Para sa lahat ng babaeng nataken for granted, naMU-zoned, o NBSB pa din hanggang ngayon, this may be perfect for you. I just want to share with you this journey of mine regarding love. :)
Love, pag ibig, pagmamahal, o kung ano pa man ang itawag mo. Yan ang isa sa nagbibigay kulay sa buhay ng isang tao. Oo, maaaring hindi lahat masaya ang buhay pag ibig, pero ang love naman not necessarily sa special someone mo lang pwedeng maramdaman diba? Pwedeng sa family or friends. Pero wag nating ipagkaila din na one of the greatest feelings is ang mainlove. Masaya pero masakit din. Well, whatever we say, at the end of the day, love is still LOVE.
Sa next parts, ipapakilala ko sa inyo ang iba't ibang klaseng lalaking naencounter ko bago ko nameet the man who is the answer to my prayers.
