang alagaan sarili mo noh,tssss sugat nalang hindi mo pa kayang gamotin." narinig kong sabi niya, bakit ganito nararamdaman ko parang nag aalala siya sa akin, ibang iba ung tono ng boses niya, sa Vlad na nakilala ko. Ay tanga ko talaga malamang, panaginip ito kaya ibang iba sa totooong buhay. Di ko na tuloy mapigilan lumuha dahil kahit kelan hindi mangyayari ito sa totoong buhay hanggang panaginip lang ang lahat. 

" Aishttt! Bakit ka ba laging umiiyak, kahit tulog ka na iyakin ka pa rin." narinig kong sabi niya at naramdaman ko ang kanyang kamay na pinupunsan ang luha ko.

" Pasensya na Tammy, susubukan ko, susubukan ko." rinig kong sabi niya habang hinahawakan niya buhok ko. 

End of flashback 

Tumulo luha ko ng dahan dahan  kong tignan ung kamay ko at hindi nga ako nag kakamali, hindi panaginip ang nangyari ka gabi patunay ang band aid na nasa daliri ko ngayon. 

Bakit Vlad?

Bakit mo nanaman ginagawa ito? 

Love Riot ( Romantic Comedy ) Edit Edit Where stories live. Discover now