Chapter 5: The Start Of Something New

34 1 7
                                        

Sunday. 10:30 am.

Binuksan ni Veronica ang gate ng kanilang bahay habang siya ay umiiyak at tulala. Naaalala niya pa rin ang nangyari kagabi sa kanila ni Mico. Hindi niya alam kung paano niya ikukwento sa kanyang nanay at kay Bochok ang pagwawakas ng kanilang relasyon. Botong-boto pa naman ang nanay niyang si Violeta kay Mico. Sinara niya ang gate ng padabog.

Binuksan ni Veronica ang pintuan ng kanilang bahay. Umiiyak pa rin siya. Pagkabukas niya ng pinto, agad naman nakita nina Violeta ang kanyang anak habang siya ay naglilinis at nilapitan niya ito.

"Diyusko. Veronica! Ba't ngayon ka pa lang nakauwi? Anong nangyari sa inyo kagabi ni Mico.. Teka.. Anong nangyari? Veronica.. Anong nangya... Bakit ka umiiyak? Anak.." sabi ni Violeta.

"Ma.... Ma..." umiiyak na sabi ni Veronica at niyakap niya ang kanyang nanay.

"Diyusko. Veronica.. Anong nangyari.. Anak.. Sabihin mo sa akin.. Halika.. Upo tayo.." sinabi ni Violeta sa kanyang anak.

Pagkaupo nila:

"Veronica.. Anong nangyari?" tanong ni Violeta.

"Iniwan na po niya ako. Ayaw na po niya sa akin. Ang sakit. Ang sakit sakit." sabi ni Veronica

"Alam mo, Veronica.. Dumadaan tayong lahat diyan.. Alam mo siguro, ang pagkakamali mo, masyado mo siyang minahal. Ginawa mo siyang buong mundo mo, kaya nung iniwan ka niya, akala mo.. feeling mo.. parang.. wala.. wala ng natira sa 'yo." sabi ni Violeta.

Niyakap niya ang kanyang anak at sabing "Balang araw, maaalala mo ang lahat ng 'to at matatawa ka na lang. Pagtatawanan mo lahat ng 'tong pinagdadaanan mo ngayon."

Si Veronica ay umiiyak pa rin. Si Bochok naman, biglang dumating na may dalang robot. Lumapit siya sa kanila.

"Ate.. Why are you crying.. Mommy, why is ate sad?" tanong ni Bochok.

Dahil kahit sabihin man nila kay Bochok ang nangyari, hindi pa rin niya ito mauunawaan.

"Ate.. please don't cry na. I don't want you to cry because it makes me cry too. Please ate.. I love you." sinabi ni Bochok habang niyakap ang ate.

Bigla namang gumaan ng kaunti ang pakiramdam ni Veronica at sabing, "Yes, Bochok. Ate will be fine okay? Don't worry. Ate loves you too."

Bigla namang may nag-doorbell.

"Ma, sige na.. Ako na lang magbubukas." sabi ni Veronica na mugtong mugto na ang mga mata.

Pagkabukas ng pintuan, may dalawang taong tumambad kay Veronica.

"HELLO GIRL!!!!" sigaw ng dalawang taong tumambad kay Veronica.

Sinagot sila ni Veronica ng iyak.

Sila si Beb at Vergie. Si Beb ay may kalakihang masyado pero mabait naman ang kanyang puso. Nakakatawa rin ang kanyang tawa at nakakatawa din naman kanyang mga biro pero mas nakakatawa ang kanyang tawa. Si Vergie, bata pa lang eh alam na niya agad na kahit lalaki siya, may puso siyang babae. Maraming mga kababaihan ang nagkakagusto sa kanya pero nandidiri siya tuwing nalalaman niyang may gusto sila sa kanya. Gwapo kasi si Vergie kaya halos lahat ng girls ay nasasayangan sa kanya. Naiinis din siya pag tinatawag siya sa kanyang totoong pangalan, Vergilio. Sina Beb at Vergie ay mga kaklasi at bestfriends ni Veronica. Graduated na silang lahat sa BS Nursing at nagrereview na lang for licensure exam.

"Oh em gee, girl! What happened! Oh my gosh!" sabi ni Beb samantalang si Vergie ay nagulat din.

Pumasok sila sa bahay nila at naupo sa sofa sa sala.

Till My Heartaches EndWhere stories live. Discover now