PROLOGUE

365 8 2
                                        

My Unknown Caller



NOTE: THIS IS PURELY A WORK OF FICTION. ANY RESEMBLANCE TO HAPPENINGS, PLACES AND PEOPLE, LIVING OR DEAD ARE JUST COINCIDENTAL.




*****


PROLOGUE




"Mahal mo bes?"



"Hindi ko alam?"



"E bakit inaantay mo?"



"Huh? Wala nga. Sige ba-bye na. Matutulog na ko." hindi ko na siya inantay sumagot at ibinaba ko na ang cellphone ko.




Humarap ako sa kabilang side ng wall. Kanina pa ako paikot-ikot dito sa kama at nag-aantay. Tinignan ko ang wall clock malapit sa pintuan. Mag-a-ala una na ng madaling araw. Konting minuto nalang aantayin ko.



Ilang minuto pa kong nag-isip. Iniisip ko kung sino siya sa buhay ko. Nauhaw na ko, naihi na ako at nagutom na ko. Ang bagal pa rin ng oras. Tila mas lalo itong bumagal dahil sa may inaantay ako. Nananadya ba 'to?



Nagbasa pa ko ng mga notes ko sa school para lang di antukin. Ilang minuto pa ang lumipas, tinignan kong muli ang oras, 01:43am na. Kinuha ko ang cellphone ko sa side table at ilang segundo lang nag-ring na ito.



Tinignan ko kung sino ang tumatawag, isang malapad na ngiti ang gumuhit sa aking labi.




There HE goes again...




















MY UNKNOWN CALLER.




#WaitForTheNextChapter




XXXXX



© ALL RIGHTS RESERVED. 2013.





---superJEMI <3

My Unknown CallerWhere stories live. Discover now