Almost 2. Juliet and Juliet

Start from the beginning
                                    

"Hmm, next! Sige lay low, gusto ko magkaroon ng tattoo, pero yung old school as in sa Kalinga talaga, sa mga mambabatuk, kasi mas masakit, mas meaningful, mas may dating." Rhian said eyeing my wrist tattoo habang nagsasalita

"Ako, I got this nung nagrebelde ako sa parents ko, kaya walang meaning to, pero gusto kong sundan, yung siguradong may meaning na, someday pag may naisip na akong ipalagay." I answered, buti nalang bawal ang follow up question kasi nakita kong tumaas ang kilay niya sa pagbanggit ko ng pagrebelde.

"Ako na, NBSB ako... pero I had my first kiss nung 4th year highschool dahil sa bwisit na dare. Sa babae pa." I added

"Interesting naman ng first kiss mo, I've never kissed a girl pa... baka ngayon..." she uttered pero pabulong yung last part, so I pretended that I didn't hear her.

"Ha ano? Anong sabi mo?" I asked pero umiling lang siya sabay sabing

"Sabi ko I've never kissed a girl, nagkaroon na ako ng mga boyfriend pero walang seryoso, just for the sake of having one... for fun I guess."

"Ayoko kasi ng for fun, call me boring or anything pero hindi kasi ako madaling magkagusto sa isang tao, pero once magkagusto naman ako bigay todo kaya takot ako."

"Ang complicated mo naman Glai."

"I guess I just embrace my complexities well." I winked at her

"Will you judge me kung aaminin kong I'm no longer innocent?" Biglaang tanong niya ng matahimik kami, mejo napayuko siya at nahihiya ata.

"Nah, it's your choice naman eh, so maybe you have reasons kung bakit mo nagawa yun. And who am I to judge you for your decisions na hindi ko naman totally alam."

"Are you telling me that to impress me? kasi effective." She smiled shyly

"I don't know, kung na-iimpress ka ng pagiging totoo ko then cool yun! Most people kasi find me weird pag nagpapakatotoo ako sa harap nila."

"I like weird. We all have our own weirdness naman diba?"

"I guess you're right." Sangayon ko at nagkangitian lang kami

"Glai - -" She softly started kaso biglang nagring yung cellphone ko

"Wait lang Rhi, si Ate kasi..." putol ko sa kanya bago ko sagutin yung phone sa harap niya

"Hello Ate? Ha? Ngayon ba yun? Oh Shhh... sorry I forgot eh, may Sifter kasi kanina, katatapos lang actually. Oh sige I'll be there in a few. Bye."

"Pinapauwi ka na?" Rhian asked as soon as I ended the call

"Yeah, nasa bahay kasi yung elders hinahanap daw ako nakalimutan ko..." sagot ko naman habang inaayos yung gamit ko.

"Ikaw? Hatid na kita gusto mo?" I added

"No okay lang I have my own car din kasi..." Sagot naman niya habang nagayos din ng gamit niya hindi namin namalayan na sobrang lapit pala ng mga ulo namin kaya nagulat nalang kami ng nagkauntugan na kami.

"Aww!" sabay naming sabi

"Oh sorry Rhi! Naku di ko napansin ang lapit mo pala." Sabi ko sabay tingin ng namumulang bahagi ng nuo niya

"No ayos lang, ikaw talaga." She said laughing na natigil ng magtama ang paningin namin. We were like that for a few minutes and I saw something in her eyes, kaso di ko maipaliwanag kung ano

"Glai - -" simula niya ng magring nanaman ang phone ko. Ugh! Ate Cris!!!!

"Sorry talaga Rhi, I really have to go. I'll see you tomorrow okay?" sabi ko sabay halik sa namumulang part ng noo niya. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa yun pero after kong gawin yung lumakad na ako palayo without looking back bago pa maging awkward ng tuluyan ang lahat.

The Anatomy of Our AlmostsWhere stories live. Discover now