Chapter 1: The Arrangement

1.5K 23 4
                                    

Cautionary: Ang kwentong ito ay inaayos pa. It's cringe-y, not edited completely, has a lot of errors, and feels like it's going all over the place, so read at your own risk. 'Wag pong mag-alala, I'm in the process of slowly, heavily editing! Also I like good constructive criticism, just don't be too harsh po 🥺

Date Started: September 19, 2015

Summer | The Arrangement (pt.1)

"Congratulations, Mr. and Mrs. Santiago." Ang mga katagang nagpaguho ng aking mundo. 'Pag kasal ang pinag-uusapan, unang sumasagi sa isip natin ay pagmamahal. Since we were kids, we've read stories about how a man and a woman fell in love, got married, and lived happily ever after. Pero 'yun nga lang, nababasa lang natin, most of them are too good to be true at 'yon ay totoo; they're too good to be true because in real life, most people aren't so lucky and love stories, in reality, aren't as seamless as they are in the books.

I know this for a fact because isa ako sa mga taong sinumpa kung pag-ibig ang pinag-uusapan. Sa murang edad ng bente ay kinasal ako sa isang hampas lupang cassanova na inaanak ng mama ko.

Summer Drie Reyes-Santiago.

Nakakainis, parang may kung anong mapait na likido na gustong ilabas ang sikmura ko. The day I saw someone eat shit, I thought I'd seen it all and nothing could make me want to hurl ever again, but boy was I wrong. Ngayon, sa pangalan ko pa lang, parang masusuka na ako.

"Hoy, Taba! Get your fat ass down here, our parents are going to arrive any minute." Padabog kong binaba ang hawak kong ballpen. Bwiset na lalaki 'to, sabi ko naman sa kaniya na gumagawa pa ako ng assignments eh. Okay pa sana kung sinabi niya lang sa akin ng mahinahon, isagaw ba naman. Nakakahiya sa mga kapitbahay, naku. Ang asawa ko talaga, animal na nga, halimaw pa.

Hays, asshole nga naman, diba? Ano pa ang inexpect ko? Kung naging mabait 'yon bigla, baka akalain kong mawawasak na ang mundo.

"Bababa na, teka lang," sigaw ko mula sa kwarto ko. Bago ako lumabas, nag-ayos muna ako at nagsuklay ng buhok, mahirap na, baka kung ano pa ang isipin ng mga magulang namin. "Hinayupak, 'wag mo nga akong i-hoy, napakawalang-galang talaga," sigaw ko pa sa kaniya sabay hilot ng aking sentido. "At isa pa, tama nang English ha, sa pagkaka-alala ko nasa Pilipinas tayo eh." Hindi naman sa may problema ako sa mga taong nagsasalita ng Ingles, naiirita lang talaga ako sa boses niya.

"Ang ingay mo, Taba. Tumahimik ka nga, nakakadagdag ka sa sakit ng ulo ko eh." Buti nga sa'yo, sana mas sumakit pa.

Sabi ng ibang tao, ang swerte ko daw kasi napakagwapo ng asawa ko. 'Di ko naman mapagkakait sa kaniya na gwapo siya, 'yon nga lang hanggang gwapo lang siya. Hindi na nga mabait, wala pang manners, eh halos lahat ng profanity na meron ay parte ng pang-araw-araw niya na bokabularyo. Kaya kung gwapo ang habol niyo, he's a perfect candidate, pero kung husband material, 'wag niyo na 'tong pansinin, magsisi lang kayo. Sayang lang talaga 'yong mukha niya, kala mo lang maamo, hmph. 'Pag magalit 'yan, naku, ang butas ng ilong niya napakalaki. Mapapasok mo kamay mo.

Mr. Kaiser Austin Santiago, kahit gaano pa kaganda ang mga kayumanggi mong mata, kahit gaano pa ka nakakatakam ang labi mo, kahit gaano pa kasarap isipin na suklayin ang buhok mo gamit ng mga daliri ko, 'di mo ko maloloko. Kahit ilantaran mo sakin 'yang chiseled mong katawan at matitigas mong braso, naku, 'di ako maiin love, promise.

Nang nasa baba na ako, dumiretso ako sa kusina para kunin ang stash ko ng cookies. Nakaka-stress kasi 'tong si Hinayupak, nagutom tuloy ako. Naisip kong manood na lang muna ng TV habang nag-aantay sa kanila dumating. Timing naman, SpongeBob ang lumalabas sa Nickelodeon, it never gets old. Ang mga cartoons kasi ngayon parang 'di ko natitipuhan, mas maganda talaga 'yung mga luma, gaya ng Chalk Zone, Cat Dog, at Danny Phantom; crush ko talaga si Danny, ang lakas kasi ng appeal niya. Oo, mas gwapo siya kaysa kay Kaiser!

Lumipas ang ilang minuto at wala pa ring dumadating, pati ang magaling kong asawa nawala din. Nagulat na lang ako nang nakita ko siya nakatayo sa 'di kalayuan.

Ba't bihis na bihis ang hayop na 'to? Naka-ripped jeans na kasi siya at white t-shirt sa loob ng nakabukas niyang denim jacket, may kwintas pa ha. "Saan ka pupunta?"

"How cute, is my dear wife concerned?" Tanong niya habang nakangisi.

"Eh, 'di ka kasi pwedeng umalis, dadating mga magulang natin kaya dapat dito ka lang."

"That's what you're here for, remember? Ikaw mag-antay diyan kasi pupunta ako sa bar kasama ng mga kaibigan ko," sagot niya sabay kuha ng susi ng sasakyan sa lamesa. Aba napaka-ano ng lalaking 'to ha, sarap upakan eh. "Galingan mo umarte ha, dapat convincing talaga." Bigla niya namang linagay ang daliri niya sa baba at marahang kinamot ito, "Kung sa bagay, 'di mo naman kailangang umarte. Alam ko naman na patay na patay ka na sakin eh." At nag-smirk pa sa siya!

"Excuse me, Mr. Santiago. Hindi ako patay na patay sa'yo, pero talagang mamamatay ako sa high blood at kulang sa tulog, ang ingay niyo kasi ng haliparot mo. Patay na patay, ako? More like papatayin ka habang nakiki-jugjugan ka sa babae mo," sabi ko sabay turo-turo sa dibdib niya.

"What are you talking about? You know that you're my only woman. Your accusations wound me, Mrs. Santiago," Banat niya at umakbay pa sakin, nararamdaman ko na ang pag-init ng mukha ko sa galit.

"Kaiser, don't get me started. There is an arsenal of names getting updated every week." Alam ko 'yon kasi nilalagay ko sa phone ko, wala kasi akong magawa, sinusubaybayan ko na lang ang love life niya kasi wala ako no'n. Parang drama nga eh, sa Monday may babae siyang dala dito, sa Saturday iexpect mo na ang mga hagulgol dito sa bahay at hinding-hindi mo na makikita ang naturang babae dito muli. Sunday lang siguro mabait 'to. "Last week si Janice—"

"Jessica," he corrects me.

"Janice kaya pangalan niya, ikaw lang ang nagpupumilit ng Jessica. Hinarass mo na nga, bininyagan mo pa."

"Harass? Honey, there is a difference between sex without consent and mutualism in the bedroom. Mind you, they're the ones throwing themselves at me, I'm just giving them what they want." He shrugged, ang yabang nito, nakakainis.

"Blah blah blah, basta hindi ka pwedeng lumabas kung ayaw mong isumbong kita." We've been together for 3 months at madami na akong nakita dito —at narinig, masusuka na talaga ako. Sa panahong magkasama kami sa iisang bubong, mas nakilala ko siya at ang budhi niyang maitim ay talaga namang may ikina-itim pa. Pero seryosong usapan, isa pang comment ng mga babae tungkol sa ari niya, mababaliw na talaga ako.

'Yong last month, kumausap sakin at ininform pa ako na malaki daw at napakaganda. Napakaganda? Who even says that? Saang bato ba ako nakatira na hindi ko alam na normal lang pala ang magsabi ng 'he has a good-looking penis.'

Bago pa ako mag-isip ng mas malalim tungkol sa alaga ng asawa ko, narinig ko ang pagbukas ng gate. I shot Kaiser a look and nodded.

It's showtime.

Note: Ang hirap talaga mag-Tagalog, guys. Hindi ako sure kung tama ba ang paggamit ko ng ibang salita o tama ba ang grammar. Nalilito pa ako sa "nang" at "ng" at "din" at "rin," nakakahilo. Napagdesisyunan ko kasi na iedit 'to kasi ang cute ng story at gusto ko talaga ang plot pero ang baby ko din magsulat noon kaya edit edit din 'pag may time.

Married to an Asshole ☑️Where stories live. Discover now