"hay, ang bagal naman kumilos ng oras."
ilang minuto pa kaya bago makarating sa manila?
excited nako dahil first time ko. sabi ni tito may susundo daw sakin sa terminal...
"Sinu kaya yun?"
"Oh..Dapitan na!! Dapitan!!"
Teka.. andito na pala ako..
asan kaya yung sundo ko??
"Ibang iba pala sa maynila kaysa sa probinsya e?"
habang sinasambit ko yung mga salitang yun..
bigla nalang akung natulala, ewan ku ba kung anghel siya na bumaba sa langit o ano.. basta ang alam ko na love at firt sight yata ako sa kanya..
HMMM.. Ms? Ms? ikaw ba si Nica?
nagulat na lang ako na ako pala ang kinakausap ng gwapong extranghero..
"Ayee sorry.. anu nga yun?"
ngumiti siya at nagpakilala..
"Ako si Jake.. ako yung sundo mo.
part timer ako sa imprentahan ng tito mo.."
biglang namula yung mukha ko sa sobrang kahihiyan.. habang nasa byahe.. at kami lang dalawa sa loob ng traysikel.. hala! sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko.. akala ko hanggang doon lang.. pero.. nabigla ako ng malaman ko na nakikitira din pala siya sa bahay nina tito.. at ang mas malala... matutulog kami sa iisang kwarto na tabla lang ang naghihiwalay saming dalawa..
"LORD.. pinaparusahan niyo ba ako?"
bulong ko sa sarili ko.
ilang araw pa ang lumipas..
pero simula ng nagpakilala siya sakin..
di ko na uli narinig boses niya..
hindi na niya uli ako kinausap..
sabay kaming kumain..
tumutulong din naman ako sa imprentahan kahit papano eh..
pero bakit parang wala pa rin siyang imik?
"KABANAS.. nahalata kaya niya na may crush ako sa kanya?"
sa sobrang inis ko.. kinausap ko siya ng kami lang dalawa..
"Hoy Jake.. galit kaba sakin o natatakot ka lang talaga?"
ngumiti lang siya sabay iling...
"Pag di ka nagsalita hahalikan kita! sge ka!"
ngumiti lang uli siya at tinitigan ako..
inilapit ko ng dahan dahan ang labi ko sa kanya...
pero di parin siya natitinag..
"Ang bagal mo naman!" bulong niya..
kinabig niya ako at biglang hinalikan,...
Matagal.. nakakabaliw.. kaya bago pa man ako malunod.. kumawala na ako..
"Baliw ka pala eh..!"
sigaw ko
"sino bang unang nanghamon?"
tanung ni Jake...
ngumiti siya at umalis..
galit na galit ako sa sarili ko ng mga oras na yun.
kasi nakagawa na naman ako ng katangahan,,
pagkatapos ng gabing yun.. di na naman niya ako kinausap.. "KAINIS.." at sino ba itung mga babae na nag papansin sa kanya?? ngiti naman ng ngiti ang loko!! sa bawat oras na binabalewala niya ako parang lalo lang ako nahuhulog sa kanya.. sa bawat ngiti niya parang lalo kong gusto na mahalikan siya ulit..
2 linggo bago ako bumalik sa probinsya..
lumapit siya sa akin at nag sorry.
"Nica"
"Sorry sa pagiging arogante ko sayo ah.."
"Gusto mo bang ice cream?"
napangiti ako at sinabing..
"Ano ako bata?
bibigyan mo lang ng ice cream ayus na lahat??"
"Di ba 16 ka palang naman.. ako 17 edi bata pa tayo?"
biro niya
maikli ang 2 linggo.. pero sa mga panahong yun lalo pa kaming napapalapit sa isa't isa ni jake.. hindi na katulad ng dati na puro ngitian lang..
puro nakaw na tingin lang. mabait din pala siya.. madaldal.. kaya lalu pa akong nahulog sa kanya. kaso lang.. uuwi din pala ako.. mag hihiwalay din kami.. inutusan siyang pumunta ng divisoria ng araw ng iyon.. naghintay pa ako ng ilang oras pero di parin siya dumadating.. sinabi ko nalang sa sarili ko na.. babalik din naman ako sa susunod na taon.. at sa pagkakataong yun.. di na kami maghihiwalay... pagkatapos ko ng high school,, mag aaral na ako sa manila.. at sa pagkakataong yun magiging masaya na kami..
umalis ako sa maynila
na hindi man lang nagpaalam sa kanya sa personal..
pero bagi ako umuwi at asumakay ng bus..
tenext ko si jake..
"Jake.. aalis na ako.. sorry kung di na ako nakapg paalam ah.. babalik din naman ako kaagad dba? hihintayin mo ba ako?"
pero araw, linggo at buwan ang lumipas, di na siya nag reply,. naisip ko tuloy.. galit kaya siya saken?"
kaya.. hindi paman natatapos ang graduation namin.. pumunta na ako sa manila para makita si jake.. 10months na rin ng huli ko siyang nakita.. siya agad ang una kong hinanap pagkatuntong ko sa maynila..
umaasa ako na siya uli ang susundo sa akin,
pero bigo ako..
"tito? si jake po asan?"
si jake? hindi mo ba alam?
anu po asan po ba siya??
hindi na umimik si tito hanggang sa makarating kami sa bahay nila.. inabot niya sa akin ang cellphone ni jake na may bahid ng dugo. ano to tito? bakit may dugo?
yumuko lang si tito at sinabing, "tingnan mo yung draft niya... ang huling text niya sana para sayo..
HULING TEXT
BAKIT?
tiningnan ko ito at di ko napansin na nag uunahan na pala ang mga luha sa mata ko,,
"Nica aalis kana sandali lang hintayin mo ako..
kahit naman 10 taon pa tayong di magkita maghihintay pa rin"
hindi na nya nakuhang matapos ang text niya sayo,
kasi nabundol na siya ng truck.. sa pagmamadali..
para maabutan ka. sorry kung ngaun mo lang nalaman,
ang papa mo kasi ayaw ipaalam sayo kasi baka daw makasira sa pag-aaral mo sorry pamangkin..
halos hindi ako makahinga akala ko kinalimutan na niya ako yun pala iniwan na niya ako ng tuluyan . kasalanan ko ba kung bakit siya namatay? OO kasalanan ko nga, sana pala umalis nalang ako ng hindi nagpapaalam.. baka sakaling hanggang ngaun buhay pa si jake..
ngaun matatapos na ako sa college,
daladala ang alaala na yun!
HULING TEXT.
Author - Mets Tomawis
YOU ARE READING
Huling Text
RomanceThis is a story for everyone who have broken heart. but still can't move on. Tagalog Love Story
