Epilogue

65 0 0
                                        

3 Years Later

          Gumising ng maaga si Gio. Masigla siyang naligo at kumain ng almusal. Pumasok siya sa kuwarto niya para kunin ang kanyang mga gamit. Pagbukas niya ng pinto biglang may nahulo na pitasong papel. Pinulot niya iyon at tinignan. Ano kaya to? Tanong niya sa isip niya. Nang may napansin siyang sulat. Binasa niya iyon.

                                                           Masaya ako at nakita kita
                                              ulit sana matandaan mo ang nakaraan natin
                                              naalala mo ba yung mga pangako natin?
                                              malalaman mo rin yun siguro
                                                                                                     __Hart

          Medyo naguluhan siya sa sulat na binasa niya. Pero bigla nalang tumulo ang kangyang mga luha sa mata niya. Bakit ako naiiyak? Sa isip niya. Umiling nalang siya at kinuha yung mga gamit at umalis.

                                                       **********

          Pumunta siya sa sementeryo. Naisip niya na may kailangan muna siyang bisitahin. Nang nasa tapat na siya ng lapida. Umupo siya at nilagay sa tabi nito at bulaklak.

Gio:Alam mo? Ang saya ko ngayon_panimula niya_malipas ang tatlong taon natapos narin ang mga mahirap na pinagdaanan ko pero alam mo? Namiss na kita kahit na loloko loko ka ay namimiss kita_tumingin siya sa langit_kaarawan ko na ngayon buti lang at napakaganda ng araw nato at mahalaga pa_tumingin siya sa lapida at hinawakan ito_maraming salamat……………Katherine

          Tama si Katherine nga ang kausap niya. Hindi naman niya kakalimutan ang pinakamamahal niyang kaibigan. Matagal na pero naaalala parin niya ang mga masasaya nilang pinagsamahan.

                                                       **********

           Papunta na ngayon si Gio kung saan ang pinakamahalagang lugar. Nang makapunta na siya ron naghihintay na ang kanyang mga kaibigan. Nang may biglang tumapik sakanya. Pagtingin niya isang babaeng nakangiti.

Gio:Oh buti at nakapunta ka Mana_tama si Mana ang binigyan ng pagkakataong mabuhay.

Mana:Syempre! Hindi naman ako puwedeng mawala sa kaarawan mo di ba!_natawa sila at nilapitan ang kanilang kaibigan.

          Ang totoo niyan ang sinasabi kong kaibigan ay yung mga paro paro na nagliliparan. Gusto niyo ikuwento ko ang nangyari sa iba?

          Nang matapos ang mga trahedyang nangyari. Maraming nagbago sakanila. Nagkaron na ng sariling bahay sina Liam. Nagkaron narin silang mga sariling trabaho. Nagtransfer narin sila sa school na punapasukan ni Gio.

          Kay Trisha naman. Nandito siya ngayon. Nasa lawa kung saan nakita noon nila.Gio. Tinahi lang ang braso na naputol. Buti naman at nahanap nila. Napapalibutan ito ng mga bulaklak at mga naggagandahang mga paruparo. Pawa itong payapang natutulog ng mahimbing na nakangiti sa loob ng tatlong taon. Pawang sleeping beauty lang? Pero mas mahaba pato. Nang bigla nalang pumunta sina Liam at Lia.

Lia:Buti naman at naabutan ko kayo! Tara na nakahanda na ang lahat!

Mana:Sandali lang naman gusto ko pang makita ang napakaganda kong kaibigan

Lia:Oo na eh halos araw araw mo na ngang nakikita yan eh di kapa nagsawa!

Gio:Hoy! Kapatid mo ba talaga si Trisha?!

Lia:Oo naman! Mukha bang hindi?

Liam:Tama nayan ang mabuti pat kuamin na tayo sayang naman ang inihanda namin_muli silang tumingin kay Trisha.

Mana:Kahit bangkay nalang siya ang ganda pa rin niya no?

Gio:Oo naman childhood friend ko yan eh

Lia:Ah yung firstlove niya?_bigla siyang binatukan ni Liam_aray ko naman! Ang sakit nun ah!

Liam:Kung buhay pa si Trisha mananagot ka ron! Alam mo namang ayaw niyang ipaalam sa iba yun.eh

Lia:Ano naman masama ron? Wala namang forever bakit itatago pa?

Mana:Kahit na

Lia:Gio

Gio:Bakit?

Lia:Mahal mo pa siya diba? Kahit wala na siyang buhay?

Gio:Oo naman

Lia:Eh kung kalansay siya? Mahal mo pa kaya?_bigla siyang tinadyakan ni Liam.

          Tumakbo ito at hinabol naman siya ni Lia. Tumawa nalang nang tumawa ang dalawa. Naglakad na sila papalayo nang huminto si Mana. Tumingin siya sa likod. Nanlaki naman ang mga mata niya sa nakita niya. Si Trisha na nakangiti lang. Napansin rin niya na gumalaw ang mga bibig nito. Napangiti nalang si Mana.

Gio:Mana! Tara na!

Mana:Oo na!_at nagsimula na itong maglakad nang nakangiti.

‘Maligayang kaarawan Gio’

                                                              ~The End~

A Demon Warrior Princess (COMPLETED)Where stories live. Discover now