ANDY'S POV:
"Andy??"
"Drew? Bakit andito ka?"
"May pinapakuha sakin ung isang teacher dito. Pabalik na nga ako para ibalik ito nung nakita kitang pumasok dito. Bakit ka ba nakaupo sa sahig tapos naiyak ka pa? Ano ba talagang nangyare?" Naikwento ko kay Drew lahat. Naguguluhan na rin kasi ako. Siguro kailangan ko ng taong makikinig sakin.
"Alam mo tingin ko, nagsorry siya kasi tingin niya may nagawa siyang mali."
"Ano ba kasing mali? Ung nangyare sa clinic? Hindi ba niya nagustuhan?"
"Hindi ganun Andy. He thought that he molested you, enough for you to avoid him."
"That's not true! I think he just showed how much he loves me and I also felt it. I felt his sincerity, his eagerness to monopolize me. I felt his love for me."
"Then I guess you should clear this misunderstanding."
"Drew!! Thanks for the help!" Pagkahug ko kay Drew, may napansin ako.
"Drew, parang ang dami mong dala."
"Hindi naman, nakita ko lang itong attendance kanina kaya dadalhin ko na rin pabalik sa office."
"Iyan ung pinapahanap sakin!!! Buti nalang nakita mo.."
"Tingin ko, mauna ka ng umuwi ngayon. Idadaan nalang namin naiwan mong gamit sa SC office mamaya. Namumula kasi mata mo. Magpahinga ka na muna."
"Thanks Drew! Pero idaan mo agad ha? Kasi naman ung bag ko nasa office pa."
"Sige magliligpit lang kami tapos uuwi na agad kami, okay?"
"Thanks talaga!"
"Ingat ka pauwi ha." Ngumiti lang ako habang paalis na si Drew. Dadaan pa ko sa CR bago umalis. Magaayos muna ko ng mukha. Habang naglalakad ako sa hallway, napansin ko na parang may tubig ang daanan pero huli na ang lahat para sa pagiingat. Nadulas na ako at sobrang sakit ah!!! HANEP NAMAN! Lumiit ata pwet ko sa lakas ng bagsak ko. Medyo nabasa pa nga palda ko. ARGHHH!! Nakakasandal ako sa pader habang naglalakad at kumakapit na rin kapag may nahahawakan ako na pwedeng kapitan. Pero hindi lang un nangyare sakin! Maraming paputok ang halos tumama sakin nung naglalakad ako. Ung iba nabasa ng konti dahil sa basang sahig at ung iba naman naiwasan ko pero syempre nadulas pa rin ako! Unti unti ng nababawasan pasensya ko grabe!!! Ang dami kong paghihirap na dinanas bago nakarating sa CR. Pagdating ko sa CR, nagayos ayos muna ko ng mukha. Baka matakot pa si Sadako sakin sa itsura ko ngayon!!! Aalis na rin sana ako ng CR nung biglang namatay ang ilaw sa CR.
"SHOCKS!! ANO BA NAMAN ITO!!!!" Bumalik din ang ilaw pero nakita ko reflection ni Kate sa salamin.
"Bitch! Ano ba talagang plano mo?! Hindi ka pa ba tapos sa surprises mo?!?!"
"Sorry Bitch! I'm not done yet! I still have a one last surprise for you."
"Ano naman un??"
"Lumapit ka dito para malaman mo."
"Ayoko nga!"
"Then you leave me with no other choice! BOYS!!" Boys?? Andito kami sa CR ng girls?? Baliw na ata siya. Pero mas baliw ako kasi may nakita akong boys na lumalabas sa bawat cubicle ng girls. Two boys ang lumabas sa cubicle, naka mask sila kaya hindi ko makita mukha nila..
"Hoy! Hindi niyo ba alam na ang CR ng boys ay sa kabila??"
"Bitch, iyan ba talaga pinoproblema mo? Hindi ba dapat iba problemahin mo?" Tumakbo ako palabas ng pinto pero pagbukas ko ng pinto, may lalakeng nagaabang din dun at may mask din siya. Hawak niya ko at hindi ako maalis!!
YOU ARE READING
The Stranger Who Called
RomanceAno kayang mangyayare kapag hinabol ng isang popular actor ang isang emotionless robot? Curious lang ba siya? Love at first sight? Si Andrea na isang emotionless robot at si JD ang popular actor na mula nung prinotektahan siya nito ay hindi na siya...
