TRIP BACK TO THE PAST

26 1 1
                                        

****ZAELLE's P.O.V*******

HI! I'm zaelle del carmen. Siguro nagtataka kayo kung bakit ako nandito at kung sino ako? well, malalaman nyo din soon.

Maaga akong nagpunta sa mall para maghanap ng mga gamit ko sa pagdradrawing and luckily ay nakita ko ang isang taong napakatagal ko ng hinahanap..nakatayo sya sa harap ng isang motorcycle at mukhang may hinihintay..sya, si yzcle. ang babaeng matagal ko ng hinahanap pero not for personal concern...it's just, back back then eh parehas kaming nakasakay sa isang bus at naiwan niya yung gamit nya and since that day i started to look for her anywhere but i couldn't find her. gusto ko lang talaga ibalik yung mga stuff nya, to be more specific ay mga journals nya...


well, ou, alam kong tingin nyo ay nabasa ko na yung mga yun,,..yes! i did read them all and dun ko naranasang makaramdam ng iba't ibang emosyon..that's why andito ako ngayon sa harap nya, after a week of stalking her where abouts.


Hindi naman nagbago ang itsura niya pero dahil hindi ko naman siya nakausap dati pakiramdam ko ay nag-iba na ang impression ko sa babaeng ito. Nakakatuwa lang na hindi mo mahahalata sa kilos nya ang sakit na pinagdaanan niya sa past. Pinagmamasdan ko sya ngayon at kita mo sa mukha niya ang pagkabigla, pagtataka at hindi ko alam kong tama ba ang nakikita ko pero pagkahiya at pagkailang ang bumabalatay sa mukha niya. huminga siya ng malalim at mukhang nag-isip muna bago tuluyang nagsalita.


"Hindi ko alam kung sino ka, pero sana kung ano man ang nalalaman mo tungkol sa pagkatao kalimutan mo na rin sa araw na ito."mahinahong wika niya

"per----"naputol ang sasabihin ko ng muli syang magsalita

"Hindi ko man alam kung may nalalaman ka na sakin o wala pero sana pagbigyan mo ako, madali lang namang gawin iyon lalo't hindi tayo magkakilala." seryoso niyang sambit kasabay ang malumanay na pagtalikod.

tahimik ko siyang sinundan ng tingin, huminto siya bago tuluyang lumiko sa gawing kanan at 'lunok' ..


"pero, salamat" at kasabay ng malambing niyang tinig ay ang isang matamis na ngiti..

nakakmangha, parang tumigil ang pagalaw ng bawat bagay sa paligid ko. napakalakas na dating ng ngiting iyon, para bang hindi pa ko nakakita ng ganung katamis na ngiti.



Nasa bahay na ako, pero hindi ko talaga makalimutan ang itsura niya.. ang bawat reaksyong puminta sa kanyang mukha. ang kaseryusohan, ang pagkagulat at ang ngiting iyon na bumura sa lahat ng pagkamangha ko. 'kakaiba ka ngang talaga'

Wala akong maisip gawin kaya naman nag hanap ako sa internet ng may koneksyon sa kanya.



*****************ITUTULOY**************


MY GAMEWhere stories live. Discover now