"Darating 'yon"

33 0 0
                                    

Darating 'Yon

Ano nga ba ang tunay na kahulugan ng pag-ibig?

Alam mo ba?

Maaaring madaming maisagot ngunit ano nga ba ang katotohanan?

Nakakalito kung iisipin at nakakabaliw naman kung maramdaman.

Pagmamahal na wala ng iba pang hinihinging kapalit kung hindi suklian lamang din ng pagmamahal. Ito naman ang nais nating maranasang lahat, hindi ba?

Nadama na natin ito mula sa ating Tagapaglikha, sa ating mga kapamilya at sa ating mga kaibigan. Ngunit, nais din natin itong madama mula sa taong inilaan sa atin ng tadhana at ng Panginoon. Para nga bang pinapanood niya tayo mula sa itaas at kapag nakasalubong na natin ang taong itinakda niya para sa atin ay mapapasigaw na lang siya ng "Teka! Tumalikod ka! Nalampasan mo na siya!"

Sa tingin mo ba, nagkrus na ang landas ninyong dalawa?

Ang taong iyon ay madalas hindi mo inaasahan. Ang dami kasi nating pamantayan bago natin maibigay ang ating pagmamahal. Marahil hindi nga siya ganoon kaganda o kagwapo, katalino, katangkad, kakinis, kaputian, kabait at kung anu-ano pang hinahanap mong mga katangian pero siya lang pala ang tunay na dapat mong makatagpo.

Sabi nga nila, ang taong makakatuluyan mo daw sa huli ay ang taong kukumpleto sa iyo dahil pupunan niya ang mga katangian na hindi mo taglay. Isipin mo iyon, mula sa halos 8 bilyong katao sa mundo, iisa lang at siya lang ang nakalaan para sayo.

Ngunit, madaming maaaring maging sagabal o mangyari sa ating buhay bago natin matagpuan ang taong iyon na magpapadama sa atin ng iba pang kahulugan ng salitang pag-big.

Minsan, nandiyan na siya sa harap mo pero napalingat ka pa sa iba, striktong mga magulang, pag-aaral o trabaho muna ang inaatupag mo, hindi ka pa lang talaga handa o kaya naman hindi pa lang talaga iyon ang tamang panahon upang magsimula ang kwento ng pag-ibig ninyo.

Kaya ang pag-ibig, iba-iba ang ibig sabihin nito para sa akin, sa iyo at sa iba pa. Iba-iba din kasi ang paraan ng pagpapahiwatig natin dito sa mga taong malapit sa ating buhay at puso.

Pag-ibig, pag-ibig na nakalaan lang talaga para sa iyo, hintay-hintay ka lang, darating din iyon.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 17, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon