CHAPTER 14: Lalakeng naka-ngiti

320 9 0
                                        

Nasa morning shift na ulit ako, ilang buwan din na nanatili ako sa graveyard shift pero ayos lang naman sakin dahil mas pabor pa nga ako doon. Para bang malaya ako kung ano'ng nais kong gawin sa loob ng production dahil wala ang mga boss, kakaunti lang kami at napapakinggan ko ang mga real life story sa fm radio ng palihim habang nagwo-work ako. Nagtataka nga ako dahil ako lang sa line namin ang nakikinig ng music ng palihim kahit pumayag naman ang aming line leader basta't mag-ingat lang. Halos alam na ng mga katabi ko ang ginagawa ko pagsasapit na ang 1 am, ang kunin ang cellphone at makinig ng music at  sila naman ay nakikipaglaban sa antok sa bawat gabing pagtatrabaho, parang pasaway tuloy akong empleyado o siguro hindi lang nila type mag-music.

Break time na namin, ang daming tao sa hallway, sa canteen at sa cr...ayoko talaga ng morning shift dahil ang daming tao at naiingayan ako. Nakita ko na lumabas ang mga kasama ko pupunta siguro sila doon sa parking lot ng mall kung saan pwedeng pagtambayan at may mini convenience store pa. Isa yun sa paborito kong lugar dahil mahangin, tahimik at kitang-kita mo ang Laguna bay.

Habang papunta na kami doon, may kasabay kaming isang lalake na naka-suot na puting t-shirt. May hitsura sya at mukhang college student. Nagku-kwentuhan ang dalawa kong kasama at nagse-cellphone naman ang isa habang ako ay nakatitig naman sa lalaking naglalakad papunta sa direksyon na aming pupuntahan. Biglang tumibok ang puso ko nang makita ko ang lalalaking yun dahil... type ko sya hehe.

Nang makapunta na kami doon ay umupo muna ako sa pulang bench ng mall habang ang iba kong mga kasama ay dumiretso sa convenience store, marahil doon na lang sila bibili ng pagkain dahil nakakasawa na ang mga pagkain sa aming canteen na palaging recycled. Kasama ko ang isa kong katrabaho na busy naman sa paglalaro ng cellphone, hindi ko alam ang nilalaro nya pero malamang adik na adik sya doon. Habang nakaupo kaming dalawa sa bench ay tumitingin ako sa langit, wala pa rin pagbabago, maganda pa rin at hindi nakakasawang pagmasdan.

"Ay shit!"

Nagulat at napalingon ako sa aking katabi, nakita ko nagkakamot sya ng ulo, baliw na baliw na sa kanyang nilalaro at hindi ko na lang pinansin. Lumingon ako sa direksyon kung nasaan ang convenience store at nandoon pa rin ang mga katrabaho ko mukhang hindi pa nakakabili ng pagkain nila. Bigla na lang akong nainis dahil ang bagal nila, paano kung ma-over break kami eh damay pa ako.

Hindi kalayuan sa aming puwesto ay natanaw ko na naman ang lalaking naka suot ng puti. Naroon sya sa terrace ng mall at nagmamasid, nakatayo lang sya mag-isa doon. Tahimik na nagmamasid ang lalaking yun sa lugar na iyon samantalang ang iingay naman ng mga nakatambay na lasing malapit sa convenience store. Sa lakas ng hangin sa rooftop ay halos pumunta na samin ang usok na galing sa mga taong naninigarilyo doon. May mga empleyado rin sa aming company na nagsisigarilyo tuwing break time, minsan mga katrabaho ko at mga line leader, pang-bawas siguro ng stress nila.

Naalala ko tuloy ang lalaking nakaputi at ibinalik kong muli ang aking paningin sa kanya subalit nang lumingon ako sa kanyang direksyon nakita ko na nakatayo na sya doon sa may harang (yung harang para hindi ka mahulog). Nanlaki ang aking mga mata sa oras na yun at kinabahan dahil mukhang magpapakamatay ang lalaking yun. Tumingin ako sa aking katabi pero busy sya sa paglalaro sa cellphone, tumingin rin ako sa mga katrabaho kong nasa convenience store pero busy sila sa pagbabayad sa cashier, tumingin rin ako sa mga iba kong katrabaho pero busy sila sa paninigarilyo at nagkukwentuhan at tumingin ako sa mga nakatambay na lasing pero busy rin sila sa pagiinom ng alak. Lahat ay busy, hindi ba nila napapansin ang lalaking iyun?

Hindi kalayuan sakin ay tumingin ako sa isang security guard na parang pinagmamasdan nya ang langit. Relax na relax.

"Hindi nya ba pipigilan yung lalake?"

"Magpapakamatay si kuya?!"

Tumayo na ako agad agad at naglakad ng mabilis patungo sa direksyon ng lalaking nakaputi subalit bigla na lang akong napahinto, biglang nanigas ang aking mga paa at hindi ko maigalaw pero ang aking mga mata ay nakatitig sa lalaking yun.

Lumingon sya saken at ngumiti, kahit nakangiti sya kitang-kita sa kanyang mga mata na may pinagdadaanan syang mabigat. 

"Hindi kaya. . . . ." bulong ko sa aking isipan.

Sa mga sandaling yun, tumalon ang lalaking nakaputi. . . lumaki ang aking mga mata sa aking nakita parang pelikula lang ang lahat. Nang kaya ko ng igalaw ang aking mga paa ay dali-dali akong sumilip sa terrace ng mall para tignan ang lalaking tumalon...subalit wala akong nakita, kahit katawan man lang nya. Napagtanto ko na, ang lalaking yun ay isa pa lang kaluluwa na hindi pa rin matahimik. 




The Haunted Mall (true story)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin