Chapter 1

3.8K 50 2
                                    

Ingat na ingat sa nag iisang magazine si Marian.Kinuha lang naman niya ang magazine sa bahay ng crush ni Celine na si Nick ng minsang isama siya nito sa bahay ng binata.

Crush niya ang binata kaya naman tinabi niya ang magazine na iyon.Pinipilit niyang alamin kung anong detalyado ng lalaki.Naiinis siya kung bakit kc may punit ang pages kung saan nakalagay ang pangalan nito.

Para siyang tanga na tinitigan ang magazine na half body lang ang nakikita dahil napunit nga ang pages kung saan nakasulat ang maiksing information ng binata like his name.

Paano niya pa makikila ito kung wala man lang kahit anong clue sa pagkatao nito or kung paano niya mastalk ang binata.

And for sure binata pa ito nararamdaman niya sa kaloob-looban ng balun-balonan niya ito na ang Mr.Right niya.

For God sake ayaw niyang tumandang dilag.

"Matandang dilag sayo'y walang bumibihag

Wala ng ibang nais kundi ang magkajowa!" Kanta ng dalawang bata na nagkarera sakay ng bike kaya biglang nahinto si Marian sa paglalakad.Galing siya sa isang tindahan upang magpaload.Kung bakit kasi ngayon pa nagluko ang internet conection nila.

"Bwesit na mga batang iyon ah.imbyerna!!Naku naku who you sa 'kin ang lahat ng nagsasabing hindi ako magkaka jowa."

Nakasimangot nabumalik siya sa flower boutique niya.

"Oh bakit ganiyan itsura mo?" Tanong ni Colly Therese sa kaniya.Isa sa mga tauhan niya sa kaniyang flower shop.

"Wala lang, imbyerna lang ako!" Walang ganang sagot nito.

"Hoy bruha tigilan mo si Mariang sawing palad ganiyan talaga pag walang jowa!"ani RC na tinawanan ni Colly Therese.

" Hoy RC Cola who you ka talaga sa akin pag ako nakabingwit ng mapapangasawa."ani Marian sa atribidang si RC.

Natatawang nagtinginan ang dalawa.

"Mapapangasawa bakla?Saang planeta ka naman aarkila nun Mariang? jowa nga wala ka tskk..."ani RC.

" Pak truelalu!'sang ayon ni Colly Therese na natatawa.

"Gusto niyo bang pag untugin ko iyang mga ulo niyo?Aba sino ba may sabing tatanders akong virgin excuse me, makikita niyo iyang mga mata niyo ang luluwa sa inggit pag natagpuan ko si Mr.Right."ani Marian.

" Amen!!"sabay ng dalawa na umaktong busy sa ginagawa habang pigil ang pagtawa.

"Hoy kayo 'yang trabaho niyo atupagin niyo, ang aga aga ang love life ko na naman nakita niyo." ani Marian.

"Correction life lang Mariang sawing palad walang love echuserang frog?" singit ni Colly Therese.Masamang tingin ang ibinato niya dito.Sanay na si Marian sa mga asaran nila hindi lang mga tauhan niya ang mga ito sa flower shop niya kung hindi mga kaibigan na rin niya.Nag umpisa siya sa kaniyang flower boutique na ito na ang mga kasama.Thanks God dahil maayos at swerte siya sa kaniyang naisip na negosyo.Laging mataas ang sales nila at mas lalong dumadami ang kanilang suking customer.Bukod sa mga fresh flowers meron din silang mga indoors plants na patok ngayon sa mga plantitas at mga plantitos na ginawang libangan ang pag aalaga ng pananim.Meron din silang online shop kaya naman humahataw sila sa benta.

Muntikan na siyang masamid sa iniinom niyang milk tea ng makita ang isang post sa facebook ng kaniyang kaibigang si Celine.Matagal na rin silang hindi nito nagkikita mula ng itayo niya ang flower shop niya.Nagmamadali siyang hanapin ang contact number ng bruha.Pero nakakailang call na siya hindi niya ito makontak.Nagtext na lang siya dito na pupuntahan niya ito sa bahay nito.Ngayon pa lang naeexcite na siya.Makikila rin niya sa wakas ang future hubby niya.

The Photographer & the Desperate MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon