Sa kaharian ng Chumangga, may isang babaeng pandak, medyo chubby, morena at may bangs na nakatira. Siya ay si Dora.
"~Chichichirichichidora! Chichichirichichidora! Dora, Dora, Dora the explorer! Hey!~" kanta ko habang sumasayaw sa may hill sa aming bayan.
"Hoy Dora! Wag kang masyadong magulo!" sigaw ni Boots
"Hoy! Pwede ba unggoy ka kaya wala kang karapatang pagsabihan ako! Tsaka tandaan ko sidekick lang kita kaya wag mo akong sigawan!" Sigaw ko pabalik habang inaayos ang bangs kong nastress dahil sa sigaw nya.
"Grabe ka naman. Akala ko ba bff mo ako? Tsaka parang sinabi ko lang naman sayo na wag kang masyadong maingay. Ang sakit mong magsalita. You ouch me" sabi nya habang hinihimas-himas pa nya ang buntot nya.
"Whatever Bootsie. You're stressing my bangs!"
"DOOOOOOOOORRRRRRAAAAAA!!!!!!!!" sigaw ni Lola Nidora mula sa ilalim ng hill. Ayyy grabe ang lakas ng boses ni lola. Ano na naman kaya ang kailangan nya?
"Hey Backpack! May gamit kaba dyan na makapagpapadali sa pagbaba ko dito sa hill?"
"~Backpack, backpack! Backpack, backpack! I'm the backpack loaded up with things and knickknacks too. Anything that you might need I got inside for you! Backpack, backpack! Backpack, backpack! Yeah!" kanta ni Backpack
"Tapos kana ba? Ang haba nung kanta mo ha"
"Pasensya naman. Bayad kasi yung kanta kaya kailangan kong tapusin. Ano nga kasi yung kailangan mo?"
"Oh my gosh you are so matanda na. Ang bilis mong makalimot. Sabi ko mayron kabang gamit dyan na magagamit para makababa dito sa hill"
"Ah oo! Meron ako! Tadah! Ito ang skateboard mo oh! Kunin mo na. Alam mo namang wala akong kamay kaya diko maiaabot sayo"
"Wala ka bang helmet dyan? Baka kasi magulo ang bangs ko eh" sabi ko habang inaayos ang bangs ko. I really love my bangs!
"Ano ba Dora wag kanang maarte dyan! Pusanin mo nalang ako tapos hahawakan ko nalang yung bangs mo para di magulo." Ani Boots
"Hmmmmm sige na nga. Kanina pa naghinintay si Lola sa baba. Sisigawan na naman ako nun"
"WIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEHHHHHHHHHHH" sigaw namin habang pababa kami aa hills.
"Oy tsonggo nagulo ba yung bangs ko?" Tanong ko nung nakababa na kami
"Wag kang mag-alala negra nahawakan ko ng mabuti ang bangs mo kaya di nagulo"
"Dora! Dora! Dora!" salubong ni Lola Nidora sakin habang namamaypay. Teka, nasan si Yaya Dub?
"Bakit ngayon kalang?! Kanina pa kita tinatawag!" Sigaw ni lola. Ayyy grabe ang oa nya
"Eh kasi po ang tagal po nung kanta ni backpack eh! Ano po ba ang kailangan nyo? Bat di nalang si Yaya Dub ang utusan nyo?"
"Yung na nga ang problema ko. Nawawala si Yaya Dub!" Iyak ni lola
"HUH?!" Sigaw namin ni Boots
"Kaninang umaga paggising ko wala na sya. Lumayas siguro ang bata huhuhu"
"Eh bat naman po sya lalayas lola?" Tanong ni Boots
"Eh kasi nahulo kong nakikipagSkype kay Alden. Ayon kinuha ko yung ipad nya at pinagsabihan sya. Sinabi ko rin sakanyang hindi na sya magkakaroon pa ng komunikasyon kay Alden kahit kailan at hindi na dadating yung tamang panahon"
"Eh kasalanan mo naman po pala eh. So anong kinalaman ko dito at tinawag nyo ako?"
"Gusto kong hanapin mo si Yaya Dub"
"What?! Ayoko nga! Bat di nalang sa mga Rogelio, Rogelio, Rogelio mo?"
"Huwaw! Sa tingin mo mahahanap ng mga Rogelio, Rogelio, Rogelio ko si Yaya Dub? Eh mga palpak ang mga yan eh! Tsaka di nila mahahanap ng maayos si Yaya Dub kasi nakashades sila."
"Eh mga walang silbi naman pala ang Rogelio to the third power na yan eh!"
"Sige na Dora. Ikaw nalang ang pag-asa ko. Kung gusto mo magpatulong ka diyan sa kaibigan mong maputing unggoy."
"Maglola nga kayo. Sige po lola game ako dyan! Its adventure time!" Sabi ni Boots with matching punch in the air
"Oyyy Boots ibang palabas yan. Hmmmm.... Lola anong kapalit naman nitong paghahanap namin kay Yaya Dub?"
"Para sayo maputing unggoy, bibigyan kita ng 1 year supply ng saging. Ayos naba sayo yon?"
"Ayos na ayos po lola! Ngawiwigle-wiggle na nga po ang buntot ko sa sobrang saya!"
"At para naman sayo Dora, ako ang magbabayad sa Salon fees mo ng isang taon."
"Orayt! O ano Boots?! Are you ready? Lezzgooooo!"
"Wag kang masyong excited Dora. Ni hindi mo pa nga alam kung saan hahanapin si Yaya." ano ba yang boses ni lola bat namamalat
"Ayyy oo mga no. Saan nga ba kami maghahanap?"
"Heto. Iniwan ito ni Yaya Dub sa kanyang kama" iniabot ni lola sa akin ang isang papel
Dear Lola,
Pasensya na po at umalis ako. Nasasaktan na po kasi talaga ako sa mga ginagawa nyo. Alam ko pong ginagawa nyo lamang ito para sa amin ni Alden. Pero sa tingin ko po ay sumosobra na po kayo sa pagkontrol sa aking buhay. Pansamantala po muna ako tutuloy sa bahay ng aming no. 1 fan ni Alden. Babalik po ako pag wala na po akong hinanakit sainyo.
P.S. Wag po kayong mag-alala hindi po kami magkikita ni Alden.
Yaya Dub,
"Sino ba yang no. 1 fan ni Yaya Dub ha?" Tanong ni lola
"Si Princess Sarah! Siya ang no. 1 fan ng AlDub!" Sabi ni Boots
"At pano mo naman nalaman na si Princess Sarah yon ha?"
"Eh siya yung leader ng fansclub namin eh! Yung AlDubNation."
"Ayyyy teh fan ka pala ng AlDub?"
"Oo naman no! Sa AlDub lang may forever!" Sabi ni Boots habang kinikilig. Tsss. Unggoy na nga bakla pa
"Tseh! Manahimik ka nga maputing baklang unggoy! Hala sige humayo na kayo sa kaharian ni Princess Sarah at ng maibalik na dito si Yaya Dub"
"Sige po lola! Babye!" Sabay naming sabi ni Boots at umalis na
