ANDY'S POV:
Monday morning at inaantok pa talaga ako. Hinatid ako ng driver ko papasok ng school. Kahit na medyo tinatamad pa talaga ako pumasok, kailangan ko talaga pilitin as the SC president. Pero hindi kasi un ang main issue dito. Ang main issue dito ay ang 'war' na sinabi ni Kate. Hindi naman ako natatakot sa gagawin niya, parang bullying lang naman gagawin nun sakin. Sanay na rin naman ako sakanya kaya wala na lang sakin un. Nasanay ako nung time na isa pa kong robot. Sino kayang tutulong sa kanya para ibully ako? Marami naman din kasi akong tagahanga dito sa school, pero alam ko naman na kung merong tao na gusto ako, meron din na hate ako.
"Morning Andy"
"Morning JD!" umagang umaga, poging lalake babati sakin. Sino pang aangal di ba? HAHAHA!!
"Okay ka lang ba? May nangyare na ba?"
"AYIIEEEE!!!! CONCERN SI JD!!! Ang sweet!!! Di niyo ba napapansin na ang dami ng langgam dito??"
"Sophie, wag mo na silang asarin. Tignan mo, namumula na sila..pffttt..."
"Good morning Sophie, Drew!"
"Good morning din Andy."
"Oy Drew! Narinig kong tumawa ka ng konti dun ahh.."
"JD, akala mo lang un. Bakit naman ako tatawa sa namumula niyong mukha? Kasing pula lang naman ng kamatis!!! HAHAHA!!"
"Wala kayang nakakatawa dun! Nauna kayong mangasar eh!" Kahit na umaga palang, nagaasaran na sila! Ang kukuli--- "Aray!"
"SOORRYY PO!!! Hindi po talaga namin sinasadya na matapunan ng coffee uniform mo. Mainit po ba?? Sorry po talaga"
"Okay lang ako. Napaso ka ba? Patingin nga ng kamay mo?"
"SORRYY PO TALAGA!! Please wag po kayong magalit!!" bakit ganun? Umiiyak na agad siya? Eh bakit parang pinaparinig niya sa buong school ang nangyayare?? Nagtitinginan na tuloy sila..
"WHAT THE HELL SIS?!?!? Anong nangyare sayo?!?!?!"
"Chill ka lang Sophie. Okay lang naman ako. Natapunan lang ng coffee uniform ko."
"ANONG OKAY KA LANG?!?! You're not okay!!"
"JD relax ka lang please? Okay lang tala--- WOAAHHH!!! Bakit mo ko binuhat?!?!" WAAHHH!! Nakakahiya!! Ang taba ko pa naman ngayon tapos binuhat ako ni JD?? As in Princess style ha!! WAAH!!! Pinagtitinginan nila ako!!!
"Ibaba mo na ako please??"
"Sa clinic na, so please behave yourself"
"SORRYY PO TALAGA MISS PRESIDENT!!!!"
"Girls, kukunin ko name niyo para mamaya makausap namin kayo about sa nangyare."
"Sorry po talaga Drew.. Hindi po namin napansin na andun ang president.."
"Mamaya nalang natin pagusapan un."
Hindi ko na napansin kung anong pinaguusapan nila Sophie at Drew with the three girls. Ang alam ko lang, there is something weird going on right now. But that's not all of it, mas weird ang puso ko ngayon!!! Mr. Heart parang awa mo na, hinay hinay sa pagtibok baka hindi ko kayanin eh!!!
"Be a good girl and sit right there okay?"
"Yes Sir JD!" nagsalute pa talaga ako sa kanya, parang pulis lang! HAHAHA
"Sira! Natapunan ka ng mainit na kape tapos ganyan ka pa?!" pambihira! Makasigaw wagas???
"Soooorrryyyyy pooooo!!!" pinakitaan ko pa siya ng super duper cute kong smile pero nagpapanic pa rin siya paikot ng clinic.
YOU ARE READING
The Stranger Who Called
RomanceAno kayang mangyayare kapag hinabol ng isang popular actor ang isang emotionless robot? Curious lang ba siya? Love at first sight? Si Andrea na isang emotionless robot at si JD ang popular actor na mula nung prinotektahan siya nito ay hindi na siya...
