Malamig na naman ang panahon. Isang patunay na maaaring umiyak ang mga ulap sa himpapawid. Nakakalungkot. Nakaka-kaba. Nakakaiyak. Naaalala ko noon, ay masaya ako, kasama ang sinisinta ko. Pero bakit ganito? Ano ang ginawa ko?
Nagising ako sa isang malakas na kalabog sa aming yero. "Ano ang nangyayari?" ang tanong ko sa aking sarili. Napatingin ako sa aming bintana na sobrang labo at walang pag-asa makita ang labas. Ang mga malalaking patak ng ulan ang nagiging sanhi nito. Carlos. Dalawang mala kristal na tubig ang nag-unahang bumaba sa aking mga mata papunta sa lapag. Ipinikit ko ang aking mga mata at pinigil ang pag-iyak. Ngunit hindi, hindi ko kaya. Bakit ganito ang trato saakin ng langit? Ako'y parang isang anghel na itinaboy dahil sa aking naging asal. Isa akong hangin, na hindi alam kung saan tutungo. Hindi man nakikita, ngunit maraming nangangailangan.
Unti-unting bumalik sa aking isipang ang mga masalimuot na trahedya. Sa una'y masaya kami sa barkong sinasakyan naming. Kasama ko ditto ang mahal kong si Carlos. Naglalaro kami ng baraha sa may gitnang lamesa sa restawran sa barko. Maraming tao ang abala sa pakikipag-usap na tila parang bang mga bubuyog na hindi matapos-tapos ang ingay. Hinawakan niya ang aking kamay. Hinalikan at hindi binaba. Makikita sa kanyang mga mata'y malungkot ito at may gusting iparating.
"Mahal kita," anya ni Carlos. "Anuman ang mangyari, ikaw parin ang laman ng puso ko."
"Nakakainis ka!" Sumbat ko na may halong ngiti sa labi. "Tara na't pumunta sa ating kwarto."
Balak ko ng umalis sa aking kinauupuan nang bigla niya akong pigilan. "Huwag, tayo'y maglakad-lakad muna." Hindi ko makitang masaya siya. Seryoso kumbaga. Sumang-ayon ako. Hinawakan niya ang kamay ko at lumakad palabas.
Napakalamig. Ganit pala nag piling kapag nasa barko. Malapit na kaya kami sa Leyte? Naupo kami sa isang mahabang kahoy na upuan malapit sa restawran. Ipinatong niya ang kanyang kamay sa aking mga balikat atsaka inihiga ang ulo. Nag-usap kami tungkol sa aming karera pagkatapos ng kolehiyo. Gusto niyang maging inhinyero, ako'y maging isang awtor. Nagtawanan kami, nagkulitan at nagkainisan ng sandal. Nakangiti na ang kanyang labi. Kumikinang ang dalawang mata hapang nakatingin saakin. Ilang sandal pa'y parang ako'y nasa labas ng mundo dahil sa masarap na paghalik niya sa aking labi.
"Walang makapag-hihiwalay satin." Ang sabay naming sabi.
Isang malakas na kulong ang narinig naming habang papasok na sa aaming tulugan. Namutla ang aking mga labi at humawak sa kanyang braso para sa alalay. Ilang oras ang lumipas, siya'y nakatulog na at ako'y iniisip ang mga susunod pa naming plano pagdating sa bahay nila sa Leyte.
Maya't-maya biglang umuga ang barko. Napabalikwas kami sa aming higaan. Maraming sigaw ang naririnig sa kabilang kwarto. Kumaripas kami ng takbo palabas, papusa sa ligtas na lugar. Malakas ang bagsak ng ulang, kumukulog, kumikidlat at parang may kung ano ang namumuo sa aming patutunguhan. Lumalaki ang alon sa dagat. Pumunta kami sa may daungan, marami ang kumukuha ng mga bangka at binabagsak sa tubig. Pinipilit tumbahin ng alon ang aming sinasakyan. Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Carlost at nakipag-unahan upang makaligtas kami. Sa hindi inaasahang pangyayari, ay napabitaw ako.
"Carlos! Hawakan mo ang kamay ko!" pilit kong inaabot ito sakanya ngunit hindi niya marinig dahil sa mga sigawan ng mga taong takot-na-takot. Dumagdag pa ang pag-alerto ng kapitan na sobrang lakas ng wang-wang.
Nakalapag siya sa bangkang sinasakyan ko din. Nagyakap kami. Hindi naming nakita, may isang malaking alon ang paparating at patama saamin. Dahil sa malakas na ulan marami ang nahulog sa dagat. Marami na din ang napisang mga katawan.
Tumingin ako sa kanyang mga mata na puno nang luha. Itinulak niya ako sa malapit na hagdan paakyat sa barko.
"Carlos! Carlos! Hindi! Hindi!" ayan nalang nag aking nasabi at tuluyan na siyang inalon palayo saakin.
"Ikamusta mo nalang ako kay Mama at Papa. Pasabi na mahal ko sila! Mahal na mahal din kita, Max!" ayan ang mga katagang napakinggan ko na ni-rekord niya sa kanyang cellphone ilang oras ang nakalipas baka mangyari ang trahedya. Tuluyan akong umiyak at biglang nangitim ang paningin.
Nagising ako sa isang malakas na kalabog sa aming yero. Biglang napatingin sa bintana na puno ng patak ng ulan. Nakakalungkot. Umalis ako sa aking higaan at nang pagkalabas ko sa aking kwarto, ay isang pamilyar na mukha ang aking nakita. Singkit. Matangos ang ilong. Carlos! Akma ko na siyang yayakapin nang nagdilim ulit ang aking paningin.
Bigla akong nagising sa isang silid na maraming tao. Nasa eskwelahan ako? Tumingin ako sa paligid, "Hindi totoo ang lahat, gawa lamang ito ng aking imahinasyon." Ang sabi ko sa sarili ko. Nakita ko si Carlos, ngumiti ito ngunit hindi saakin, sa aking kaibigang si Isabel, na katabi ko. Walang kami. Masakit isipin ang pagbabalik sa realidad. Kung saan, ay pwedeng mangyari ang hindi mo iniisip.
Ako'y napaiyak na lamang dahil sa makatotoohanang panaginip.
Pahabol na sulat ng may-akda: Ginamit ng lalaki ang kapangyarihan niya upang mabalik ang oras at maging isang panaginip lang ang lahat para kay Max. Totoong hindi namatay si Carlos, pero totoong nangyari ang trahedya sa barko. Ngunit, tinanggal niya sa isip ni Max na sila'y magkasintahan.
Ito pong kuwentong ito ay proyekto namin sa Filipino.
YOU ARE READING
RELO (Koleksyon ng Maikling Kwento at Tula)
RandomMagbasa at magbasa ulit. Bakit Relo? Ito lamang ay aking inisip sapagkat may pagitan na araw o oras sa paglalagay ko nang mga kwento at mga tula sa aking account.
