Chapter 16 (under construction)

Start from the beginning
                                    

Napapa-isip ako dahil ayoko talaga sa mga lugar na gusto niya... ayoko rin siyang makausap naiirita ako sa mga tinatanong niya palagi kaya nilapitan ko si Ely at kinarga..

"Ely, you wanna see my Alex?"

"Sure kuya.."

"Lou pumunta nalang tayo sa bahay nila Tanya ngayon.."

"Okay fine kesa naman mabulok tayo dito sa loob ng bahay."

Akala ko mabait si Lou, yun pala tinatago niya lang ang tunay niyang ugali... sana pala hindi na ako pumayag noong pinilit ako ni Tanya na makipag date kahit isang beses nalang... di ko sana nakilala si Lourene ngayon. Masaya sana akong kasama si Angelie..

Tanya's POV

Hayy kauuwi lang ni Drew.. pagluluto ko muna siya para pag gising niya mamaya i-kiss niya ko ulit ihihihi... Hayy ang sarap pala ng ganitong buhay.. mag aalaga lang ng anak, mag shoot lang ng mag shoot pag may schedule... kasama ko ang bestfriend kong si Charlie ehem kami kaya ang pinaka magaling na photographer sa buong mundo hehe... si baby Alex ko nasa playroom niya kasama si yaya at si Pomeranian... finally at nagkabati rin sila ng aso na yun hayy nakaka windang ang tili ng batang to kapag sumasampa sa sofa tong aso na to eh. Babalik ko na sana kay kuya pero buti nalang at isang araw na tauhan at nagustuhan na rin si Pomeranian...

"Hi Tanya..." pagbati ni Lourene

Waaaah bakit sila nandito ni kuya???

"Oh hi Lourene." Beso... hmm ang plastik ko haha.. "Hi.. sino yang kasama niyo?? anak mo Lou??" pang-aasar ko.

"Ayy naku Tanya ano kaba.. he's my younger brother no." Aba-aba feeling close......

"Malamang alanganamang older brother mo diba hahaha?" ako lang ata natawa at napatingin lang silang dalawa sakin. "Uhmm just joking. Kayo naman masyadong serious.."

Yan natawa na rin si Lou pero halatang pilit hayyy...

"Hi what's your name?"

"My name is Elijah Garcia.. and you?"

"Oh... my name is Tanya Fajardo.. but you can call me tita Tanya.."

"sure tita.. now can I play with Alex? Where is she?"

"Oh you know her? She's on her play room... ahem take care baby ahh she's a little tiger raaar.."

Naku natakot ata..

"Loulou is she crazy?"

Loko kang bata ka ahh gusto mong tirisin kita?? Hayy kung hindi ka lang cute hayy ewan...

"No ano ka ba Ely... she is kuya Stanly's sister. she's pretty right?"

"Ohh.. but you're prettier that tita Tanya."

"Shhh be quiet na ah."

Prettier ahh kaya pala ako pinag aagawan ng mga bansa bwisit kang bubwit ka ahh nakakailan ka na sakin...

"No it's alright... syempre ate ka niya kaya niya sinabi yun.. pero alam naman natin ang totoo diba?" Biro ko... naku lumalabas ang kamalditahan ko..

"Ayy oo haha."

"Hi kuya." Beso "Kaw ahh ngayon ka nalang dumalaw dito.."

"Alam mo namang busy ako palagi diba?"

"Hmmm eh bakit lagi mo kasama si Lou kung busy ka?" Hmm tinitigan lang nila ako... hmmm mga hindi marunong sumakay sa mga trip ko... killjoy pareho. Titigil na sana ako sa pang aasar pero parang nakikita ko na natatawa rin si kuya at parang sinasabi niya na ipag patuloy ko ang kamalditahan ko.. Oh well if that's what he wants....

Mysterious SoulmateWhere stories live. Discover now