First Meeting
***
Jade's POV
Kanina pa ako nakaupo dito habang pinagmamasdan ko ang lalaking walang malay na nakahiga sa kama ko.
Sino kaya siya? Medyo kakaiba ang kulay ng buhok niya kumpara sa kulay ng buhok ng isang tao. Siguro nagpakulay siya? Pero kahit ganun, nababagay naman sa kanya ang buhok niya. Nagmumukha siyang astig.
Umiling ako. Ano ba 'tong mga iniisip ko? Pinagnanasaan ko ang guwapong estrangherong 'to?
Tumayo ako at nagpunta sa may closet ko upang maghanap ng damit na pwede niyang suotin. Pero puro pambabae ang nandito. Hindi ko naman siya pwedeng pasuotin ng damit pambabae. Magmumukha siyang bakla niyan.
Pumunta ako sa banyo at nakita ko ang robe kaya naisipan ko na 'yun muna ang ipapasuot ko sa kanya. Kinuha ko 'yung robe at bumalik dun sa lalaki.
Grabe bakit puno ng dugo ang damit ng lalaking 'to? Galing ba siyang giyera?
Pero teka, sino ang maghuhubad sa kanya? Ako? Pero lalaki siya eh! Tapos babae ako! Pa'no kung pagising niya ay nadatnan niya akong hinuhubaran siya? Baka magsisigaw pa siya na ni-rape ko siya!
Aish! Bahala na nga!
Sinimulan ko nang tanggalin ang pang-itaas niyang damit. Napalunok ako nang masilayan ko ang ABS niya.
Anak ng tokwa talaga! Ang ganda ng abs ng lalaking 'to! Buong buhay ko ngayon lang ako nakakita ng katawan ng lalaki.
Umiling ako. Potek na pag-iisip 'to! Tinutukso ako!
Pagkatanggal ko ng damit niya sa itaas (na hindi ko alam kung paano ko 'yun natanggal) nakita ko ang sugat niya. Siguro sinaksak ang lalaking 'to. Baka naman hinold-up siya tapos pumalag dun sa holdaper pagkatapos ay sinaksak siya ng kutsilyo. Siguro 'yun nga!
Tumayo ako at kinuha ang first aid kit sa banyo. Bumalik ulit ako sa kinauupuan ko kanina. Kumuha ako ng bulak tsaka alcohol. Binuhos ko ang alcohol dun sa bulak tsaka dahan-dahang pinahid sa sugat niya.
"Aaaarg..." nagulat ako nang umungol siya. Kita ko sa mukha niya na pinagpapawisan siya at the same time nasasaktan.
"Sorry. Medyo masakit 'tong gagawin ko but you have to bear the pain. Just hang on." sabi ko.
Para akong tanga. Kinakausap ko 'yung taong tulog.
Pagkatapos kong linisin ang sugat niya ay nilagyan ko ng bandage dun sa parte ng sugat niya para tumigil ito sa pagdugo.
Wow ha, hindi naman nursing ang course ko kundi business add pero nagawa ko 'to. I'm so proud of myself! Hoho!
Pagkatapos nun ay isusuot ko na sana sa kanya ang bathrobe kaso masyado namang pambabae ang kulay. Kulay pink kasi. Huwag ko na lang kaya 'to ipasuot sa kanya?
Niligpit ko na ang first aid kit tapos binalik ko sa banyo. Tiningnan ko ulit si Mr. Stranger. Ang payapa ng tulog niya.
*GRUUUU~
Napahawak ako sa tiyan ko. Hindi pa pala ako nakakakain simula nung dumating ako dito sa bahay.
Lumabas muna ako ng kwarto ko at nagtungo sa kusina. Hm... Ano bang kakainin ko? Parang tinatamad akong magluto ngayon kaya cup noodles na lang ang kakainin ko for late dinner. Oo, late dinner kasi 9:30 na ng gabi.
Binuksan ko ang cabinet sa itaas. Dun ko kasi nilalagay ang mga binili kong cup noodles.
At dahil hindi ako ganun katangkad para kunin 'yung cup noodles kaya kumuha ako ng upuan at pumatong dun. Ayan much better!
YOU ARE READING
The Demon Fox and the Nerd?!
RandomDalawang taong nanggaling sa magkaibang mundo, may pag-asa bang magkatuluyan ang kanilang mga puso?
