Day 6: Rest Day
Alyssia's POV
"Shef, narinig ko si Joaquin kausap yung mga boys about dun kay Pamela Sandiego." Panimula ko
"Ano daw sabi?" Tignan mo mas nauna pang mag-react 'tong si Dom kesa kay Shef
"About lang dun sa mga ginagawa sa kanya ni Pamela na pinagluluto at pinaghahainan daw sya ng pagkain, sinasabayan sya sa mga trip nya. Yun ganun yung mga narinig ko." Sabi ko sa kanila
"Paano ito kasing si Shef buttered shrimp lang ang alam lutuin baka na purga na si Joaquin sa sugpo tapos hindi pa pinaghahain si Joaquin at hindi kayang sumabay ni Shef sa trip ni Joaquin iba kasi yun eh. Ibang iba." Sabi ni Cia na akala ko hindi nakikinig
"Hindi yon no! Mas trip lang talaga ni Joaquin yung naka-braces na red favorite color nya yon eh 'to namang si Sheffrey ewan at violet ang braces." Sabi ni Dom na nagpatawa saming lahat
"Jusko! Usapang braces lang pala ang problema nyo Shef pero kung problemahin mo sobra! Hahaha" natatawang sabi ni Cia
"Hahaha pero wait haha yun bang ibang babae ni Joaquin may braces din?" Tanong ko kay Sheffrey na natatawa din
"Hindi halos lahat meron kung wala man may retainer." Nahihiya sabi ni Shef
"Hahaha anong kulay, be?" Tanong ni Cia
"Mostly blue si Pamela lang ang naiba red." Halos pabulong na sabi ni Shef
"HAHAHAHA!" Jusko ang sakit na ng tyan namin kakatawa ng dahil sa usapang braces
"Aly, tawag ka ni Ervic may nawawala daw kasi sa kanya eh baka daw ikaw alam mo kung nasan." Sabi ni Finn na kadarating lang
"Ah sige punta na ko don. Wait lang." Sabi ko kay Finn
"Aly, tama na pagpapaganda maganda ka na sa paningin non, ewan nga namin kung bakit eh." Sabi ni Dom ng makita kong nagsusuklay
"Maganda talaga ko!" Sabi ko sa kanya
"Sige na pagbibigyan na kita ngayon." Sabi ni Dom
"Girls, alis na ko ah? Punta lang ako dun saglit wala naman tayong gagawin eh." Paalam ko sa kanila
"Sige na lumayas ka na!" Sabi ni Cia sa akin
"Ano bang nawawala sayo?" Tanong ko kay Mylabs
"Yung relo ko nawawala." Sabi nya sa akin
"Baka naman na misplace lang or nandyan sa bag mo." Sabi ko sa kanya
Nag-umpisa na kaming maghanap pero talagang wala dito sa tent nila kaya lumabas na kami. Hinanap din namin sa labas.
"Mylabs, mukhang na palayo na tayo." Sabi ko sa kanya na mapansin kong medyo malayo na 'to dun sa may tent namin
"Ah baka dito kasi na punta yon." Bakit parang may iba sa tono ng boses nya?
Pag tingin ko sa left side ko may mga nakakalat na sampaguita.
"Bat may ganito?" Tanong ko kay mylabs and he just shrug
"Sundan natin." Sabi ko kay mylabs
Matiyaga din ang gumawa nito ah kung sinadya 'to kasi ang haba na ng nilalakad namin. Ng tumigil ang dereksyon ng sampaguita napatingin ako sa mga nakalatag na damit na may binubuong mga letra.
"HAPPY ANNIVERSARY!!!" Biglang sulpot nila Dom kung saan na ikinagulat ko
Tumingin ako kay mylabs.
"Happy 5th Anniversary, mylabs." Sabi nito sa akin
Oh gahd. Paanong nakalimutan kong anniversary namin ngayon? Ang makakalimutin mo din talaga minsan, Aly!
"Happy Anniversary, mylabs!" Niyakap ko sya ng mahigpit pagkatapos ay tinignan ko ulit ang mga damit naming nakakalat na bumubuo ng words na Happy Anniversary!
"Oh my gahd! Shete ka, JM! Ano't bra ko ang nilagay mo sa exclamation point?!" Sigaw ni Dom
Napansin ko nga ding bra at fix ang ginamit sa exclamation point. Hahaha
"Pumayag akong isama dyan ang mga damit ko pero hindi ko sinabing pati bra ko isama mo dyan!" Pinaghahampas ni Dom si JM
"Dom, tama na. Agaw eksena na kayo eh, moment 'to nila Aly. Hindi inyo okay? Sa anniversary nyo doon kayo magmoment." Sabi ni Cia na nagpatigil kay Dom
Nagkakasiyahan kami ng magsalita ulit si Dom.
"Aly, uhm.. anniversary nyo naman ngayon eh gusto mo bang isantabi muna natin ang rule #3?" Sabi nito sa akin
"At ano namang kapalit nyan?" Kasi knowing Dom may kapalit yan
"Syempre sa anniversary dapat isantabi din ang rule #3!" Oh diba? Sinabi ko na eh may kapalit talaga
"Okay lang naman kay Shef eh, diba Sheffy?" Tanong nito kay Shef na busy sa pagkain kaya nagthumbs up na lang
"Pati na din sa mga boys." Pagpapatuloy nito sa sinasabi nya
"Dominique, tumigil ka sa mga kalandiang balak mo. Next month mo na yan planuhin pag wala na tayo dito." Sabi ni Cia na ikinasimangot ni Dom
"Napakadamot mo naman, Cia! Ang KJ mo eh! Para yun lang naman! Tsaka anniversary naman ayaw mo pang pagbigyan." Pangangatwiran ni Dom kay Cia
"Hindi pwede. Next year may anniversary ulit kayo edi dun nyo gawin ang mga plano mo, wag dito." Sabi ni Cia
"Palibhasa wala kang ka-anniversary eh. Bitter forever!" Pang-aasar ni Dom kay Cia
7:30 PM na at nasa labas pa kami ni Ervic habang sila nasa kanya-kanyang tent na.
"Happy 5th Anniversary." Halos bulong ko sa kanya
"Happy 5th Anniversary." Sabi nya din sa akin
Palapit na ang mukha nya sa akin kaya unti-unti na kong pumikit at hinintay maglapat ang labi naming dalawa.
"Wag nyo ng subukan labagin ang rule kitang-kita ang shadow nyo kahit nasa loob ako ng tent namin" Nagulat kami ng marinig namin ang boses ni Cia na nasa loob lang ng tent nila ni Shef
"Mabuti pa matulog na kayo at i-save nyo na lang yang kissing scene nyo next month sa monthsary nyo." Sabi pa ni Cia
YOU ARE READING
That One Month Camping
RandomWalong tao na may iba't ibang ugali magsasama-sama sa loob ng isang buwan. Ano na lang ang mangyayari?
