Mulat

16 0 0
                                        

Hayy, Highschool nga naman. Isa sa mga tumatak sa isipan ko, isa sa mga nagkaroon ng malaking impact sa mga yugto ng buhay ko. Sa karamihan tinatawag nilang 'nene days', 'yung mga time na mainstream na mainstream ang galawang breezy. Mga kaklase mong sadyang gwapo/maganda na, nakakapag fling sa kahit sino -- este may love life pala. Ako? nasa isip ko lang noon eh ang mag dota, kain, mag tikol, kung gaganahan ako, aral. Sa ganung panahon, hindi mo talaga maiiwasan ang magkagusto at pagkakaroon ng pagtingin sa iba. Eh ako naman na tanga tanga putangina, na hulog ako sa patibong ng kaklase ko na napakaganda na si Clara. Maraming nagkakagusto sa kanya, left and right may kausap na lalaki, tutal sabi naman daw nila verbally active daw ang mga babae kaya daw dalawa ang bunganga ng mga babae. At sa mga lalake naman daw kaya mau-utak ang mga 'yon, eh dahil sa dalawa ang ulo ng mga lalake. Siguro nang nag paulan ang panginoon ng mga ulo, hindi ako napagpala ng pangalawang ulo kaya ako naging tanga-tanga. Umamin kagad ako kay Clara, walang pasikot-sikot pa walang kai-kaibigan 'tangina. Ang sabi naman daw niya hindi pa raw siya ready magka-shota. 'Tangina pagkalipas ng ilang araw may shota na siya na mukang tuknene, 'yung buhok parang pugad ng ibon putangina. Dahil sa kakamulat ko palang ng mga mata ko noon sa realidad, lahat ng nagugustohan ko na babae tumatak na sa isipan ko na manloloko sila at papaasahin ka lang nila.

Hanggang sa dumating ang araw na tipong, isusubo mo nalang ipapakain pa sa'yo ng may kapal ang biyaya. 'Yon 'tangina may umamin sakin, may gusto 'yung babae sakin at matagal niya na raw akong gusto. Bukod sa 'ngiti' ko raw at pagiging masiyahin, mahilig rin siya sa Kpop (Korean Pop) at ako rin naman. Alam ko iniisip niyo, 'eww' 'baduy amputa' 'kpopanget' well isa lang masasabi ko sa inyo, 'tangina nyo. Parang pagkain lang 'yan eh, porke' hindi mo gusto ang lasa ng pininyahang manok, sasabihin mo na kagad na pangit siya na luto at hindi masarap. Meron at meron din ang mag di-disagree sa'yo. 'Tangina kanya-kanyang trip yan, wala akong pake kung mahilig ka man sa satanistic na music o kahit na ano pa. So 'yun nga, balik tayo sa girl na umamin, nga pala pangalan niya ay Louise. Mga tropa niya tawag sakanya lou-lou. Eh 'yun naging kami, nadala ako sa chemistry namin, kahit maalala ko lang siya ng saglit natutuwa nalang ako eh. Kasi right after na umamin siya, umamin rin ako 'tangina. Win-win situation. 'Tangina first time palang ako nagka-girlfriend nun, 3rd Year Highschool ako noon (Grade 9) ka-chemistry ko pa, diba. Pero hindi rin kami nag tagal, nakipag break siya sa'kin, mga one and a half month lang kami. Sad life noh? Wala kasing forever!

Mula pa Grade 3 nag aaral na ako dito sa Catholic School na ito, dahil sa isang stereotypical na belief na pag nag aaral ang isang estudyante sa isang Catholic School eh mayaman na kagad. Hindi naman sa mayaman ang pamilya ko, sadyang may kaya kami. Sapat ang naiipon ng mga magulang ko at ang lolo't lola ko sa states. Hindi ko na siguro pagsasawaan ang lugar na 'to. Malamig, malawak ang pagtatakbuhan, mura ang ilang pagkain. O malamang, paglipas ng ilang buwan pa uli, biglang mangati ang mga talampakan ko at maghanap ng ibang lugar. Eh wala, nag sawa na ako hanggang umabot na ako ng 4th Year noon, doon parin ako nag aaral. Sa araw araw pa naman na gawain mo na pare-parehas hindi ka man lang mag sasawa? Halos pitong taon na ako roon nag aaral.

"Tangina pare, hindi ka na ba nagsasawa sa eskwelahan na 'to?" tugon ko.

"Oo naman, hindi na ako makapag hintay na't maka-graduate na tayo at lumayas na dito" tugon ng kaklase ko na si Tom.

Si Tom, 'tangina hindi ko na yata maalala kung kelan pa kami nag kakilala sa sobrang tagal na naming pagsasama. Noong kinder pa ata kami nun. Lahat na ng kahihiyan, kasiyahan, kalungkutan at iba pa eh napag daanan na namin lahat na magkasama. Mi'ultimo nung kinder, sabay pa kami napa tae sa classroom.

"Saan ba balak mo mag college Tom?" tugon ko.

"Ewan ko ba, 'yung erpats ko naman gusto niya sa La Salle ako mag aral kasi mataas daw standards doon. Si mama naman gusto niya sa UP ako mag-aral, eh 'tangina lagi ngang palakol ang mga grado ko, UP pa?" tugon ni Tom.

"Sus naman, ano ba gusto mong course na kunin ba?" tugon ko.

"Architecture 'tol, isa sa mga pangarap ko rin na makapag tayo ng sarili kong bahay at para rin sa mga magulang ko na nagkakayod araw araw para lang mabayaran ang mga bayarin namin." tugon ni Tom.

"Pangarap mo pala eh, 'tangina mag co-college ka na dapat ikaw na mag dedecide kung ano ang tatahakin mong daan patungo sa pangarap mo" tugon ko.

"Sabagay, ikaw ba saan ka mag aaral at anong course ang kukunin mo?" tugon ni Tom.

Noong bata pa ako noon, wala akong hilig sa paglalaro ng mga video games. Panay takbuhan at paglalaro sa labas diyan sa kanto kasama ang mga kababata ko dito sa looban. Mula nung natuklasan ko ang video games, computer games at iba pa. Unting-unti na gumuho ang kasiyahan ko sa pagiging malaya sa paraan ng paglalaro sa labas, takbo diyan takbo dito. Nagkaroon ako ng bagong pagkakasiyahan, mainly ay ang paglalaro ng mga laro sa computer. Simula noon, hindi na ako nakapag laro sa labas hanggang naging binata na ako.

"May nakita akong bagong course sa FEU, 'Animation and Game Development'. Tutal isa akong addict sa paglalaro ng mga video games. Pumasok narin sa isipan ko once in my life na kung paano kaya kung gagawa ako ng sarili kong laro. Aside sa hilig ko ang paglalaro, nagbibigay pa ako ng saya para sa mga katulad ko." tugon ko.

Anuman ang sabihin nila, wala akong pakialam. Alam ng Diyos o ng kung sino mang nakatataas sa atin na masyado nang brutal at mahaba ang nilakbay ko. Putang ina, kailangan kong magpahinga. Kailangan kong tumigil, humimpil.

Katapusan na ng March nun, tapos na ang Graduation Day pero hindi pa nagtatapos ang kahirapan ko doon. Lahat sila busy sa pag gagawa ng mga requirements nila. Bawat estudyante may isang papel ng listahan ng lahat ng subjects nila na dapat ay mapirmahan ng bawat guro nila sa iba't ibang subjects nila. Ang tawag nila doon sa papel ay 'Clearance', kumbaga dapat mong mapapirmahan 'yun lahat para makuha mo ang grades mo. Kung hindi mo naman makukuha 'yun, hindi ka makakapag enroll sa mga kolehiyo. Nga nga ka.

"Tol, ilan na napirmahan mo?" tugon ng kaklase ko.

"Lima na, apat nalang. Ikaw ba?" tugon ko.

"Malapit na 'tol, isa nalang." tugon ng kaklase ko.

Pero 'tangina kita ko clearance niya hawak-hawak niya, isa palang na papapirmahan niya, subject sa Religion, eh 'yun 'yung pinaka madali. Itong kaklase ko pa naman 'yung pinaka bobo sa class namin. 'Yung tipong goons ang labas, mga gago-gago sa klase laging napapagalitan ng mga guro namin. 'Tangina mo buti nga sa'yo gago, naalala ko pa nung 2nd Year PE natin, hinubaran mo ako sa gitna ng quadrangle habang nag babasketball tayo kingina ka. Nagagalit ka pa pag hindi kita papakopyahin 'tangina ka. Hindi ka sana makapag enroll sa kahit anumang kolehiyo putangina ka.

"Sige 'tol, una na ako papapirma ko na 'tong last subject ko." tugon ng kaklase ko.

Ulol gago, next year mo pa yan makokompleto tangina ka.

Makalipas ng isang linggo, natapos na din lahat lahat. Pwedeng-pwede na ako mag enroll sa kahit anuman koleyhiyo. Nakapag entrance exam na ako noon pa last year sa kalagitaan ng school year namin kasi pwede naman, para enroll nalang kaagad pagkatapos ng school year. Pero halos dalawang buwan pa naman bago magsimula pa ang pasukan, kaya nag desisyon muna ako na mag pahinga, magpaka tamad sa loob ng kwarto ko. Puyatan araw-araw sa pag lalaro; kain, tulog, laro, lang ang gawain ko noon halos sa loob ng dalawang buwan. Isang madaling araw, bago ako matulog, habang idinuduyan ako ng malamig at napakalambot kong kama at sa pagtugtog ng musika na suot ko ang earphones. Iniisip ko kung ano ang mga mangyayari once na tumuntong na ako ng koleyhiyo, mga iba't ibang scenario ang bumabagabag sa aking isipan; magkakalove life na kaya ako ng tunay, makakaya ko kaya ang pagaaral sa kolehiyo, makakapag graduate kagad kaya ako at iba pang mga doubts sa sarili ko.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 13, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The ComebackWhere stories live. Discover now