Almost 6. White lies and Sojourn

Start from the beginning
                                    


+++


"Oh Cha, siguraduhin mong magiingat kayo dun okay?" paalala ni kuya habang nagdadrive kami pa UP. Ang swerte ko talaga simula ng malaman kong alam ni Kuya ang samin ni Rhian at tanggap niya yun. Sobrang sobrang thankful ako kasi he's been my keeper since then. Buti nalang may kuya ako.

"Oo naman kuya! Sa rest house naman kami nila Rhian magstay, may caretaker naman sila and maid then may guard naman sa gate ng property so no worries."

"Wow, excited ka bunso ah." Asar ni kuya at natahimik ako at ngumiti lang

"Eh di ikaw ng in love." Sabi niya sabay tawa

"Pero kuya thank you talaga, kaso nakakakunsensyang kelangan ko pang magsinungaling para lang payagan akong lumbas kasama yung taong mahal ko."

"Wala naman tayong magagawa bunso, well we can always hope that one day kung talagang sure na sure ka na kay Rhian at ganun din siya sayo, may tamang panahon para gawing ang dapat, basta enjoy it while it last."

"Thank you kuya, siguro sayo ako nagmana ng karebeldehan no?"

"Kung ibig sabihin nun magagawa mo yung gusto mo ng wala kang natatapakang tao, then sakin ka nga nagmana. Hindi naman to karebeldehan ah?" At sabay kaming natawa habang nagpaparking siya, nakita ko na agad si Rhian nakasandal sa kotse niya.

"Kuya papakilala kita sa kanya."

"Anjan na ba siya?" tanong ni Kuya sabay masid sa paligid

"Ayun kuya oh! Yung maganda!" yabang ko sabay turo sa direksyon ng babaeng naka grey knitted pullovers, ripped washed skinny jeans at boots. Sinundan naman ni kuya ang turo ng daliri ko at napangiti

"Oh bakit?!" tanong ko habang kinukuha ang backpack sa likurang upuan ng sasakyan

"Good taste Cha, maganda nga." Ngiting sabi ni kuya at napangiting tagumpay din ako dahil approve.

"Sabi sayo mana ako sayo eh! Magaling sa chicks!" Sabi ko sabay labas ng kotse, agad naman akong napansin ni Rhian at ngumiti, mabilis kong kinuha ang mas malaking bag ko sa trunk ng sasakyan at saka lumapit sa kanya kasunod si Kuya.

"Hi lab! Hi po!" Bati ni Rhian samin

"Kuya Alcris, si Rhian girlfriend ko, Rhian si Kuya Alcris." Pakilala ko sa dalawa, mejo nagulat si Rhian pero napangiti din ng ngumiti si kuya sabay lahad ng kamay niya

"Nice to finally meet you Rhian. I'm Alcris."

"Nice to meet you rin po Sir." Mahiyaing sagot ni Rhian sabay tawa naman ni kuya.

"Kuya nalang din, Oh pano may pahabol na klase pa ako in 30 mins, mag ingat kayo ha, Cha ang pagdadrive, take the necessary breaks okay?" Baling ni kuya sakin tumango naman ako at ngumiti

"Rhian, ikaw ng bahala sa bunso namin, sana matagalan mo ang ugali niyan sa bahay sa loob ng isang linggo. Humihilik din pala siya."

"Kuya! Hindi ah!" at tumawa naman silang dalawa

"Ganyan sige pagtulungan niyo ko." I pouted sabay agaw ng susi kay Rhian para buksan ang sasakyan

"Halika dito Cha." Lapit ni kuya sabay yakap sakin, "Enjoy bunso." At halik sa ulo ko, na sinuklian ko naman ng yakap

"Thank you kuya. The best ka talaga eh."

"Aba syempre! Fairy God Kuya ako eh." Sabay kindat kay Rhian.

"Sige na mag-ingat kayo. Update mo ko pagkarating niyo dun." Nilagay niya ang kamay niya sa ulo naman ni Rhian atsaka umalis.

"Ang bait ni Kuya mo. Buti may kakampi ka na sa inyo." Puna ni Rhian pagkaalis ni kuya.

The Anatomy of Our AlmostsWhere stories live. Discover now