Matapos namin magdasal ni Kyrie ay agad na kaming umuwi. Bumuhos ang napakalakas na ulan. sobrang traffic at halos tatlong oras ang naging byahe namin pauwi. I checked my phone at naalala na dead battery nga pala ito. Ilang minuto pa ng makarating na kami ni Kyrie sa aming subdivision.
He was holding my hand while his other hand is holding the steering wheel. Kinakabahan ako dahil buong araw akong nawala at hindi pa kami dumating sa taping kanina. Direk is probably pissed to the both of us right now and i can't blame him if he is.
Ilang minuto pa ng nasa harapan na kami ng aming gate. Napansin ko na may mga sasakyan ang nakaparada sa gilid ng aming gate. Dalawang hindi pamilyar na sasakyan ang namataan ko at isang malaking van na pag mamay ari ng aming direktor. Oh no! He's here and my parents probably knows everything. We are screwed! Hindi ito ang naiisip ko na mangyayari kapag pinakilala ko na sa kanila si Kyrie.
Pinatay niya ang makina at mahigpit na hinawakan ang aking kamay na para bang pinaparamdam niya sa akin na okay lang ang lahat at wala akong dapat na ipangamba. Naibsan nga ang kaba na nararamdaman ko dahil sa mainit at mahigpit na hawak nya sa aking kamay. Pareho kaming bumitaw sa isat isa at lumabas ng sasakyan.
I held his hand while pressing our door bell. Ilang pindot at lumabas ang aming guwardiya. Agaran niya kaming pinagbuksan ng gate. Pumasok kami ni Kyrie sa loob. Pinasadahan niya ang aming bakuran. Nang makapasok kami sa loob ng bahay ay patuloy ang paglinga linga niya sa paligid.
"Welcome to my home." I said smiling. He smiled back at tumango saakin.
Nakita kong nagulat si Manang ng makita ako at bigla siyang tumakbo papunta sa Garden area namin. Kumunot ako sa reaksyon ni Manang. Siguro ay nasa Garden area sila ngayon. Hinila ko si Kyrie papunta doon at nagpatianod lamang siya sa akin. Habang papalapit kami doon ay hindi na magmayaw ang kalabog ng aking puso. Hindi ako pinagalitan kahit isang beses ng aking mga magulang dahil simula bata pa lamang ako ay mabait at masunurin akong bata at handa na akong matanggap ang unang sermon nila saakin ngayon. As long as Kyrie is beside me i can handle their wrath.
Nang mamataan kami ni Mommy ay agad siyang tumayo sa kanyang kinauupuan kung saan katabi niya si Daddy at si Direk Pip ang aming direktor. Naroon din ang ibang mga matataas na boss sa network na aming kinabibilangan. May mga pulis din doon sa garden area.
"Guillianna! Oh God! Where have you been?" Puno ng pag alala ang boses ni mommy. Nakita ko rin ang pag titig niya sa kamay naming dalawa ni Kyrie na ngayon ay magkahawak. Sabay kaming bumitaw ni Kyrie doon upang salubungin ang aking ina.
"Mommy... I'm so sorry." paghihingi ko ng tawad. Nakita ko ring papalapit si Daddy sa amin pero nakita kong nilagpasan niya kami at dahan dahan siyang umiling na para bang sobrang disappointed siya sa akin. Kinurot ng bahagya ang aking puso. Nilingon ko si Daddy na dumiretso sa loob ng bahay. "My, I'm really sorry. Dad hates me now."
"No anak. Daddy will never hate you. He is just worried and we even called police to look for you guys. Saan ba kasi kayo nagpunta? Ha?" ani ni mommy at hinaplos ang aking buhok.
"I'm sorry Tita. It's all my fault. I brought G at some places at hindi na namin namalayan ang oras." Paliwanag ni Kyrie.
VOCÊ ESTÁ LENDO
Born To Be Famous (COMPLETE)
RomanceAlam nyo ba iyong pakiramdam na, hindi ka pa nga pinapanganak pero sikat ka na? I know the feeling. I was born with a parents who were the Queen and King of Show-business. They are the highest paid actor and actress in their time. Kahit na nag quit...
