nakakaramdam ng takot si Den dahil madilim sa silid . silang dalawa lang ang nandun . at bulag pa si alyssa . mag gagabi na din baka hanapin na sya. " hayy ! napaka pangit naman ng araw na to !! " sigaw nya sa sarili . 

naramdaman naman ni alyssa na parang natatakot si Den . kaya kailangan nyang gumawa ng paraan para gumaan ang pakiramdam nya . 

aly - " siguro palipas muna tayo dito .. tyak naman hahanapin ka ng mga kasamahan mo .. " 

umupo sya sa papag kahit medyo alikabok . pinunasan nya ang plawta nya . nahalata naman ito ni Den na parang relax lang si aly . 

Den - " ganan ka ba talaga ? lagi mong pinupunasan yung plawta mo ? "

aly - " ah ito ba .. hehe wala kasi akong magawa .. " 

tinabihan na muna nya si alyssa sa pag upo . medyo mag kalayo sila ng isang dangkal . tahimik lang silang dalawa . may naalala si alyssa na binangit ni Den . 

aly - " Den .. nabanggit mo sa akin kanina .. medyo nag kakalabo kayo ni Bea nitong mga nakaraang araw ? " 

Den - " (sigh) ou .. " 

ramdam ni alyssa ang boses ni Den . boses na malungkot . " bakit parang ako yung nasasaktan pag malungkot sya ? " tanong ni alyssa sa sarili. 

aly - " pwede ko bang malaman ? " 

si Den naman napatingin sa kanya . " bakit parang ang lungkot nya ? " tanong nya sa sarili . "wag kang assuming Dennise !! " huminga muna sya ng malalim bago nag salita

Den - " hindi naman sa nag kakalabo kami .. nitong mga nakaraang araw kasi parang nag iiba na sya .. naging mas mainitin na ang ulo nya .. pati yung mga kasama namin napag iinitan na nya .. hindi naman sya dating ganyan .. " 

mababakas sa boses nya ang kalungkutan at nababagabag . hindi nya namalayan na tumulo na naman ang luha nya . hinayaan na lang nya iyon dahil hindi naman nakikita ni alyssa ang lungkot sa kanyang mata. 

hindi nga nakikita ni alyssa yung mga luha pero alam nyang umiiyak ito . "dapat hindi pinapaiyak ang katulad mo " yan ang gustong sabihin ni alyssa . pero hindi nya alam bakit parang hindi sya makapag salita . 

aly - " alam mo .. intintidin mo na lang si Bea .. ikaw lang makakagawa nun .. kong ano man ang disisyon nya suportahan mo na lang .. " sabi nya ng may ngiti.

eh ang gusto nya pahirapan yung grupo nyu ! susuportahan ko pa din !? " sabi ni Den sa isip . 

Den - " kung alam mo lang aly .. " 

aly - " bakit naman ? dahil ba sa club namin ? " 

napatingin naman si den sa kanya . "nababasa ba nya ang nasa isip ko ? " sabi nya sa sarili 

aly - " heheh hindi ko nababasa ang nasa isip mo .. " 

hala !! pano nya nalaman !? " sabi ni sa sarili

aly - " pfftt.. alam mo kung nakakakita lang ako .. siguro epic na yung muka mo hehe .. "

Den - " tsk .. mang huhula ka siguro " pag susungit na naman nya .

napangiti naman si alyssa sa pag susungit ni Den . " mas gusto ko pang mag sungit sya kesa sa malungkot sya " sabi nya sa isip . 

napansin naman ni Den ang pag ngiti ni alyssa . kaya naman napangiti din sya . nabalot na naman ng katahimikan silang dalawa . pero may narinig silang kaluskos sa tabi nila . kaya naman automatic napa lundag si Den kay alyssa .

SUGO(alyden)Where stories live. Discover now