Almost 3. Drizzles and Hurricanes

Start from the beginning
                                    

"Aray ha!"

"Ano bang gusto ng baby?" biglang upo ni Rhian sa harapan ko napatigil ako sa lapit ng mukha niya sakin

"Ha? - ehh - ahh - -" Utal ko

"Dali halika na please? Practice ka na." ngiti niya at kindat, yung boses niya parang nangaamo ng baby na ayaw papilit.

"Hay! sige na nga po! Eto na tatayo na nga eh." Madali kong sabi sabay kuha ng gamit dahil hindi na ako makahinga

Hay Rhian! Ano ka ba wag ka namang ganyan -_-

She took my hand and pulled me up to my feet, akala ko bibitaw na siya pero hindi, she entwined our fingers and gave me the sweetest smile na parang nagsasabing 'practice ka pa with Patricia na yun ha? Not gonna happen' kaya lalo akong kinabahan.

She's sweet natural kay Rhian yun pero maging clingy parang hindi ata o baka pinagtitripan nanaman niya ako like every time. Binigyan ako ng makahulugang tingin ni Sheena at Chyns; si Sheena halatang nagtataka pero si Chyna palihim na nag-totwo thumbs up kaya napailing nalang ako.

Bumaba kami sa band room sa may ground floor na katabi ng student council office at nakita kong naghihintay na silang lahat.

"Hi Glai! Hi Guys! Full support tayo ah?" Bati agad ni Patricia napansin ko namang humigpit ang pagkakahawak ni Rhian sa kamay ko

"Hi." I awkwardly smiled, napatingin si Patricia saglit sa kamay namin at tumingin ulit sakin ng nakangiti

"Ahh oo Patricia, solid friends eh." Sabat ni Chynna, tawa naman ni Patricia at sangayon

"So tara?" baling sakin ni Patricia sabay hawak sa kanang kamay ko para hatakin papunta sa mga kabanda niya pero hindi agad napabitaw si Rhian humigpit pa lalo ang hawak sa kamay kong nawawalan na ng pakiramdam

"Ahh ehh Patricia, wait lang ha? May kausapin lang ako." Sabi ko sabay marahang hatak ng kamay ko mula sa kanya, saka ko hinatak pabalik kila Chynna at hinarap ang nagmamaktol na si Rhian.

"Rhi? Magpapractice na kami..." sabi kong malumanay kahit sa isip ko pinupukpok ko na siya dahil I don't know what exactly is her deal right now.

"Bakit kelangan ka pa hawakan nung made in china na yun?" She pouted at natawa ako itinawag niya kay Patricia

"Wala namang mali sa ginawa niya ah?" Maang ko na lalong kinakunot ng noo niya kaya lalo akong natawa

"Babantayan mo naman ako diba?" I said winking

"Okay sige, pero wag ka masyadong lumapit sa kanya. Ha BABE? Okay?" Sabi niya ng mejo malakas upang marinig ng mga band members ng Hapipaks na naghiyawan naman.

"Rhi - -" Ngiting sabi ko pilit siyang tinatanong ng mata ko kung anong meron pero ngumiti lang siyang nakakaloko at inulit ang B-word

"Babe. Okay?" sabi niya sabay halik sa noo ko. Kaya napatango nalang ako at kamot kilay na lumapit sa Hapipaks

"Woooow kayo pala ni Howell? Di ko alam na she sways that way." tanong agad nung lalaking hindi ko pa nakikilala, kaya ngumiti nalang ako, bigla naman akong inakbayan ni Patricia at ginulo pa ang buhok ko

"Guys! So this is Glaiza, siya sana ang papalit kay Sol. So Glaiza, ang mga boys, si Macky...

"Lead." Sagot naman nung Macky

"And Joseph..."

"Drums bruh!"

"And ako yung bassist."

"Hi sa inyo. Kelangan ko pa ba ng audition piece?" Biro ko

"Nako! Di na kelangan ilagare na natin yang voice box mo! Malapit na din yung play eh." Sabi ni Macky

The Anatomy of Our AlmostsWhere stories live. Discover now