Part2 °° Kaisler

16 0 0
                                        

>> Bree's POV<<






DALAWANG ARAW. Dalawang araw na kong hindi pumapasok  at hindi lumalabas ng kwarto ko. Sinabi ko nalang sa magulang ko na may sakit ako kaya pinayagan nila akong umabsent at nagpadala narin sila sa school ng excuse letter. 





Hindi ko na alam kung paano ako makakabangon sa sakit na nararamdaman ko. Namamaga nadin ang mga mata ko dahil sa kakaiyak. HIndi ko rin magawang kumain dahil wala akong gana.



Hindi ko padin kasi talaga matanggap na wala na kami ni Trey at mas lalong hindi ko matanggap na ipinagpalit niya ko sa kaibigan kong si Kelley. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko man lang nahalatang may namamagitan na pala sakanila dalawa. Napakatanga ko --- NAGPAKATANGA AKO. 



Kahit na napapansin kong nagiging masyadong malapit silang dalawa ay binalewala ko yun dahil akala ko mag kaibigan lang sila. At dahil narin sa kaibigan ko si Kelley kaya hindi ako nag isip ng kung anong malisya sakanilang dalawa. Kahit na nakikita kong inaakbayan siya minsan ni Trey, kahit na sumasandal siya minsan sa balikat ni Trey, kahit na nahuli kong hinalikan ni Trey si Kelley sa pisngi nung birthday nito, at kahit na napansin kong madalas silang mag katext ay hindi ako nag isip ng kung ano.  



HAAAAA! Ang tanga tanga ko pala talaga. Nasasaktan ako sa tuwing naiisip ko yun. Niloko ako ng dalawang taong mahal ko. Nauto ako ng dalawang taong akala ko mapag kakatiwalaan ko. Parang gusto ko nalang mag laho bigla. Parang gusto ko nalang na lamunin ako ng lupa dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon. 







"Wala ka ba talagang balak sabihin kay kuya kung anong problema mo?" 







Halos mapatalon ako sa kama ko ng biglang may mag salita. Lumingon ako sa likuran ko at nakita ko si Kuya Braile na nakatingin sakin at kita ko sa mukha niya ang pag aalala. Agad akong umiwas ng tingin dahil baka makita niya ang namamaga kong mga mata. 







"Mukha ka ng Intsik gawa ng mata mo." 







Uh---oh. Wala na kong dapat itago. Napansin na ni Kuya ang namamaga kong mata. --_______--





"P--pano ka nakapasok sa kwarto ko kuya?" Tanong ko kay kuya. Naramdaman ko naman ang pag upo niya sa kama ko. "Minagic ko." 





Humarap ako kay kuya sabay hampas sa braso niya. "Korni mo kuya. Nakakainis." 





"Haha. Kita mo! Napatawa din kita." PInisil ni kuya ang pisngi ko. HInampas ko naman ang kamay niya. "Kuya naman eh! Hilig mamisil ng pisngi." Naka pout na sabi ko. 





"Pumunta nga pala dito si Trey kagabi ." 



 

Agad na nanlaki ang mata ko sa sinabi ni kuya. Pumunta si Trey dito kagabi? Makikipag balikan na ba siya? Narealize niya kaya na ako talaga ang mahal niya? Jusq! Heto na naman ako. Parang may kung anong pumitik sa puso ko at nag haharumantado na naman ito. Parang bigla akong nabuhayan ng loob.





"Kasama niya yung kaibigan mong si Kelley." 





At dahil sa sinabi ni Kuya. Napalitan na naman ng sakit ang puso ko. Akala ko naman makikipag balikan na siya. Pero mukhang hindi na talaga. Malabo na. Mukhang ipapamukha pa niya na si Kelley na ang mahal niya. SHIT! At may lakas na loob pa talaga silang pumunta dito kagabi. 





Napakagat ako sa lower lip ko dahil ramdam ko na may gustong tumulong luha sa mga mata ko. Tumayo ako sa kama ko at nag kunwaring may inaayos sa cabinet ko. Ramdam ko ang pangangatal ng mga kamay ko. Lalo lang ako nakaramdam ng sakit sa sinabi ni Kuya. 







"A-ano d-daw kailangan nila?i Anong sabi nila?" medyo utal pa na sabi ko. Walang alam si Kuya sa nangyari samin at ayaw ko din naman na malaman niya dahil alam kong susugurin niya si Trey. Ayoko namang mabugbog si Trey ng sarili kong kapatid. 







"Gusto ka daw nilang makausap ehh. Pero natutulog ka kaya hindi na kita ginising pa. Sabi ko nalang sakanila na nagpapahinga ka kasi mataas lagnat mo." 







Napabuntong hininga ako. Bakit kailangan pa nila kong makausap? Para iparamdam pa lalo sakin yung sakit? Para ipamukha sakin na masaya sila sa isa't-isa? SHEEEET! Hindi na napigilan ng luha kong pumatak. Ang SAKIT. Lalong naninikip ang dibdib ko. 







"H-huy! Naiyak ka ba bunso?" Nag aalalang tanong ni Kuya. Hinarap niya ko sakanya at hindi ko na napigilan ang sarili kong mapaiyak. Niyapos ako ni Kuya na mas lalong nag paiyak sakin. 







"K---kuya *hik*. Ang *hik* sakit. *hik* Ang sakit sakit." 







"Ano bang nangyari? Bakit? Bakit ka naiyak?" 







"W--wala na kami ni T---r *hik* Trey kuya. Pinagpalit niya ko kay Kelley. W---wala akong kaalam alam na may namamagitan *hik* na pala sakanila. Last *hik* month pa." Humahagulgol na sabi ko kay Kuya Braile. Wala na. Hindi ko na napigilang sabihin kay kuya dahil kapag nilihim ko pa 'to. Baka sumabog na ko. 







"Shit!" Sigaw ni kuya. Nakita ko ang pag tikom ng kamao ni Kuya. Humawalay siya sa pag kakayapos sakin. Umupo siya sa kama ko at napasuntok siya kama ko. "Bakit hindi mo agad sinabi sakin? Kaya ka ba umaabsent? Puta! Edi sana'y nabasag ko na ang pag mumukha nung hayop na Trey na yun! Lakas din ng bungo niyang pumunta dito!" 







Nakita ko ang galit na galit na itsura ni Kuya. Marahan kong pinunasan ang luha ko at lumapit ako kay Kuya. Nakakatakot ang aura niya ngayon. Nag sisi tuloy ako dahil sinabi ko pa yung tungkol samin ni Trey. 







Sakto namang tumunog ang phone ko kaya agad ko itong kinuha sa drawer. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 27, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Taking A RiskWhere stories live. Discover now