"I love you too, daddy."

     I'm so sorry, Sandy kung medyo napapabayaan ko ang anak natin. God knows I'm really trying to be a good father but it's getting harder everyday. Lalo na at lumalaking kamukha mo si Marion. Why do you have to leave me and our  daughter? Why? Hirap na hirap na ako, Sandy. Araw-araw , oras-oras, minuto minuto at bawat segundo na lang ay ikaw pa rin ang nasa isipan ko. I miss you so much, honey!  I missed looking at your beautiful face. I missed holding you. I missed everything about you, honey. Kung hindi dahil sa anak natin ay nanaisin ko na lang na mamatay para hindi ko na maramdaman ang sakit at bigat na ito sa dibdib.  Tulungan mo ako Sandy, paano pa akong mabubuhay para sa anak natin kung matagal ng tumigal ang pagtibok ng puso ko.

      Alas-sais na ng hapon nang ipinarada niya ang kotse sa garahe ng mansyon.  Hapong-hapo na pumasok si Alex sa maaliwalas na bulwagan ng mansyon.

   "Hijo, mabuti at maagang ka yatang dumating ngayon," salubong ni Dona Victoria sa anak.

   "Mama, bakit po kayo nandito?"

   "Bakit naman, hindi na ba akong pwedeng dumalaw sa inyo ng apo ko?" nakangiting biro nito.

   "It's not like that, Ma. What's up?" 

   "Ako ang dapat magtanong sa iyo niyan, Alex.  Pwede ba tayong mag-usap saglit bago mo puntahan ang anak mo sa itaas."

     "Mama, kung tungkol na naman ito sa trabaho ko just forget it," naiiritang sabi ni Alex.

     "Hijo, dalawang taon ng patay si Sandy. Hanggang kailan mo parurusahan ang sarili mo. Halos doon ka na natutulog sa opisina ah. Si Marion, nagiging matigas ang ulo ng apo ko. HIndi mo ba naisip na baka naghahanap ng atensyon ang bata galing sa iyo? Please hijo, you have to move on," pakiusap ni Dona Victoria.

   "Mama, please hindi tayo siguradong patay si Sandy.  Hanggang ngayon ay hindi pa natin nakikita ang katawan niya," matigas ng saad nito.

   "Alex, please accept that your wife is dead. Hijo, para sa ikakabuti ng anak mo, tigilan mo na lahat ito," pagsusumamo ng ina nito.

   "Ma, I'm really tired right now. Can we talk some other time please.  Kailagan ko pang puntahan si Marion bago makatulog iyon, I promised my daughter that I will be home early today."

   Napabuntung-hininga na lang ng malalim ang maganda nitong ina. "Okay, Alex I will leave you alone for now."

   "Thanks, Mama."

   Bago pa nakahakbang palayo si Alex ay biglang nagsalita uli ang ginang. "Hijo, I think you need a vacation. Will you at least consider my suggestion?"

   Para matapos lang ang usapan ay tumango na si Alex sa mungkahi ng ina. "Yes, Ma."

   "Soon, hijo," madiin na wika nito.

   "Hi Sweetheart!" nakangiting bati ni Alex sa anak. Kasalukuyan itong nanonood sa Cartoon Network. Nakaupo ito sa kulay pink na bedsheet na may decoration na Hello Kitty.

    "Daddyyy! You're home! Yehey!" Bumaba ito ng kama para tumakbo sa may pintuan kung saan nakatayo si Alex. 

    Masayang binuhat nito ang paslit.  "Of course, baby. Di ba daddy promised to be home early today."

   "I wish you'll go home early everyday, daddy," malungkot na sabi nito.

   "Baby, alam mo naman na busy ang daddy sa work."

Maghihintay Sayo (The Love Story of Alex and Sandy)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora