Act 32: Nightmare

63 6 0
                                        

(Juls' POV)

"Gag--Aray, Lola!" Napasigaw ako ng malakas nung sinapak na naman ako sa ulo ni Lola kasi raw, masama pagmura sa harap ni Lolo Shi lang naman.

Pero anong ginagawa ni Gago dito?

"Juls, kilala mo ba siya?" Nahahalata na siguro ni Lolo ang tingin kong pamatay sa gagong naka-akbay na walang malay sa matanda. Kinukusot-kusot ko pa nga ang mga mata ko para makisigurado tsaka pinisil ang sarili, baka kasi part 2 pa 'to ng bangungut ko.

Pero totoo talaga.

Why the hell is he here?

"Parang ganun na nga po." Asawa ko nga eh'. Like ew, as if sasabihin ko yan.

"Kaibigan mo?" Usiserang tanong naman ni Lola.

Kaibigan? LUL. Pasakit sa buhay ko, kamo.

["Aysus. Kaibigan raw eh. KA-IBIG-AN."] Hala. Saan mo naman napulot yan, aber?

"Juls, nakikinig ka ba?" Patay. Ayaw pa naman ni Lola na hindi agad sinasagot ang mga tanong niya. Lalo na kung ikakahiya ito sa sa harap nang minamahal niya.

"Oo naman po. Ikaw pa." Pilit kong tumawa at pagaanin ang sitwasyon pero parang ililibing na ko ng buhay ni Lola mamaya.

"So, he's your friend? Acquaintance?" Ito si Lolo kung maka-English pagulat.

"Hindi naman po sa ganun. Nakita ko lang ang mukha niya sa billboard minsan." Once, actually at ayoko ko ng maalala ang mga detalye sa nangyari noon. Past is past so let us move on.

["Tinatamaan mo ba ang sarili mo?"] Ano bang pinagsasabi mo? Ang weird mo talagang mag-isip. 

"Oo nga nuh? Para kasing artista ang isang 'to." Nakangiting sang-ayon ni Lolo sa akin at pinipigilan ko talaga na hindi tumawa. Artista raw eh. As if naman gwapo. More like, gago.

"Shi! Ano ba kasing nangyari sa isang yan?" Sus. Na out of place lang ng kaunti si Lola sa usapan ay nagpapa-pansin na kay Lolo Shi agad-agad pero I won't judge, love na kasi ang pinag-uusapan. Alam naman nating lahat na lahat ng kasali sa federation ng mga tanga ang mga nagmamahal.

Though I can't help but admit na Lolo Shi has that Richard Gomez kind of look, despite his old age. The tall, dark and handsome kind of guy na kahit ganyang edad na ay nakayanan pa ring paiyakin ang maraming mga babae. Lalo na itong isa sa tabi ko.

"Sorry, I got carried away. I got curious about this man." Lola Mildred tried her best not to roll her eyes at hindi masyadong ipahalata na naiinis siya na ako ang pinapansin ni Lolo at hindi siya. I know her too well.

"Do we need to take him to a medical center?" Kita mo na. Umeenglish na rin si Lola. Para namang concerned talaga siya pero I just kept my mouth shut.

"Wag na. Parang nahimatay lang ata siya dahil sa pagod. He just needs to rest." Para kasi itong qwak qwak doctor si Lolo Shi sa lugar kaya he doesn't do much with the medical science stuff kasi more siya on organic herbs.

"Pwede bang tignan niyo na lang muna siya? May kukunin lang ako sa bahay para sa kanya." Parang nakita kong lumungkot si Lola sa sinabi ni Lolo. Aalis na kasi ito agad at may kukunin pa para sa iba at hindi para sa kanya.

Wala ngang forever.

"Sige. Kami na ang bahala sa kanya." Tumango si Lola at kinuha ang Gago mula kay Lolo tsaka umalis na rin ito. Hindi man lang, at least dinala tong isa sa kwartong papahingahan nito.

Heto tuloy, kami lang ni Lol--

"Julia. Dalhin mo siya sa pinakamalaking kwarto sa taas." Ha? Dalhin? Siya? Tong Gago? Teka, ako lan--

"Bilisan mo na! Ako muna ang magbabantay dito habang ikaw ang tumingin diyan." WHAT?! Ako?! Lola, please. Ako na lang ang gagawa ng lahat, wag mo lang ako palapitin sa kanya, baka maging mamamatay tao ako nito ng di oras.

"Per--"

"Umaangal ka?" Ganun na nga po. Ang sarap sabihin pero alam niyo naman na mataas ang respeto ko sa mga MATATANDA kaya sinunod ko na lang ang utos niya.

.

.

.

"Putang ina ka talaga, gago ka!" Alam ko namang walang tao dito sa second floor. Wala nga ring masyadong tao dito sa inn kaya okay lang kung sumigaw ako ng ganito.

Nakakainis lang kasi ang bigat niya. ANG BIGAT BIGAT NIYA!

Sanay naman akong magdala ng mga mabibigat na mga bagay o tao.

Pero ito na ang PINAKA sa lahat.

Ano bang kinakain nito? 

Eh mas marami pa nga akong kinakain kaysa sa kanya tapos ganito siya kabigat?

Yung mga hagdan pa talaga papunta sa second floor are narrow and a steep staircase which is at the end corner of the floor kaya imagine na lang the struggle.

"Wahh! Sa wakas!"

Alam kong masamang itapon lang siya sa saheg na parang wala lang pero I'm at my limit. Napa-upo pa nga ko sa tabi niya habang hinihingal habang siya ay naka-nga nga pa habang walang malay. Ang sarap picturan ng Gago.

"Uhh.." Huh? Anong problema nito? Bakit nakakunot noo niya? Nagsisimula na nga siyang pagpawisan.

Baka binangungut din? 

*_*_*_*_*

(Ryosuke's POV)

"Ty. Ty. Laro na tayo." I couldn't help myself from smiling as I look at the only girl that I ever recognized as worthy.

"Sure. Anything you want, Princess." I never fail to feel jubilant in her presence.

She was always there for me.

Always.

Always.

Till--

"HOY! GUMISING KA NA NGA DIYAN!"

~~~~~~~~~~~~~~~~~
A/N:
Unexpected update! Hope you like it :)

The Ultimate PretendWhere stories live. Discover now