Chapter 16 (under construction)

Start from the beginning
                                    

"Ayy naku umupo nga muna kayo, tatapusin ko muna yung niluluto ko mga istorbo.." teasing....

Naririnig ko silang nag uusap... malapit kasi sila sakin ehh sabi ko naman kasi sa salas sila mag stay ehh pero hala nandito sila at binabantayan ang mabango kong niluluto... feel at home din tong kuya ko eh... pero ok lang sanay naman siya dito sa wakwak bilang dito rin naman siya lumaki at tumira sa mahabang panahon.. hayy mukhang iritable lagi si kuya sa pagsagot niya sa lahat ng mga tanong ni Loulou girl ha... si Elijah hinatid na ni kuya sa play room kanina... wish ko lang na hindi mapikon agad si Alex dun hehe... natuon nanaman ang pansin ko sa dalawa, naku to si Lourene... ang sarap sabuyan ng kumukulong mantika... kasi naman ehh di ko naman alam na dadating sa puntong mag kakasagutan sila eh... nakakabwisit talaga siya kung makakapit kay kuya daig pa ang linta... or should I say........ mukha siyang tarsier hahaha... nakaka irita kaartihan niya ahh feeling niya pa close kami ahh... pwes nagkakamali siya baka isubsob ko mukha niya sa kalan pag di ako nakapag timpi...

O sige na nga mag ko-confess nako. Pinlano ko lahat to...

Isang araw bumisita si kuya Slate dito sa bahay...

"Oh kuya bakit parang galing ka sa mahabang paglalakbay? sabog na sabog ah hehe..."

"Sorry Tanya..."

"Huh? Dramahan tayo dito?"

"Nalasing ako kagabi eh.."

"Oh tapos? Teka nga san ka ba galing?"

"Nagbakasyon kami nila kuya Stanly sa Bukidnon kasama namin si Angelie."

"What???? Bakit di niyo ko sinama?" Pinalo palo ko siya sa braso... " Kayo ahh.. di niyo na bako love?" Pang aasar ko kay kuya..

"Tanya this is not the time para magpalambing... may problema tayo!"

"Ano ba kasi yun?"

"Nalasing ako kagabi..."

"Oh tapos? Ano ba naman ang tagal paimportante ehh.."

"I was drunk last night, then I accidentally kissed Angelie on her lips."

"What????" Pinalakihan ko siya ng mata.. "Sira ulo ka kuya bakit mo tinototoo di ba may usapan tayo??" Hinambahambalos ko ang braso niya...

"Lasing nga ako noong gabing yun."

"May nakakita ba? Pag meron yan tatadyakan ko talaga mukha mo diyan..."

"Yun na nga ang problema Tanya eh.. nakita ni kuya!"

"Huh???" Gulat kong tanong... pero di ko na hinintay pa ang sagot niya at nagsalita na ulit ako.. "Ay ang great niyan kuya ahh... oh anong reaksyon niya?" Natuwa ako bigla haha yan kuya Stanly magdusa ka...

"Nag walk out ehh parang nagalit ata.."

"Eh kung ganun?? Wala palang problema..."

"Huh?"

"Eh kasi nag walk out si kuya... ang ibig sabihin lang naman nun... ay may gusto rin siya kay Angelie... di naman siya magagalit bigla kung wala siyang gusto kay Angelie diba?? Ang galing mo kuya, bravo... dahil diyan nag luto ako kaya kumain ka masarap yan."

Nawiwirduhan si kuya Slate sa sinabi ko.. ayieeeeh sa wakas at alam ko na ngayong may gusto si kuya Stanly kay Angelie... naku naman kasing babaeng to ehhh di man lang nag papakita ayan tuloy di ako makwentuhan... hmmm kilala ko to si kuya Stanly ehh... alam kong pagnasaktan to bigla hinding-hindi niya to ilalabas... hindi niya papansinin si Angelie at lalayo to hala pagnangyari yun mas lalong hindi sila magkakatuluyan ng lola ko... bet ko na maging sister-in-law ang bruha no... kaya nag isip-isip ako... anytime tatawag yan si kuya para umurong sa kasunduan... ayan may naisip na nga ako... hmmm puro naman kasi manang yung mga pinapa date ko sa kanya ehh..

Mysterious SoulmateWhere stories live. Discover now