Baguio Moment

83.3K 1.8K 22
                                    

Biboy's POV

Nakarating kami sa boarding house na tinutuluyan ko.

Naunang bumaba si Cass.

Dala ko yung magaang backpack nya.

Tapos kumapit agad sya sa braso ko.

Well, ganyan talaga yan si Cass. Laging nakadikit even with her friends.

Remember nung una kong nakitang magkasama sila ni Art?

Nakapulupot din yung braso nya dun.

Tumuloy kaming pasok sa bahay.

Nakita namin si Anton at Raf na nanunuod ng Tv.

"Hi Cass!" bati nila kay Cass nung makita kami.

"Hello!" bati din ni Cass sa kanila.

"Kamusta byahe?" tanong ni Anton.

"Ok lang! Enjoy." sabi ni Cass.

"Nadala mo?" tanong ni Raf.

"Yep!" sagot ni Cass. Tapos lumapit sakin at kinuha yung backpack nya.

Nilabas nya yung cp, ipod, laptop at camera.

Wait! Anong meron?!

Naguguluhan ako. Di naman sila magkakilala ah! Bakit kung mag usap sila parang close na?

Magtatanong na sana ako kaso biglang nagsalita si Anton.

"Wow! The best ka talaga Cass!" sabi ni Anton.

"Grabe mukhang mga bago pa!" sabi naman ni Raf at nakipag apir kay Anton.

"Thank you Cass ah!" sabi ni Anton.

"Basta ba lagi kayong tumutupad sa usapan natin e! Malakas kayo sakin!" sabi ni Cass.

Waaahh.. Ano ba talagang meron?

"Wait, wait.." finally nakasingit din ako. "Anong meron dito? Para saan yan? At bakit kung mag usap kayo parang matagal na kayong magkakilala?!" tanong ko sa kanila.

"Ahmm.. Sige Cass una na kami. Titingnan muna namin kung anong magagawa namin dito." sabi ni Anton Saka mabilis na umakyat. Sumunod din si Raf sa kanya.

"What does that mean?" tanong ko kay Cass.

Nag-poout sya sakin.

"Don't pout at me Cass. Explain." sabi ko sa kanya.

Sakto naman bumaba si Seth, yung isa pa namin room mate. Nakatingin sya samin, err specifically, kay Cass. Dinaanan nya kami at dumiretso sa kusina, kumuha sya ng tubig at uminom.

Nakatingin pa din sya kaya nagkatinginan kami. Hindi ko mabasa yung tingin nya. Ang weird.

"Bhie.. Sino yan?" bulong sakin ni Cass.

Umiling muna ko.

Nakita ko syang naupo dun sa dining area. Pero parang di naman kakain.

Still, nakatingin pa din sya.

"Dun tayo sa kwarto mag usap." sabi ko kay Cass. Saka hinawakan yung kamay nya.

Tiningnan ko muna si Seth bago kami makaakyat.

Biglang gumalaw yung kilay nya. And for the first time I can see threath the way he look.

For what?!

Dahil ba sa nagpapasok ako ngbabae.

Eh sa pagkakaalam ko bawal magpatulog pero ang pag bisita pwede. And beside wala naman kaming gagawing masama sa kwarto ko. Mag uusap lang kami.

Cassadra's Big Love (Published)Where stories live. Discover now