The day of the party
Pagkatapos akong ayusan ng isang team ng parlorista sa isang sosyal na beauty salon, sinundo ako ni Steed. Reklamo pa nga sya ng reklamo kasi ang tagal ko raw. Siguro raw kasi inatake sa puso yung nag-aayos sa akin kaya dinala muna sa ER tsaka nag-hanap ng substitute. Sinapak ko lang sya, epal eh. At ngayon nga after ng one hour nyang pag-aantay with matching reklamo pumasok na ako sa loob ng sasakyan nya.
"Wow, ang galing naman ng mga taong yun akalain mo nagawa ka nilang pagmukhaing tao...you look beautiful tonight"
Biglang napalingon ako sa kanya, tama ba yung dinig kong sinabihan nya akong maganda? Hindi ba ako nagha-hallucinate lang? Sinabi nya talaga yun diba? Diba? Diba?
"Tha..thank you. Ikaw rin naman"
"Oh so, maganda rin ako?"
"Sira! Ibig kong sabihin eh ikaw rin ang gwapo mo"
He just shrugged. Wait, bakit nag-shrugged lang sya diba dapat ang sinasabi nya ngayon ay "Bwahahaha! Matagal ko ng alam yun!" Dapat ganun diba? Kasi ganun ang personality nya.
katahimikan-katahimikan-katahimikan
Mga five minutes na sigurong walang nag-sasalita sa amin. Ako nakatingin lang sa labas ng bintana sa side ko, samantalang sya naka-concentrate lang syang mag-drive. Bakit ganto? Bakit wala akong maapuhap sabihin sa kanya? Bakit hindi ako nag-sasalita? Bakit hindi nya ako inaasar? Bakit hindi nya ako pinagtritripan? Bakit hindi nya ako sinisigawan? I mean, diba ganun kami palagi nag-aasaran at walang minutong lumilipas na hindi kami nag-uusap. Na hindi kami nag-sasakitan. Na hindi nya ako iniinsulto. Na hindi ko sya sinasapak. Kaya bakit ang tahimik namin ngayon? Hindi ako sanay.
katahimikan-katahimikan-katahimikan
"ARGH!!! MAGBIGAY KA NG TOPIC!!! NOW NA!!!" hindi ko na talaga kinaya ang katahimikan, nabibingi ako. Pag hindi pa kami nag-uusap mababaliw na ako.
"Huh? Aanhin mo naman ang topic?"
"Ah basta! Kelangan nating mag-usap! Nababaliw ako sa muteness ng paligid! Kung bakit ba kasi hindi mo ako inaasar. Teka, na..napapagod ka na bang asarin ako?" alam kong palagi kong hinihiling na sana tigilan na nya pang-aasar, pang-iinsulto at pangtri-trip sa akin pero yung naisip kong napagod na syang asarin ako eh, ikinasakit ng dibdib ko parang..parang..ayaw kong itigil nya. Hindi ko alam kung bakit? Basta ayaw ko syang tumigil. May mga bagay kasi na kapag nakasanayan mo na, ayaw mo itong tumigil kasi malulungkot ka lang at pakiramdam mo may kulang sa buhay mo pag natigil ito.
"Sa maganda ka ngayon kaya hindi kita masabihan ng panget"
Nabitin ang paghinga ko sa sobrang shock.
"Sa maganda ka ngayon kaya hindi kita masabihan ng panget"
DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG
"Sa maganda ka ngayon kaya hindi kita masabihan ng panget"
Oi heart nandyan ka pa ba? Mine-make sure ko lang pakiramdam ko kasi parang nahulog ka eh.
"Sa maganda ka ngayong kaya hindi kita masabihan ng panget"
Kung ganun hindi pala sya napagod sa pang-aasar sa akin, nagandahan lang talaga sya sa new look ko kaya hindi nya ako magawang insultuhin. Parang nabunutan ako ng bareta sa lalamunan sa naisip. Hindi ko alam kung bakit pero nag-uumapaw ang saya ang dibdib ko. Sa sobrang saya pwede na akong lumipad sa space.
"Wait, did you really think na napagod akong asarin ka?"
I nod.
"Baliw! Sa tingin mo ba mapapagod akong asarin ka, no way. I will never get tired, NEVER"
YOU ARE READING
The Playboy and Plain girl marriage contract (DISCONTINUED)
RomanceWhat if you look a typical plain jane in short unattractive in tagalog panget ang masaklap pa you are married to a hot, sexy, handsome, mayabang, masungit, tamad, feeling at playboy na celebrity. Will you two see the spark, will you two feel...
