"Nanghihinayang ka pa? Tsk!" Umiling iling lang si Sir Hanzen at tumalikod. "Let's go!" 

Sumunod na lang ako sa kanya, paano kaya nila natunton kung nasan ako. 

Natapos na kaming mag dinner, hindi ako kinibo ni Sir Hanzen. Kung anu ang problema niya, kanya na. Marami na kong problema para problemahin din siya. Hmp!

Nung matutulog na kami, pumasok si Reese sa kwarto ni Sir Hanzen, tapus lumabas at hinatak ako papasok ng kwarto ni Sir Hanzen. 

"Dito tayo sleep mommy." Ha ? GAME--este bakit??

"Bakit?"

"Gusto ko kasi makatabi ang mommy at daddy ko sa pagtulog eh. Pwede po ba?"

"H-ha, eh--"

 "Why Ciara? Malaki naman ang kama, kasya tayong tatlo."

 "Eh, Sir Hanzen."

"Please? Payag ikaw?" Sabi ni Reese  habang hinihila hila pa ang damit ko.

"S-sige na nga."

"Yey!!" Biglang tumalon si Reese  sa kama. "Mommy, higa na." Medyo nag aalinlangan pa kong lumapit sa kama at humiga. Hayy, wala nanaman akong choice eh. Nahiga na lang ako sa tabi ni Reese   at kinumutan siya. 

Tapus sumunod na din si Sir Hanzen na nahiga sa kabilang side ng kama.

"Mommy, sleep na me."

"Ok baby." Tapus yumakap siya sakin kaya medyo humarap din ako sa kanya na nakaharap din kay Sir Hanzen na hindi ko na lang pinapansin ang mga titig niya. Hinahawakan ko na lang ang buhok ni Reese  at nag hum na ko. Tapus humikab siya at mas lalong humigpit yung yakap niya sakin. "Good night baby." Then I kissed the tip of her nose.

Nung makatulog siya, nakatitig pa din si Sir Hanzen sakin.

"Siguro, ganyan ka din sa magiging anak natin?" Sa sinabi niya, nasamid ako sa sarili kong laway.

"A-ano po ba yang mga sinasabi niyo S-sir."

"Hanzen na lang, masyadong pormal kung may Sir pa."

"Ha? Sige po, Sir--"

"Cut the Sir, Ciara." Tapus tinitigan niya ko na parang laser ang mga mata niya. Tagos sa kaibuturan eh.

"Sorry."

"Nasa may pool ka lang pala kanina at may kausap, kung saan saan ka pa namin hinanap ni Reese ."

"Hindi niyo na po ako dapat hinanap pa." 

"Nag alala ako sa'yo dahil bigla ka na lang umalis ng walang pasabi."

"Nag pahangin lang po ako."

"Mas nahanginan ka ba habang kausap yung lalaking yun?"

His BABYsitter (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon