Seeing him again

20 3 1
                                        

*deep sigh*


Kasalukuyan akong nasa Veranda ng bahay ngayon. Ayokong lumabas. Tinatamad ako tsaka ayokong makakita ng mag-syota ngayon. Lalong-lalo na sila.


Napag-isip isip ko din na sa sobrang ka Bitter-an ko, kahit makarinig lang ako ng love songs sinasabi ko agad na 'Walang Forever' kahit nga makabasa ako ng mga love qoute nasasabi ko agad na 'Walang forever' pag napasyal naman ako sa facebook ko't iba pang sites at nakakita ng picture ng magkasintahan nasasabi ko din ng wala sa oras yung mga katagang yun. Nasanay na talaga ako.


Siguro Forever na akong ganito. Pero, walang Forever ehh. Kaya hindi ako permanenteng ganito. -_-


Nga pala, bukas na rin pala ang pasukan. Grade 10 na ako. Same school lang kami kaya di ko alam kung anong magiging reaksyon ko pag nakita ko ulit siya.


*deep sigh*


Naiiyak na naman ako. Tanginaa!!


Lahat ng pinagsamahan namin nawala ng ganun lang kadali. Ang sakit sakit lang. :( lahat ng ipinaglaban tsaka isinakripisyo namin nawala nalang bigla. Ganun ba talaga yun? Ang sakit. :(


Siya ang first love ko. Everyone thought we're a perfect couple. Kaya siguro ako umasa ng ganito, kasi yung mga tao din sa paligid ko umaasa din na kami talaga. Akala ko noon walang makakapaghiwalay samin. Pero, mali ako. Maling-mali.


"Raven, please? bumalik kana sa akin. Alam mo namang hindi ko kaya diba? Hindi ko kaya ng wala ka. Hubby naman.. please?" mahina kong pagkakasabi. Di lang pala ako Bitter sa storyang to. Isang malaking tanga din pala ako.


Hindi lahat ng bitter tungkol lang sa boyfriend o girlfriend nila. Minsan dahil din sa pamilya. Nung bata ako ideal man ko yung papa ko. Haha gusto ko, yung magiging boyfriend ko katulad na katulad ni papa. Pero nasira lahat ng yun nung iniwan niya kami ni Mama. Sumama siya sa ibang babae. Sirang sira ako nung mga panahong yun. Wala akong ganang mabuhay. Hanggang sa nakilala ko si Raven. Siya yung bumuo ulit sa'kin. Pero..



Siya lang din naman pala ang sisira sa akin ulit.


Parehong pareho sila ng papa ko. Pareho nila akong iniwan. Pero, mahal ko parin sila kahit ganun. Kahit sinaktan nila ako. Kaya lang ayaw na nilang bumalik ehh. Sawa na akong magmakaawa. Magmakaawa na sana balikan nila ako ulit. Umasa ako. Pero wala akong napala.


Kaya naging ganito ako. Ganito ako ka-Bitter. Kinamumuhian ko ang salitang 'love'. Naiinis ako pag naririnig ko yan. Kasi wala namang True love ehh. Lahat ng importante sayo kinukuha. Lahat nialalayuan ka. Napapansin mo ba yun? Na lahat ng mahalaga sayo nawawala. Nakakainis diba? Kaya ayoko nang dagdagan ang mga mahahalagang tao sa buhay ko. Kasi baka mawala sila ulit.


Bukod kay Mama tsaka sa bestfriend ko. Ayoko nang dagdagan ulit ang mga tao sa buhay ko.


Pinahid ko yung luha ko. Ayoko nang umiyak ulit. Ayoko na. Lalaban na ako. Para sa sarili ko. Kasi awang-awa na ko sa sarili ko mismo ehh.


When a Bitter Girl Falls in love againWhere stories live. Discover now