CHAPTER 7: "Si Jasper"

231 4 3
                                        

Sitting in front of us is Jasper. He's one of the hottest boys sa school.

Matangkad. Tisoy. May dimples. Brush up ang hair dahil walang pagbabanta ang anit. And more importantly, he's so effin rich. As in rich. Wala pa sa kalahati ng yaman nila Jasper yung pera ng family nila Monalisa.

I know. I know. Masamang mag compare. Pero, kailangan ko ng measuring instrument para madaling ma-explain kung gaano kayaman ang pamilya ng gagong 'to.

Gago siya. Thank you.

Kasali siya sa fraternity. May tattoos, pero hindi naman maduming tingnan. Mayabang siya. Matapobre. At mabait lang sa babae -- lalo na sa akin at sa iba pang girls na may GL card.

Oh, by the way, si Monalisa? Yung pinsan kong may sayad? Inlove yun kay Jasper. But apparently, he's not into her. Ako ang napili ni Jasper na alayan ng manok at gin.

Pero hindi ko type si Jasper. Honestly, matagal ko na siyang gustong bastedin, pero nung nalaman ko two months ago na yung mortal enemy ko eh patay na patay sa kanya, I decided na hayaan ko na lang. At least, everyday, eh napapamukha ko kay Mona na mas malakas ang kapangyarihan ng aking kagandahan.

"Oh! Ganda, you're wet," sabi ni Jasper nang makita niya ang damit ko.

"Obviously," sagot ko naman sabay tingin kay Donita. Ngumiti lang si Donita.

"Umuulan kanina. Want a ride home? Hatid kita mamaya." Paanyaya ni Jasper.

Well, hindi ako sure kung magpapahatid ako sa kanya later. Madali lang naman sumakay ng bus or jeep. May GL card naman ako. May guaranteed seat lagi.

Pero pag umuulan, at medyo bahamas (baha) na sa España, eh I have no choice but to grab the opportunity. Tipid na sa pamasahe, hindi pa ako mababasa.

"Ah, Jasper. Hindi pa ako sure. Baka kasi sumabay ako kay Gab. Sabay kasi kami ng out later. Pero I'll text you if ever." Sagot ko naman.

"Okay. Just text me. Dala ko ngayon yung red car ko. It's the fastest." Pagyayabang niya.

Oo, fastest! And that car is the fastest na maghahatid sa'yo sa hukay. Putashit din 'tong lalaking 'to eh. One time, nung sumakay ako sa kotse niya, eh muntik na niyang masagasaan yung matandang lalaking tumatawid.

..


LAST MONTH

"P*tang ina. Manong! Tabi!" Sigaw ni Jasper nang may biglang tumawid na matanda sa harap.

"Hoy. Bunganga mo. Ang baho. Naka stop light naman." Sabi ko. Nagulat ako nang bigla siyang sumigaw.

At hindi talaga lahat binibigay ni lord kasi nang marinig ni Jasper ang sinabi ko, eh bigla niyang inamoy ang hininga niya.

Ay ang slow.

..


PRESENT DAY

Kinuha ko yung phone ko na nasa bag para itext si Donita. I need to inform her secretly na kailangan na niyang mag-aya.

Kunwari kailangan na naming umalis.

Ayoko kasing mag-aya, baka makahalata tung gagong 'to na hindi ko siya type kausap.

"Oh, Donet. May nag-text sa'yo" sabi ko.

Tumingin bigla si Donita sa akin. Sabay kuha ng phone niya sa bulsa niya.

"Eh Ganda. Wala naman." Sabay pakita sa akin ng phone niya.

PUTASHIT. All caps, para intense.

Na delay yung text ko.

"So, Ganda. May problema ba? Ready ka na ba sa Miss Engineer? Nagpabili na ako ng maraming SIM cards kay George," sabi ni Jasper.

Si George, yung alalay niya.

Anyway, yung sinasabi ni Jasper, eh yung popularity award ng pageant. Text votes kasi yun, and it will start on Monday next week, at least five days bago yung pageant.

Like PBB and other reality shows sa TV, eh paramihan din ng text votes, pero ten votes lang per SIM.

"Ah. Oo. Okay naman na lahat." Matipid kong sagot.

At least, may pakinabang si Jasper. 5,000 pesos din yung cash prize nung popularity award.

Makalipas ang ilang minuto eh tumunog na yung phone ni Donita.

Sa wakas! Dumating na yung text ko.

Nagbilang ako.

1. 2. 3. 4. 5.

Teka, bat hindi pa siya nagyayaya umalis?

6. 7. 8. 9. 10.

At nang pagbilang ko ng sampu eh tumingin na ako kay Donita.

Nakangiti siya.

Walang hiya 'to. Nang-aasar pa. Huy. Nang-aano ka eh! Magyaya ka na umalis! Parang awa mo na.

Ah. Ayaw mong mag-aya ha?

Tinapakan ko yung paa ni Donita. Sapul ng heel ko yung dulo ng daliri ng paa niya.

Hahaha. With the capital H.

"Ahhhhhh! Tara na Ganda. Papasama pala ako sa'yo sa bookstore. Ouch. Sige Jasper. We need to goooo!" Palusot ni Donita.

Ang nangyari kanina eh isang patunay na hindi lahat eh kayang maimpluwensiyahan ng GL card. Pag sa babae mo siya gagamitin, not unless sa tivoli (lesbian), eh hindi ito gagana. So, pag may ganitong eksena, eh dapat gamitan mo na ng dahas.

"Sige, Jasper. Text na lang kita kung papahatid na ako okay?" Sabi ko, sabay tayo. Nag flying kiss na lang ako, para at least, baka kasi kailangan ko magpahatid mamaya..

At ang ngiti ni Jasper. Hanggang tenga.

Nang malapit na kami sa bookstore eh bigla akong napatingin sa isang room..

Teka, parang may something.

Aba, may something nga.

Si Gab, naki sit-in sa room ni Sandy.

Aba, ang dalawang to, hindi pa nakuntento sa landian nila kanina! Tinuloy pa nila sa classroom!

"Donita, di'ba walang class ng ganitong time si Gab?" Tanong ko.

Biglang sumilip si Donita sa room kung saan naka sit-in si Gab, bago siya nagsalita.

"Ay oo girl. Wala. Hmm. Naki-sit in nga! Waaa.. Ganda. Pigilan mo yang kababata mo. Lumalandi na."

Napansin din ni Donita na magkadikit si Gab kay Sandy.

Hmm.. Hinahamon talaga ako ng Sandy na 'to.

Humanda ka sa akin.

Matitikman mo ang batas ng isang diyosa!


GL CARD (Ganda Lang)Where stories live. Discover now