Minulat ng dalaga ang kanyang mga mata, naalimpungatan ito mula sa pagkakatulog.
Tumayo agad ito at tinignan ang orasan, matapos nyang tignan ang orasan ay dumiretso na sya sa kusina, Kahit papaano ay unti unti nang nakakabisado ng dalaga ang bawat sulok at pasikot sikot ng mansion.
Ala singko na ng umaga ng mga oras na iyon, kumuha na ng gagamitin nyang kasangkapan para sa lulutuin nyang adobo.
Saktong 7:00am natapos ang dalaga sa pag luluto ng adobo, pagkatapos nyang ihanda ang adobo ay nilagay nya na ito sa lamesa,
Maya maya ay bumaba na ang mag asawa sumunod ang tatlong magkakapatid.
Nang makita ni scarlet na may adobo sa lamesa ay agad syang bumaba nauna pa sa kanyang asawa at mga anak.
"Ihaaa ikaw ba ang nagluto nito?"
Tumango ang dalaga at ngumiti.
"Opo, si mama po kasi palagi akong nanonood sa kanya kapag nagluluto sya, kaya siguro ay dun ako natuto."
Tumango lang si scarlet at pumunta na sa upuan nito, pati nadin ang iba.
Habang si quin naman ay nakatingin may scarlet natatakot syang baka di nito magustugan ang kanyang luto.
Tinikman na ni scarlet ang adobo,
Halos sumabog ang kaba sa diddib ng dalaga, Ilang minuto syang natulala at nagulat sya ng sumigaw si Scarlet.
"Ang saraaaaap, Honey tikman mo."
Sabi pa nito sabay subo sa kanyang asawa nag thumbs up naman ang asawa ni scarlet, Tumango lang lang ang dalag at ngumiti.
Kahapon pa napagusapan ang trabaho ng dalaga kagaya ng ibang maid, yun ding ang trabaho nya, 50 Thousand ang sahod nya buwan buwan.
Nilantakan na nga ng buong pamilya monteverde ang ginawa ng dalaga, nakita nyang masaya ang pamilya ng mga ito bigla tuloy nyang namiss ang kanyang ina at ang kanyang kapatid.
Naramdaman nyang may tumapik sa braso nya si aling mercy,
ngumti lang ang dalaga at niyakap ang matanda para kahit papaano ay maibsan ang kanyang kalungkutang nadarama.
---
Nasa kwarto ang dalaga ng mga oras na iyon, alas kwatro trenta sais na ng hapon.
Nakatingin lang sya sa kisame at malalim ang iniisip.
Nagulat sya ng biglang may kumatok sa kanyang kwarto,
"Sino po sila?"
Nagulat ang dalaga may narinig syang maliit na boses.
"Awo po. Awo po"
Dahan dahang binuksan ng dalaga ang pintuan at handa na sana syang sapakin ang nasa harapan nya ng mapagtanto nyang si Xavier pala iyon at kasama si Joseph,
"What are you doing? Are you going to punch me Huh?"
Tanong ng binata sa dalaga.
Umiwas naman ng tingin ang dalaga at inayos ang sarili,
"Ano po bang kelangan nyo sir?"
Napangisi si Xavier at sumagot.
"Mom and dad is calling you."
Sabi ng binata sa dalaga habang walang reaksiyong ang muka nito.
"Osge sir pupunta na ako, salamat sir."
Agad namang umalis na ang dalaga at pumunta na sya ng office ng bigla nyang ma alala.na di nya alam ang office ng mga ito dito sa mansion,
Bumalik sya sa kwarto nya kanina at naabutan nya pa ang dalawang magkuya na paalis na,
"Sir, Xavier saglit po."
Lumingon ang binata at nagsalita.
"Don't you ever call me "Xaiver" because were not close just call me SIR!"
"O-okay sir. Pasensya na"
Dispensa ng dalaga, Tinanong ng binata kung bakit sya hinahanap nito, sinabi naman ng dalaga ang dahilan nya.
"Di ko po kasi alam ang office ni mam.scarlet dito e."
Nakayukong sabi ng dalaga habang nilalaro ang kanyang mga kamay, na akala mo ay pinapagalitan sya ng kanyang tatay.
Magsasalita na sana ang binata ng biglang tumakbo ang batang si joseph kay quin at hinawakan ang kamay nito.
"Ate? Shamahan po kita sha opish lila mameh at dadi."
Tumango ang dalaga at ngumiti.
"Osge baby joseph."
Naglakad na palayo ang dalaga kasama ang batang si joseph, habang ang binata naman ay naiwang magisang makatayo sa harapan ng kwarto ng dalaga.
Umiling iling ito, "siguro ay may gusto sakin to kaya nag papansin"Sigaw ng utak ng binata, lumakad na ito at pumasok sa kwarto nito at nag aral na.
---
Pagpasok ng dalaga sa office ng amo ng dalaga ay humingi ito ng dispensa dahil nalate sya ng ilang oras,
"Pasenya na po kayo at late ako, di ko po kasi alam yung office nyong to, tinuro lang po sakin ni joseph ang daan."
Napatango lang si scarlet at ngumiti.
"May pag uusapan tayo iha maupo ka."
umupo ang dalaga sa upuan na nakaharap sa mag asawa.
Nagsalita naman agad si scarlet
"Napagdesisyunan namin na pag aralin ka. Iha"
Biglang tumulo ang mga luha ng dalaga at niyakap si scarlet.
"Salamat po, salamat po, salamat po talaga."
Tinapik lang ni scarlet ang dalaga,
nagsalita ulet si scarlet,
"At Iha hindi ka na din magiging yaya dito,"
Napabitaw ang dalaga mula sa pagkakayakap kay scarlet at umupo, habang nakayuko.
"tatangalin nyo pa ako?"
Ngumiti ang dalaga at hinawakan ang kamay ng dalagang si quin, at ngumiti.
"hindi naman iha,"
Nagliwanag ang muka ng dalaga.
"TALAGA PO?"
Tumango naman si scarlet at tumango.
Biglang nagsalita ulet si scarlet
"pero sa isang kondisyon"
Kinabahan ang dalaga,
"A-ano po?'
"Magiging personal maid ka ng anak ko, simple lang naman ang trabaho mo iha. babantayan mo lang naman anak ko. wag mo syang hahayaang lumiban sa kanyang klase at WAG mo syang hahayaang hindi nya gawin ang kanyang assignments"
Natulala ang dalaga, masama ang pakiramdam nya bagay na pinapagawa sa kanya. pakiramdam nya kasi ay ayaw sakanya ng binata.
"please?"
Habol ni scarlet.
Tumango ang dalaga at ngumiti
"Sige po gagawin ko"
YOU ARE READING
His personal maid (On-Going)
RomanceP R O L O U G E Aliyah Quin Smith, Galing sya sa mahirap na pamilya kaya kelangan nya pang kumayod at magtrabaho para lang makapag aral sa maayos na eskwelahan, ang nanay nya ay nagtitinda lang sa palengke ng mga gulay at karne, ang kanyang papa na...
