*Fifteen*

155K 1.4K 110
                                    


"Kamusta dito Yaya Lucia?" Bungad ni Sir Hanzen pagkapasok namin sa bahay. 

"Naku, Sir, si Hannah, nakapasok po dito sa bahay kahapon ng umaga. Hinahanap si Reese. Hinalughog pa ho niya ang lahat ng kwarto. Hindi ko ho alam kung paano nakapasok ang isang iyun."

Ang tinik pala ng isang yon. Tsk! Umakyat na lang sa kwarto ni Reese, tulog nanaman siya. Pagod siguro. Nakipag puyatan pa kasi samin kagabi eh. Ang kulit kulit. Ayaw paawat. 

Nung naayos ko na yung mga gamit ni Reese pati yung gamit ko, naligo ako ng mabilis saka dumamba sa kama at nagtititili sa unan. Takte!! Nikikilig ako. Mwahaha. Para akong baliw tawa ng tawa habang tumitili. Ang ganda ganda ko kasi eh. Mwahahaha talaga!!!

Naupo ako sa may gilid ng pool at pinaglaro ang mga paa ko sa tubig. Naisip ko na may mga bagay pala talagang hindi malaya. Gaya na lang nitong tubig sa swimming pool, nakakulong siya. Hindi tulad ng tubig sa dagat, malaya at flowing. Ganun lang din tayong mga tao, may ilan na nagagawa nila yung mga gusto nila. May ilan naman na hindi, kasi may pumipigil. Pero minsan, mas maganda rin kung nakakulong tayo, kasi ligtas tayo. Yung tubig kasi sa dagat, pinapasabog. Etong tubig pool, nilalagyan pa ng chlorine para maging malinis at ligtas.

Parang pagmamahal din yan, minsan hindi kinakailangang maging malaya, kasi doon, may posibilidad na mapahamak tayo, bakit ko nga ba hahayaan na nandyan lang yung pagmamahal ko, yung wala namang nakikinabang, wala namang pinagtutuunan. Pero kung magpapakulong ako sa pagmamahal na iaalay kay Sir Hanzen, doon, mas malalaman ko talaga yung kahalagahan ng buhay. 

Mahirap man intindihin, dahil kahit ako hirap na intindihin, but still may point ako. Mwahaha, kaya mamaya, gagapangin ko siya. Landeee.

"Juice?" Napatingin ako sa tampalasan na sumira sa katahimikan ko.

Wow!! Yummy din! Gwapo, may abs na kumakaway at nagmamalaki. Nginitian ko siya at para kong na-hypnotize sa ngiti nya kaya tinanggap ko yung offer niyang juice. 

"Thanks." Pa-demure po yan, may kasama pang paghawi ng buhok at pag-ipit sa ear ko. Ang daming gwapo dito. 

"Kanina pa kita napapansin na parang ang lungkot mo."

"A-ah, wala, uhmm, hindi pala. May iniisip lang." RAWR!!! May gayuma ata tong juice na to. Blue eyessss, kay pogi pogeee. 

"Hindi bagay sa ganda mo ang nakasimangot, dapat sa'yo laging ngumingiti." Parang magic word yung sinabi niya at bigla na lang akong napangiti. "Better." Nung sinabi niya yun, mukha na kong tanga na pangiti ngiti. Oh lala, papa!!

"Ciara"

"Mommy!" 

Ay kabayo. Napalingon ako sa tumawag sakin na walang iba kundi si Sir Hanzen at Reese  . Nakakunot ang noo ni Sir Hanzen na may kasamang usok sa ilong. Siya pa galit niyan? Eh ako nga naputol ang pag mo-moment kasama si Mr. Blue-Eyed Papa.

Nakanguso na lang akong tumayo. Uminom pa ko ng konti juice at iniabot dun kay Mr. Blue-Eyed Papa. "Thanks for this." Tapus nginitian ko na lang siya at tumalikod na. Paglapit ko kilaReese  nagpabuhat siya.

"Who's he?" 

"Who's he? Ay oo nga pala. Sayang!! Di ko natanong ang pangalan niya." Umiling iling pa ko, tapus nilingon ko yung inupuan ko kanina. Wala na siya, naglalakad na palayo.

His BABYsitter (Complete)Where stories live. Discover now